Taon-taon ay naging tradisyon na sa aming tahanan ang magkaroon ng kris-kringle. Nagsimula ito noong nasa elementary pa ako at anim pa lang kami miyembro ng pamilya, nagpatuloy hanggang ngayon na labing walo na kami lahat. Para sa akin, ang kris kringle ay isang importanteng events sa araw ng pasko. Kung wala kasi ito ay malamang sa malamang na wala akong natatanggap na regalo tuwing pasko. Kaya naman labis akong nagpapasalamat sa naka-imbento nito. Atleast, walang mag-iisa ngayong pasko basta't kasali sa kris kringle.
Aktwali, ang kris kringle daw ay hinango sa salitang German na Christ Kindl o Christkind na ang ibig sabihin ay "gift bringer child". At dahil sa mga bobongkano (isteyt side na bobongpinoy) na nagkamali sa pronawnsheysion (tama ba ispeling?) ay binigkas nila ito na kris kringle (kitams, kung ang pinoy bopols sa ingles, ang mga kano naman ay bopols sa German). Hanggang sa lumipas ang mahabang panahon at ang imahe ni kris-kringle ay kumupas, inagiw at tumada. Mula noon ay isang bagong karakter ang ipinakilala sa ating lahat, ang ninong ng lahat at ang nag-iisang santa na lalaki, Si Santa Claus o St. Nicholas.
Noong bata pa ako (hanggang ngayon) ay naniniwala ako kay Santa Claus. Pagkatapos ng noche buena ay nag-uunahan kaming mag-sabit ng mga kapatid ko ng medyas sa bintana at umaasang bukas pag-gising ay may regalong ilalagay si tatay, este si Santa. Taon-taon naman ay hindi kami nabibigo, yun nga lang hindi ang mga regalong inaasam ko ang natatanggap ko. Kundi mga barya na mukhang galing sa arkansya. Dahil doon ay labis akong napabilib ni tatay, este Santa. Dahil ibinuwis niya ang kanyang arkansya para lamang mapaligaya kaming mga bata. Ngayon na hindi na ako naniniwala kay Santa (ows?) ay sinubukan kong ibahin naman ang isytayl. Imbes na magsabit ng medyas ay sususlatan ko siya at ibo-blog ko. Baka kasi member narin siya ng blogsphere at makarating ito sa kanya. Eniwey, gagawin ko 'to hindi dahil naniniwala pa ako sa kanya, katuwaan lang (plastik!)
Dear Santa,
Meri Krismas!
Kamusta na po kayo? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa ang sulat ko.Kamusta na po si Rudolf? Hindi na po ba siya inaaway nila Dasher, Dancer, Prancer, Vixen,Comet, Cupid, Donner and Blitzen. Si Olops the other raindeer po? Kasama na ba siya sa opisyal raindeer ng tropa?
Eniwey, Alam ko po na alam nyo na at hindi nyo pwedeng itanggi na malapit na ang pasko. Kaya naman sigurado rin ako na handa kayo at alam nyo na susulatan ko kayo.
Bago po ang lahat, para fair ay gusto ko munang sabihin sa inyo na naging mabait ako sa buong taon. Hindi na po ako iyakin. Pinipigilan ko na pong tumulo ang luha ko pag nanonood ng Maalaala mo kaya at Princess Sarah. Hindi na po ako nagpapa-late sa trabaho, madalas po ay maaga na ako pumapasok at gabi na umuuwi. Importante po kasi sakin na ma-ipost ang blog ko kada-linggo (ayaw ko sumablay sa deadline). Hindi rin po ako sumama sa nakaraang Makati Standoff, mas naniniwala po ako na ang pagbabago ay nasa bawat Pilipino at hindi sa isang pinuno o grupo lamang. Insyort, Gudboy po ako and I deserve to have gift(s) this krismas.
Pasensya na po pala kung sa wikang Pinoy ko po isinulat ang liham kong ito dahil hindi ko po alam ang salitang gamit niyo dyan sa North Pole, kung ingles, Russian, Polish o Polar Bear. ipa-translate nyo nalang po. Malamang at sigurado ko na may Pinoy workers din kayo dyan sa factory niyo na pwedeng mag-translate ng sulat ko.
Idinaan ko na rin po sa blog ang sulat ko para mas mabilis nyong makita at kung sakaling may kasing bait nyo po na makabasa ay baka sakaling siya nalang ang tumupad ng hiling ko. Hindi ko rin po kasi alam ang e-mail address nyo.
Santa_25@yahohoho.com parin po ba ang gamit nyo? Ininvite ko po kasi kayo sa friendster pero hindi nyo po ina-accept. (hmpf!)Idinaan ko na rin po sa blog ang sulat ko para mas mabilis nyong makita at kung sakaling may kasing bait nyo po na makabasa ay baka sakaling siya nalang ang tumupad ng hiling ko. Hindi ko rin po kasi alam ang e-mail address nyo.
Eniwey, eto po ang aking mga hiling ngayong pasko.
Canon EOS 40D Digital SLR. Hindi nyo po naitatanong ay nahihilg po ako ngayon sa photography at isa po sa pangarap ko ay magkaroon nito. Pag ito po kasi ang hawak ko ay malamang na kahit puro paling at putol ang kuha ko ay ma-aapreciate parin ng makakakita dahil sa ka-astigan nitong taglay. Wag po kayong mag-alala, papadalhan ko po kayo ng kopya ng mga kuha ko, at iiwas po ako sa mga nude photos (Pro kung type nyo yun madali po ako kausap, hindi po makakarating kay Mrs.Santa)
Dalawang round trip ticket sa Greece plus pocket money. Hindi nyo po tinupad last year ang hiling kong honeymoon namin ni Grace sa Europe. Kaya eto na po ang tiyansa ninyong makabawi. Okay lang po sa amin na sa Greece nalang, para po mabisita namin ang Olympia at Mount Athos. Pero naiintindihan po namin na mahirap ang buhay ngayon,kung kaya kahit sa sa Hongkong Disneyland ay pwede na, dagdagan nyo nalang po ang pocket money para todo ang saya.
Transformer (Optimus Prime). Kung hindi pa po kayo tinatamaan ng alzheimer, ay alam nyo na eto po ang taon-taon na hiling ko sa inyo since kinder. Pero hanggang ngayon po ay hindi nyo parin binibigay. Kung hindi po makagawa ng Transformer sa toy land ang mga elf nyo ay sabihan nyo lang po. Madali naman ako kausap, kahit po Zaido blue o Lastikman koletibols ay okay na sa akin kesa wala.
World Peace. Santa naman, ang dami na kayang humihiling nito. Pati nga mga beauty queens ay ito rin ang hiling. Kakasawa na kasi silang pakinggan kaya pwede bang ibigay niyo na po ito sa kanila. Bahala na po kayo kung paano niyo ito ibabalot sa giftwrapper, eniwey problema naman na iyon ng elf workers niyo.
Iyan lang naman po ang mga gusto ko ngayong pasko. Sana naman bigyan mo ng katuparan ang hiling ko. Ang tanda-tanda ko na po pero hanggang ngayon wala pa po kayong binabalot na regalo para sakin. Sige po, bahala kayo baka hindi narin ako maniwala sa inyo at tuluyan nang tumiwalag at umiba ng kapanalig. Sana po ay ibigay nyo sa akin ang mga hiling ko on or before December 24, 2007. Kapag hindi niyo po tinupad ang mga kagustuhan ko ay pangungunahan ko po ang pag-aaklas ng union sa inyong factory at isasama ko narin po ang mga miyembro ng magdalo para mapababa kayo sa pwesto.
Hoping for your kind consideration.
Truly yours,
Roninkotwo
"Da Gudboy"
P.S. Wala po kaming chimney sa Pinas. Kumatok na lang po kayo sa gate namin o mag doorbell, pero don't worry magsusuot ako ng blindfold para di ko po kayo makita.
6 comments:
Sana nga totoong may Santa. Siguro papakabait talaga ko, matupad lang ang wish ko.
kaw ha! Little bad karen,kung wala kapalit hindi ka papakabait. Magbalik loob ka at sumampalataya at siguradong siksik, liglig at umaapaw ang kapalit! =)
hi sir lloyd, new entry ult ah. sory sa reply ko last sunday, nalito ako sa tanong sa txt. nde ko naman kc nabasa, sbe lang ni jeric mgreply dw ako.
regarding dun sa CANON EOS, kung nde yan ibigay ni santa sayo, makukuha mo naman cia ng cheaper price, say 9000 less! i worked for canon before, at ung mga latest cameras fr japan ay pdeng ipabili sa employees. sbhin mo lang kung interesado ka. pde dn tong bisnez! (--,)
WoW!!!
Dear Santa,
Kung hindi po kayo makakapagpadala ng Canon EOS 40D Digital SLR ay cash nalang po. Less price na po yun, makakatipid kayo.
Dear Chyng,
Salamat sa reply mo sa tanong ko. Malaking bahagi ka ng swerte ko noong linggo. Abangan mo ang sunod kong post at ikukwento ko kung bakit. Sobrang na excite ako sa Canon EOS, sayang at ngayon ko lang nalaman, kakabili ko lang ng camera pero Sony yung nabili ko. Hindi kasi kaya ng budget ko ang Canon EOS.Sana ay makaipon ako agad.=)
dear sir lloyd,
parang nanalo ka ng raffle or sumthing sa pinuntahan mo last sunday ah.. good for you! Abangan ko ang new entry mo.
Bdw, i also have a new entry.
Ok naman ang Sony, HD yan. Pero ang Canon, my multiple face detection naman. (--,) hehe kulet ko!
Sana totoong my wishing Santa.
Wish ko:
Magkaroon ng magaling na pamunuan ang ating bansa. Di lang presidente.. included sana yong mga political leaders natin...
....wish nga lang..
Post a Comment