Jan 13, 2008

Ang Bato sa Buhangin (Makabagbag damdaming 1st Anniversary Special)

Will you marry me?

Isa na yata ito sa pinaka mahirap bitawang salita na nasabi ko sa buong buhay ko. Dati ay inakala kong simple lang ang pagsambit nito. Pero, iba pala ang bigat ng pangungusap pag seryoso mo ng sasabihin sa babaeng mahal mo. Kahit pa nga ilang beses kong ni-reherse kung paano ko sasabihin ito sa harap ng salamin, ay nangatog parin ako noong oras na harapan ko nang bitawan ang salitang ito. Tulad ng kasal, isang rin itong once in a lifetime experience lalo na sa mga babae. Maliban na lamang kung two timer ka at sabay nag propose ang dalawang papa mo. Sa lalaki kasi, kahit sampu pa ang girlfriend niya ay siguradong sa isang babae lang niya sasabihin ito. Magastos yatang bumili ng sampung diamond rings sa mga panahon ngayon. Minsan ay naka-saksi ako ng isang lalaki na nag propose sa kanyang kasintahan at ang laki ng epekto sa akin ng eksenang ito pagkatapos. Kahit nga hindi ko sila kilala ay labis akong natuwa sa mga pangyayari. Nag-umapaw kasi sa buong paligid ang saya at excitement na hindi lang sila ang nakadama, kundi pati ang mga nakasaksi. Ito ay nangyari noong kumakain ako sa isang restaurant sa Mexico. Daig pa ang eksena sa isang Mexican telenovela sa tindi ng emosyon na umapaw sa live proposal ito.

Mga Tauhan:
Isang Mexicanong itatago natin sa pangalang Sergio
Isang Mexicana na itatago natin sa pangalang Rosalinda
Waiter na itatago natin sa pangalang Fulgoso (kasabwat 1)
Gitarista na itatago natin sa pangalang Antonio Banderas (kasabwat 2)

Ang Eksena:
Abala sa pagkain si Sergio at Rosalinda ng lumapit ang waiter na si Fulgoso. Bahagyang na supresa si Rosalinda ng ilabas ni Fulgoso ang isang bote ng wine at ibuhos sa kanyang baso. Nang iinumin na ito ni Rosalinda ay agad pinigil ng waiter na si Fulgoso ang kanyang pag-inom, at mabilis na inihulog ang isang singsing. Umikot ang nakaluwang mata ni Rosalinda sa nakita. Agad namang hinawakan ni Sergio ang kanyang kamay, at ininom ang baso ng wine hanggang ang singsing na lang ang naiwan na nakasuot na sa dila niya (ang lupet!). Inilabas ni Sergio ang kanyang dila at kinuha ang singsing. Lumuhod sa harap ni Rosalinda at pasigaw na sinambit "Rosalinda Mercedez, quieres casarte conmigo!?" na ang ibig sabihin ay "Rosalinda Mercedez, will you marry me?!" habang kumukurap ang pilik mata at nahuhuli ang buka ng bibig sa mga salitang lumalabas. Hindi nakapagsalita si Rosalinda, bumubuka ang bibig niya ngunit walang salitang namumutawi. Hinawakan niya ang kanyang dibdib na halatang hindi makahinga. Sa taranta ni Fulgoso ay bigla niyang isinalaksak ang bote ng wine sa bibig ni Rosalinda para maka-inom. Nang mahimasmasan na si Rosalinda ay agad itong sumigaw. "Si Senor!" Pagkarinig ng sigaw na ito ay nagpalakpakan ang mga tao at biglang pasok sa eksena ang guitaristang si Antonio Banderas, at kumanta ng makabagbag damdaming awit na "wididit" mula sa soundtrack ng cartoons na Dora the Explorer.

Simple lang ang ginawa ni Sergio pero rock! at nag-iwan ito ng kaka-ibang ligaya, hindi lang kay Rosalinda, ngunit maging sa mga nakasaksi sa mga pangyayari... at isa ako doon.

Nang gabing iyon ay hindi na naiwasang bumalik sa aking ala-ala ang eksena namin ni Grace noong Nobyembre 10, 2006 sa Puerto Galere. Matagal kong pinagplanuhan ang araw na sasabihin ko kay Grace ang tulad ng mga sinabi ni Sergio. Kaya naman, kahit na pahirapan ng ipaalam ko siya sa kanyang tatay ay hindi ako sumuko. Ito kasi ang unang pagkakataon na magpupunta kami ni Grace sa isang bakasyon na kaming dalawa lang. Kaya, ilang baldeng pawis ang pumatak sa akin, at limang litrong laway ang nalunok ko noong araw na pinag-paalam ko siya. Mabuti na lang at napapayag ko rin ang tatay niya matapos akong mag-igib ng tubig, magsibak ng kahoy at mag tiklop ng labada.


Kumpleto na ang lahat isang araw bago ang aming bakasyon. Pero, wala pa akong idea kung paano ako mag po-propose kay Grace. Nagbasa pa nga ako ng ilang kwento sa internet para magkaroon ng idea at makalaglag panty na proposal. Pero naisip ko na mas okay ang may originality. Bago pa lumubog ang araw sa Puerto Galera ay mag-isa akong naglalakad, habang dakot ko ang engagement ring na binili ko para kay Grace. Nang mapagod sa paglakad ay naupo ako sa tabing dagat at nilibang ang sarili sa pagpukol ng bato sa kawalan (habang tumutugtog sa background ang awiting "Magpakailanman"). Nang mangalay na ang kamay ko sa pagbato, ay naisipan ko namang mamulot ng ibat ibang kulay ng bato na nakakalat sa buhangin. Dahil sa sobrang pagsesenti ko ay isinulat ko sa buhangin gamit ang mga bato ang salitang "LLOYD (heart) GRACE" na ang ibig sabihin ay Lloyd love Grace. At mula dito ay isang plano ang nabuo sa isip ko...

Mga Tauhan:

Lloyd, ang binatang kamukha ni Sam Milby.
Grace, ang dalagang kamukha ni Bea Alonzo
Bangkero, ang piping saksi sa mga pangyayari. (literal na pipi ang bangkero)


Ang Eksena:

Bago dumating si Grace ay itinanim ko sa isa sa mga bato na korteng puso ang engagement ring na ibibigay ko sa kanya. Ilang sandali pa ay natanaw ko na paparating siya. Inaasahan ko narin ito dahil napag-usapan namin na papanoorin namin dalawa ang paglubog ng araw. Kaya malayo pa lang ay nakangiti na ako sa kanya. Habang papalapit siya sa akin ay palakas naman ng palakas ang dagundong at tibok ng puso ko dala ng kaba. Nang makalapit na si Grace ay nagulat siya sa kanyang nakita. Tinitigan niya ang nakasulat sa buhangin at parang bata na namangha. "Galing ah! Ginawa mo?" "Oo, katulong ang mga dikya." Napangiti si Grace, hindi dahil sa joke ko, kundi dahil sa effort na ginawa ko. Niyakap niya ako at patuloy na inaliw ang sarili sa pagtitig sa aking masterpis. Ilang sandali pa ay lalong lumakas ang pangangatog ng aking katawan dahil sa nerbiyos. Hinawakan ko ang kamay ni Grace at pautal-utal akong nagsalita "B-bi, p-pra s-syo ang p-pinakamagandang b-bato na nasa harap m-mo." Noong una, ay hindi naintindihan ni Grace ang mga sinabi ko, ngunit ilang sandali pa ay dahan-dahang dinampot ni Grace ang batong may singsing sa gitna ng hugis pusong tumpok ng mga bato. Napatingin siya sa akin na noon ay namumula at naginginig ang labi sa pag-ngiti. Kinuha ko ang singsing sa kanya, at hinawakan ko ang kanyang kamay at pagkatapos ay halos walang boses na sinabing. "Ma. Mari Grace B. Cruz, will you marry me? Papakasal ka ba sakin?". Tumulo ang luha mula sa mata ni Grace, hindi siya nakapagsalita at nakatitig lang sa akin. Ilang sandali pa ay nag-uunahan na ang pagpatak ng luha sa kanyang magkabilang mata. Sinuot ko ang singsing at isang mahigpit na yakap ang iginanti niya habang patuloy pa ang pagpatak ng kanyang luha. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, papakasalan mo ba ako?". Isang impit na "00" ang isinagot ni Grace. Parehong tumigil ang ikot ng mundo sa aming dalawa ng mga oras na iyon. Kasabay ng pag lubog ng araw sa dalampasigan ng Puerto Galera, ay isang bagong sibol na liwanag ang sumikat sa amin. Liwanag na magbubukas ng bagong yugto ng aming pagmamahalan. Habang tahimik parin kami ni Grace at hindi parin nakaka recover sa mga pangyayari, ay isang mahinang palakpak ang aming narinig. Galing iyon sa isang bankero na kanina pa pala na nonood sa amin. Hindi ko naman siya pinahiya at kumaway ako, para hindi niya isipin na suplado ako sa personal.

Ngayon ang unang taong anibersaryo namin ni Grace bilang mag-asawa. Isang taon na puno ng saya at walang kapantay na pagmamahalan. Sana, sa mga darating pang taon ay umapaw pa ang biyaya sa atin at lalong tumatag ang ating samahan.

Salamat at pumayag kang magpakasal sa akin.

11 comments:

Chyng said...
This comment has been removed by the author.
Chyng said...

hi Sir Lloyd, mejo kinabahan dn ako habang binabasa ko ang pagpropose mo. parang pressure nga. pero IBA KA TALAGA. Buti nalang nde nawala ang singsing sa buhangin, else YARI ka! =)

May God bless you more wonderful years together! Happy wedding anniversary!

Roninkotwo said...

Iyon din ang kinatakot ko kaya hindi ako umalis doon. Dapat ay susunduin ko sya sa room, pero nde ko maiwan ang singsing. hehehe...Thanks chyng, maraming salamat! =)

catherine said...

hello engr. lloyd! inggit na naman ako. hehe. kelan kaya may magpu-propose sa akin ? na-visit mo na ba blogspot ni kapatid sherwin ( calalang)? nandon mga pics natin.. ang lalaki talaga! nagulat talaga ako at shock na shock sa laki ng picture ko. ganda ng picture ni grace :) ur pic? no comment pero oks na rin kesa di ka included sa kanyang mga HS friends :)

catherine said...

and.. buti na lang di natin sya classmate ng Kinder at baka i-post rin nya yung bungi pa ako. bwehehe. oops! am i giving you idea ? baka naman ikaw ang mag-post!

Roninkotwo said...

Hello dra, ngayon ko lang nabisita nung nabasa ko ang comment mo. Oo nga, mabuti at naalala pa nya ko kahit kalahati lang ng mukha ko ang kasama. Pero, mabuti narin yun. Kasi, kung buo iyon ay lalong dadami ang karibal ni Grace pag may iba nakakita. Oo nga, sobrang ganda ng asawa ko!=)Nakakamiss nga ang high school..

Roninkotwo said...

dra, wag ka mainip, nararamdaman kong malapit na ang ultimate proposal at ikaw ang makaka experience nun. Wag mo lang kalimutan i-kwento ang nangyari...yihiiii!!!!(kilig)

Anonymous said...

hahaha.. si chyng nag-iimagine kung paano magppropose si ano.. ireveal ko ba?!

Mas kabahan ka.. hehehe!

catherine said...

engr, sana nga meron pang katulad mo dito sa mundong ibabaw :)

Roninkotwo said...

=) meron dra. Hahaha, talagang gusto ko ng magtanong sa iyo..pero saka na, pipigilan ko ang sarili ko..=)

catherine said...

haha. mas dapat ngang pigilan mo na lang muna siguro. kapag nasa pinas na lang po ako ;)