Isang kaibigan ang lumapit sa akin at nagtanong. "Sa kabila ng pagiging busy mo sa trabaho, paano mo pang nagagawang mag-update ng blog mo?" Bigla tuloy akong napa-isip. Paano ko nga ba naa-update ang blog ko? Kahit pila balde ang kailangan kong tapusin na report at siksik, liglig at umaapaw ang problema sa trabaho. Tuloy, hindi ako nakatulog kagabi kaka-isip ng sagot sa tanong niya. Mula ng pumasok ang taong 2008 ay parang bagyo na rumagasa ang dami ng kailangan gawin at tapusin sa trabaho. Mabilis kasi ang pag-taas ng volume ng aming production. Kaya naman, halos wala ng oras para huminga. Sa tinagal ko na nga sa industriyang ito ay ngayon lang ako nakaranas ng hindi umuwi at dito na sa opisina matulog. Sa halos dalawang buwan ko pa lamang bilang Process Engineer ay tatlong beses ko na itong nagawa. Nakaka stress ang ganitong sitwasyon at ang pagbo-blog ang isa sa mga outlet ko para kahit papaano ay makalayo sa mundo ng mga makina at process control.
Dahil dito ay hindi maiwasang mamiss ko ang mga panahon na petiks ako sa trabaho. Tatlong taon ang nakalipas ay wala pang internet ang aming kumpanya. Kaya naman mababaliw ka talaga sa panahon na wala kang magawa. At dala ng ka-inipan sa mga oras na wala kang ginagawa ay naisipan kong gumawa ng work instruction para sa mga taong nakakaranas ng nararamdaman ko.
Gusto ko itong i-share sa inyo dahil alam kong mahirap at kahabag-habag ang kalagayan ng taong walang magawa.
Mga dapat gawin kung petiks ka...please follow the step by step procedure....
1. Huwag aabsent.
2. Huwag male-late.
3. Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang drawer at magkalkal. Kunwari ay may hinahanap.
4. Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhin ang mga filing cabinet. Maghanap ka ng ipis. Kung wala kang mahanap, tingnan mo ang iyong incoming and outgoing tray. Kalkalin at maghanap ng mga natira sa iyong mga kinutkot kahapon. Huwag kakainin muli. Labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mga iyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo sa iyong front drawer at ipunas sa laway mo. Pagkatapos ay ilagay muli sa drawer. Maaari mo pang magamit iyon bukas. Malaking katipiran sa iyo.
5. Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad ang telepono at magsalita. Kunwari ay tinatanong ka ng iyong kausap ang tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng "Oh! I am sorry but I will bring that to your office immediately." Kumuha kaagad ng kahit anong report paper at magpaalam ng maayos at buong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali.
6. Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti ang sarili. Mag-retouch kung babae. Tingnan kung baligtad ang underwear na naisuot kung lalaki, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris ng mga taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto.
7. Pagkabalik mo sa iyong opisina, buksan ang computer. Hintaying matapos ang Auto Scan. Marami ring minuto ang magugugol dito. Magbukas ng isang file... Isa pa... at isa pa uli...!!! Pumunta sa ccmail, tingnan ang inbox kung may hindi pa nababasa. Magbasa na kunwari ay bagong pasok ka lamang sa Grade One.
8. Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigang mabuti. Pag-aralan ang klase ng papel na ginamit. Bilangin kung ilang words ang nagamit.
9. Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwag mong hayaang ibaba kaagad ng kausap. Kumustahin. Tanungin tungkol sa mga National Issues katulad ng tungkol pagbaba ng dolyar kontra piso at ang muling pagtakbo ni Erap sa pagka pangulo sa taong 2010. Kumustahin din ang latest style ng kanyang damit pati na kung saan nagpapa-manicure at pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras ang pakikipag-usap. Magagalit ang iyong boss.
10. Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa deadline hour. Kung may ita-type, magtype ng 10wpm.
11. Tunguhin ang mga file na inipon sa loob ng ilang araw. Ayusin isa-isa habang ini-imagine ang sarili na sumasahod ng 20,000 pesos isang buwan. Huwag tatapusin. Magtira ng para sa ilang araw na gawain.
12. Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi ring bumisita sa ibang department, makipag chikahan.
13. Huwag mong titingnan ang iyong relo habang ginagawa mo ang lahat ng nasa itaas. Kapag ginawa mo iyon ay lalo kang maiinip. Hayaang mag-enjoy ang sarili sa iyong katamaran. Magugulat ka na lamang na "time" na pala para umuwi.
14. Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong trinabaho. At bago umuwi, dumaan ng CR. Tingnan at hipuin ang mukha kung gaano kakapal. Huwag pansinin ang mga kasamahan na mula umaga ay tingin ng tingin sa iyo. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo.
"Hindi bale nang tamad, hindi naman pagod!" - Tado
5 comments:
Grabeh! Kung may emoticon lang ng sametime dito.. ako yung laughing and rolling out loud!
The tips reminds me of my 5 years stay in Hicap.. lahat yun yata eh, nagawa ko.. nakakatuwa!
Petiks time..sobrang nakakamiss talaga sir lloyd.
I can't describe gaano ako naaaliw sa bog na ito.. ahahahah!
Grabeh, miss ko na kayo!
Di naman kaya sa pag-uwi ko e nasa market na ang compilation ng blog mo? Atleast, di ko na kailangan bilhin ang books ni Bob Ong... sulit na ako sa blogs mo.. simply the BEST!
Sir Lloyd, i agree. Hirap mgpatay ng oras. Meron dn ako natutunan over the years.. More tips para sa successful na pagpatay ng oras..
:: MgDownload ng SPYBOT, antagal mgscan nun, at least 20 mins. Pero magaling na AntiVirus to.
:: Since parang 7-11 ang pantry namen, ngdedeliver ako sa GUARDS ng coffee sa ibat-ibang floor. Mejo effort un, pero at least nkkapgpasaya ako ng guards ng ibang company where in tubig lang ang free sa knila. Good deed..
Dbale ng petix, my nakikinabang naman ng time ko..
At di bale ng petix ka- nkksulat ka naman ng blog mo at madame kmeng nasisiyahan sa bwat entry mo.
Naks! (--,)
Pinaka-effectiv tlga ang blogging na pampatay oras. Madame na kme meron nito sa Trend!
Mabuhay! I am back!!!
Ate Marian, ikaw ang inspirasyon ko habang sinusulat ko ang blog na ito..hehehe (joke)! alam naman ng lahat na isa ka sa pinaka-masipag na nakasama namin sa work! Ang totoo ay si Vic ang inspirasyon ko dito noon..hahahaha...
Ate Chyng, ang lupet ng pamatay oras mo, muntik pang tumulo ang luha ko sa good deeds mo. Parang eksena sa abs-cbn "walang nag-iisa ngayong pasko"...Naisip ko tuloy na gawin din yan...=)
Rejoice, you're back! Excited na kame sa nxt entry mo..
Can i complete the quote?
It is actually.. "Kung kaya nila, ipagawa mo sa kanila. Hindi bale ng tamad, hindi naman pagod!"
Hala.. si Victor pala ang expiration mo.. hehehe!
Pag nabasa nito yun, masasabutan ka nun, este masasapok pala.. hmmmmp! (may kilig factor yun.. alam mo na! hehehehe)
More blogs.. sana minsan may maisip ka tungkol sa mga ex-officemates. :)
Post a Comment