Saktong alas tress ay nasa lugar na ako. Dali-dali akong tumakbo sa gate para makipag- unahan sa pagpasok. Hanggang sa makasabay ko ang dalawa pang empleyado na parehong babae at nagmamadali rin. Dahil sa kanilang pagmamadali ay biglang natisod ang isa at nadapa habang hila nito pagbagsak ang kasama. Kaya mistulang stampede sa ultra ang itsura nilang dalawa pagkatapos. SWERTE at malayo pa ako sa kanila ng maganap ang trahedya at hindi ako nadamay. Mabuti nalang at walang nasawi sa pangyayari. Galos at kaunting lukot sa damit lamang ang tinamo ng mga biktima, kung kaya agad naman silang nakatayo.Nang makapasok ako sa loob ng stadium ay hindi na ako nagulat sa nakita. As usual, puno ang stadium sa dami ng empleyado ng Hitachi. Ayon sa bilang, mahigit 3,700 ang dami ng empleyado na nasa stadium ng mga oras na iyon. Kaya naman sa bubong na lang ang pwede kong pwestuhan kung gusto kong makapasok sa loob. SWERTE, dahil isang kaibigan (Si Amore) ang nakakita sa akin at dali-dali akong tinawag. Dahil sa kanyang koneksyon sa baba at diskarte ay nakakuha kami ng pwesto sa harap ng stage. As in sa harap, mga tatlong silya lang ang layo mula sa butas ng ilong ng mga performers. O di ba? Nasa VIP area na kami sa isang iglap.
Nagsimula ang programa sa isang paunang salita mula sa aming presidenteng hapon. Noong una ay tahimik lamang ang lahat at pinakikinggan ang bawat sinasabi nito. Walang humihinga, lahat ay nakatutok at pare-pareho ng hinihintay na marinig. Hanggang isang anouncement ang bumasag sa katahimikan ng lahat. SWERTE ng ipahayag niya na makaka-tanggap ang lahat ng bonus. Hiyawan ang lahat, ang iba ay tumili, meron nagwala, na-ihi sa salawal at meron din tumalon mula sa bleacher hanggang lower box. Kapag tungkol talaga sa pera ang usapan ay makakalimot ang lahat kahit siguro Akon pa ang katapat.
Matapos maka recover sa narinig na bonus ay muling nanumbalik ang party mood ng lahat. Hanggang isang dagundong na naman ang narinig ng isa-isang nag-datingan ang mga special guests. May malupit sa sayawan, malupit sa hosting, malupit sa kagandahan, malupit sa kantahan at walang lupet. Pero gusto kong samantalahin ang pagkakataon na ito para purihin ang lupet ng street boys! Sobra akong napabilib. Hindi ako mahilig sumayaw pero noong sila na ang nag perform ay bigla akong napatili. Ewan ko, hindi ko napigilan ang sarili ko, kusang umakyat ang tili sa aking diaphram at inilabas ng aking lalamunan. SWERTE at lahat ng katabi ko ay tumitili din, kaya hindi ako nahalata.
Ang lupet ng Street boys!
Sayang at hindi niya sinama si Ate Vi na idol ko.
Maganda sya at crush ko siya, kaya hindi ko pupunahin ang performance nya.
Malupit sa kantahan.
(Sadyang hindi ko na sinama ang isa pang guest, wag nalang sayang ang space..hehehe)
Hanggang sa dumating ang SWERTEng hindi ko inaasahan. Mula ng magkaroon ako ng malay sa mundong ibabaw ay hindi pa ako nakaranas manalo sa kahit anong raffle. Mapa-raffle man sa eskwela, raffle sa perya, sa baranggay, department store, sari-sari store o kahit pa-raffle ng Tide sa Eat Bulaga ay sinalihan ko pero bokya parin. Sinimulan ang raffle sa pag-bunot ng mga minor prices. Isang babae sa tabi ko ang nag-titili at sinabunutan ang katabi niya sa tuwa at buong lakas siyang nagsisisigaw na parang apo ni Sisa ng marinig ang pangalan niya na unang binunot. Ganoon niya kailangan ang premyo na iyon na pwede na siyang sumulat ng autobiography dahil sa makulay na pangyayaring iyon sa buhay niya. Ilang sandali pa ay tumakbo na siya papalapit sa lugar kung saan makukuha ang mga prices. At ng bumalik siya ay bitbit na niya ang kettle na kanyang napanalunan. Muntik ng dumugo ang anit ng katabi niya ng dahil lamang sa kettle na iyon. Nagpatuloy ang raffle habang ako ay abala sa pagkuha ng mga pictures ng kisame, silya, poste at spot light sa loob ng stadium. Hanggang sa marinig ko ang pangalan ko na tinawag. Bigla akong nawala sa sarili, siguro ay kung hindi ako nahiya sa eskandalong ginawa ng unang nanalo ay malamang na ganoon din ang nagawa ko. Lumapit ako sa claim station na wala akong idea kung ano ang napanalunan ko.
Staff: Sir, ano po napanalunan nyo?
Lloyd; Ah e, Ipod 60 Gig?
Staff: Sir, minor prices palang po ang na draw.
Lloyd: Ah ganun ba, hindi ba pwedeng Ipod nalang?. (Sabay dukot sa bulsa at abot ng 500). Eto, pang meryenda mo.
Staff: Sinusuhulan nyo ba ako!!!?
Lloyd: Hindi naman sa ganun.
Staff: Eto po, grocery basket worth 1,100 pesos ang napanalunan nyo!(sabay abot ng isang basket na umaapaw).
Lloyd: Arg! (bigat)
Pagbalik sa upuan ay tinitigan kong mabuti ang basket na napanalunan ko na parang lab at persayt. Ganito pala ang pakiramdam ng manalo sa raffle. para kang tumuntong sa ulap at may mga anghel na umiihip ng trumpeta sa saliw ng tugtuging papaya dance. Naging masaya ang buong gabi ko at naka-patong parin sa ulo ko ang tanda ng swerte. Nang mapadaan ako sa Lotto station ay inisip ko ring tumaya pero sarado na, sayang ang pagkakataon. Malamang kasi ay bumalik na sa normal ang aura ko kinabukasan. Agad kong tinext si Grace at ang nanay ko na ang balita ko ay nagrosaryo pa para manalo ako ng appliance showcase worth 40,000 pesos o ang grand price na 100,000. Pero hanggang grocery basket lang ang inabot ng swerte ko sa ngayon at ito ay labis ko nang pinag-papasalamat.
16 comments:
yey! swerte pa dn na matatawag dahil 0.003% chance ay nanalo ka pa sa raffle! [formula(3700 taken 1)x(3699 taken 2)...] hahaha
let's just pray harder nxt time..(--,)
Tama ang formula mo. Sinubukan ko pa i-integrate where limits are 0 to 1. taken 1, taken 2 lang pala..hehehe
bago my mgreact sa maling computation ko: eto pala dapat 0.0003% ang chance. (3700 taken 1) x (3699 taken 1) x (3698 taken 1)... mali ung una kong comment. yare ako sa prof ko sa probability pg nabasa nia to.
antaray ng-iintegrate ka pa sir lloyd. pang matalino lang yan! hehe
Walastik! Dati kahit tatlo lang tayo kasali sa raffle nde ka nabubunot. Ngayon bigtime ka na. 1 vs. 3700 na. Sali ka na ng game show!
naku chyng, parang PE lang ang integral sakin nung college (saksakan ng kayabangan, e muntik ngang sumabit).
anonymous, ikaw ha, nang aano ka na ha! bakit hindi ka nagpapakilala? Close ba tayo? bakit alam mo na nakikipag raffle ako sa tatlo katao dati?
haha. swerte nga talaga :)
ahhh... ano nga ba ang sasabihin ko? thank you sa happiness comment mo. actually, muntik ko ng ilagay ang type of happiness na yon kasi naalala ko talaga kayo ni Grace. hehe. kaya lang , mahirap mag-mention ng names.
kaw ha Dra..parang madami ako nde alam sayo..hehehe..
Grabeh nung nabasa ko toh, tawa ako ng tawa.. at naiyak din ako dahil na-miss ko ang bonus! huhuhu!
Ang daya gaganda ng guest, parang improving ha.. i love lucky pa naman! haayyy!
Kumusta naman?! Akalain mo yun.. after so many years mananalo ka din pala ng raffle! Talagang malaking hadlang si Jeric sa paraffle, ngayon napatunayan na na may nagaganap na sulutan sa pa-raffle nung magkasama pa kayo ni Jeric...hehehe!
Nagdugo ang utak ko sa mga computation ng probabilty.. waahhh!
Miss ko ang happenings, sana pag-uwi ko may out of town.. haayyy!
"di ko mapost nung december, super late tuloy ang comment"
palagay ko nga ate marian. AKo talaga ang swerte sa raffle. Siguro ay binabayaran ni Jeric ang mga organizer dati at sinasabing pag nabunot ang pangalan ko ay pangalan nya ang tawagin. Hmp! chyng, ngayon alam mo na kung bakit laging nanalo sa raffle si Jeric! Galing ng analysis mo ate marian...
Raffle? ano daw? di ako makarelate? sa gameshow lang ako nanalo (100,000feysus), at once lang sa raffle (trip to cordillera and palawan).. :) nanalo din ba cia before?
huh!? hindi pa ba nya na-ikwento sayo ang ultimate raffle win nya!? naku ate marian, yari tayo binuking natin..hehehe..tanong mo nalang sa kanya chyng, pero wag mo kami sumbong..hehehe..Talaga? nanalo ka ng game show? kwento mo naman sa blog..(exciting)
May pacompute-compute pa kayo ng probability.. pambihira!
Di lahat nadadaan sa E=mc2 (tama ba?! heheh)
te ning tama ung formula ko na yan pramis! at tama ka dn naman sa E=mc2 wher c is equal to 3E8 sa calculator..
sir lloyd, eto ba ung mga rice cooker and 500 feysus na kinwento nia saken kgbe (dahil tinanong ko..) hehe sa Hicap to dba?
uhm if youre referring sa 1 Million na napanalunan nia daw sa SMART, nver nia un nakwento, mga frens nia lang ngssabe kaya nde ako naniniwala. =)
hahaha...oo, lahat ng klase ng raffle ay napanalunan nya noong sa hicap pa sya..
kaya nga magpapalibre ako sa kanya pag-uwi ko.. and nagpromise na sya that he's going to treat me out.
wish ko lang magpakita sya.. hehehe!
really? at least kahit sa raffle man lang ay swerte cia.. charot!!!
oo naman ms.marian, palibre ka sa OUTBACK or sa BUBBA GUMP, tpos sama nioko ah! (--,)
Post a Comment