Alas diyes ang aming flight, pero dahil nga sa excited kami ay alas-sais pa lang ng umaga ay nasa airport na kami. Kami nga ang nagbukas ng upuan para sa flight PR 318.
Excited at nagmamadali kong inaya si Grace na dumeretso sa wax museum dahil pangarap kong makapagpa picture sa aking idol na si Jackie Chan. Matapos namin makuha ang ticket ay diretso agad sa entrance. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang aking idol. Nang makapasok na ay agad akong pumwesto sa aking idol at agad naman akong kinuhanan ng picture ng isa sa mga staff sa loob. Ng inaabot ko na ang aking camera para iyon ang gamitin niya ay hindi niya tinaggap. "No, for Jackie Chan, you need to pay. For others, it's free" Walastik! e si Jackie Chan ang pinunta ko doon. Kaya naman, sinulit nalang namin sa pagkuha ng litrato kila Brad Pitt, Mel Gibson, Jody Foster at Regine Tolentino.
Hindi mawawala sa itinerary namin ni Grace ang pagkain. Kaya naman, sa bawat gabi ng paglagi namin sa Hongkong ay ibat-ibang pagkain ang sinubukan namin. Ilan sa mga ito ay ang hipon na niluto sa halos nagbabagang kawali. Sa tindi kasi ng init ng kawali ay naluto ito ng sobrang juicy parin, pahirap lang kainin dahil sa tagal lumamig at pinaso pa nito ang dila ko. Ang version ng charlie chan sa Hongkong. Seafood noodles na mas madami pa ang toppings sa noodles. Ang kanilang version ng blueberry cheesecake na namatay ako sa sarap. Syempre, hindi mawawala ang peking duck at barbeque noodles.
Mabilis ang byahe sa Hongkong, matagal pa ang byahe ko pauwi ng Bulacan galing Laguna. Kaya naman halos hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa pagkaka-upo at hindi ko pa nauubos ang meal na ibinigay sa amin ay nagsalita na ang piloto na lalapag na ang eroplano at kailangan ng isuot ang seatbelt at ituwid ang upuan.
Paglapag sa Hongkong Airport ay agad namin hinanap ni Grace ang tour guide namin. Isang babae na mabilis magsalita ang sumalubong sa amin. Kahit na nga ingles na ang salitang ginagamit niya ay parang intsik parin ang rehistro nito sa aking tenga.
Unang destinasyon - Night Market sa Kowloon
Wala sa plano namin ni Grace ang mag night market sa unang gabi ng stay namin sa Hongkong, pero dahil kasama ito sa aming itinerary ay wala kami magagawa. Ayos lang, isang oras lang naman ang itatagal namin doon bago tumungo sa Victorias Peak. Ilang mga tips ang ibinigay ng aming tour guide kung paano mamimili sa Hongkong bago kami bumaba sa market. Dalawang salita ang tinuro niya, ang "lang loi" at "Peng'yu" (na hindi ko alam kung tama ang ispeling ko). Matapos daw magtanong ng presyo ay agad sabihin ang dalawang salitang ito sa tindera. "Lang loi, pengyu.." na ang ibig daw sabihin ay " Pretty, discount". Excited kami ni Grace na bumaba ng shuttle at paulit-ulit binibigkas ang dalawang salita upang hindi makalimutan. Unang nakita namin ay ang key chain na pwedeng Hongkong souvenir. Dito namin unang sinubukan ang tip ng tour guide.
Lloyd: How much?
Tindera: (kinuha ang calculator at pinindot ang presyo) $20 each
Lloyd: "Lang loi, pengyu"
Tindera: (Ngumiti, na parang excited at muling kinuha ang calculator) $15 each
Lloyd: Okay! give me 5 pcs.
Habang excited kami ni Grace dahil sa laki ng discount na binigay ng tindera ay biglang napako ang mata ko sa katabing tindahan. Keychain din na katulad ng sa una namin binilhan ang tinda niya, at ang halaga...$5 each!
Lesson 1: Wag mang-uto ng hindi ka mauto
Ikalawang Destinasyon: Victoria's Peak
Sakay ng Tram (isang lumang transportasyon sa Hongkong) ay aakyatin namin ang bundok ng Victoria. Kakaiba ang pakiramdam habang paakyat dito na ang tarik ay halos 45 degreee. Para kasing naiiwan ang laman loob mo habang paakyat ang tram. Pagdating sa Peak ay agad bumungad sa amin ang kabuuan ng Hongkong at ang kagandahan nito sa gabi, na dati ay sa post card ko lang nakikita. Agad kong itinayo ang tripod ng camera at pumwesto kami ni Grace sa pinaka magandand spot. Presto! isang magandang litrato ang kinalabasan. Kung hindi sa tripod ko ay malamang na nagbayad pa kami ng $50 para sa isang magandang kuha.
Lesson 2: Magdala ng Tripod
Ikatlong Destinasyon: Wax Museum
Excited at nagmamadali kong inaya si Grace na dumeretso sa wax museum dahil pangarap kong makapagpa picture sa aking idol na si Jackie Chan. Matapos namin makuha ang ticket ay diretso agad sa entrance. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang aking idol. Nang makapasok na ay agad akong pumwesto sa aking idol at agad naman akong kinuhanan ng picture ng isa sa mga staff sa loob. Ng inaabot ko na ang aking camera para iyon ang gamitin niya ay hindi niya tinaggap. "No, for Jackie Chan, you need to pay. For others, it's free" Walastik! e si Jackie Chan ang pinunta ko doon. Kaya naman, sinulit nalang namin sa pagkuha ng litrato kila Brad Pitt, Mel Gibson, Jody Foster at Regine Tolentino.
Lesson 3: Hindi sa lahat ng araw ay libre ang pa-picture sa idol mo.
Ika-apat na destinasyon: Food trip
Hindi mawawala sa itinerary namin ni Grace ang pagkain. Kaya naman, sa bawat gabi ng paglagi namin sa Hongkong ay ibat-ibang pagkain ang sinubukan namin. Ilan sa mga ito ay ang hipon na niluto sa halos nagbabagang kawali. Sa tindi kasi ng init ng kawali ay naluto ito ng sobrang juicy parin, pahirap lang kainin dahil sa tagal lumamig at pinaso pa nito ang dila ko. Ang version ng charlie chan sa Hongkong. Seafood noodles na mas madami pa ang toppings sa noodles. Ang kanilang version ng blueberry cheesecake na namatay ako sa sarap. Syempre, hindi mawawala ang peking duck at barbeque noodles.
Lesson 4: Nakakamatay ang blueberry cheesecake sa Panda Cafe.
Ika-apat na destinasyon: Disneyland
Kinabukasan ay dumating na ang araw ng kapana-panabik na pag bisita namin sa Disneyland. Bata pa lang ako ay pangarap ko nang makarating sa Disneyland. Dati nga ay inakala ko pa na ang fiesta carnival sa Araneta Cubao ay Disneyland na. Inuto ako ng nanay ko at nabuking ko lang siya ng wala siyang maipakitang Mickey Mouse sa akin. Pagdating sa Disneyland ay agad kaming nagmadali ni Grace na magpapicture sa mga disney characters na kilala namin. Una namin sinubukan puntahan si Mickey Mouse, pero blockbuster ang pila. Sinunod namin si Donalad Duck pero parang pila sa loto ang haba. Sa kabilang banda ay nandoon naman ang mag bespren na si Goofy at Pluto na hindi naman kahabaan ang pila. Kaya naman, dito kami sumugod. Lloyd: Halika, dito tayo kila Pluto. (Sabay hatak kay Grace)
Goofy: Mag papa-picture kayo?
Lloyd: Pinoy ka?
Goofy: Halika, dito kabayan! Pluto, mga kababayan natin papa-picture!
Pluto: Kabayan! Dito kayo!
Dito ko napatunayan na iba talaga ang dating ng pinoy. Akalain mong pinoy pala si Goofy at Pluto!
Lesson No. 5: Ako'y isang pinoy, si Pluto't, Goofy
Naging masaya at makasaysayan ang buong araw namin sa loob ng Disneyland. At ito ay tinapos pa ng isang masayang fireworks display sa harap ng castle ni Sleeping Beauty. Mistula kaming mga bata ni Grace na napapa wow sa bawat liwanag na dinudulot ng fireworks na sumasabay sa mga awiting likha ng Disney movies.
Habang nasa kalagitnaan ng fireworks ay tumingin sa akin si Grace at isang matamis na ngiti ang iginanti sa akin. Iniyuko ko ang aking ulo upang marinig ang gusto niyang sabihin. Isang mahinang bulong ang aking narinig. "Thank you bi! I love you so much!"
"I can show you the world. Shining, shimmering, splendid..."
18 comments:
pictures...pictures...where are the other pictures.
Sir, ishare mo naman ang photography skills mo.
Kakainggit!
how romantic!
now I can say, bulaceno ka nga.. hehe!
Congrats ulet!
Note: Filipino's are everywhere talaga! Gwapo ba si pluto and goofy? hehehe!
bitin!!! siguro my task ka ngaun sa ofis kaya di maciadong polished ang entry.. hehe
tatandaan ko ang Lesson 4: Nakakamatay ang blueberry cheesecake sa Panda Cafe. Sna matry ko dn yan!
Sna makarating dn ako Disneyland to meet Disney's princesses!
I agree chyng! Of all the things mentioned mas nafocus ako sa blueberry cheesecake (di masyado halatang mahilig sa sweets.. har har har)
Alang petiks time? ang konti ng comments :(
Ate jamie, sa friendster ko ni post ang karamihan sa pictures..hindi ko nga nagawang magpicture ng maayos dahil nakakalimutan kong kunan ang mga detalye pag nag-eenjoy ako.
Ate marian, wag mo ng pangarapin si Goofy o Pluto, amoy askal!
Ate Chyng, tama ang hinala mo, isang tambak na trabaho ang naiwan ko sa opis..hayaan mo, iniisip kong gumawa ng sequel..=)
Dapat tlga my sequel, bitin maciado. Not so you.. hehe
Meet tayo dis Feb or March, mgtatanong kme tungkol sa HK trip. Naingget ako tlga! Dapat dn makapunta! Sama ka te Ning?(--,)
Sbe pla ni Sir jeric, nde dw tyo pareho ng panlasa, kaya wag dw ako maexcite sa Cheesecake na nakakamatay sa sarap. Totoo ba un?
Ok sure! Naku, sobrang okay talaga at hindi nakakapanghinayang kahit na malaki nagastos. Sulit! naku, hindi ko pa nga alam panlasa mo, pero itataya ko pa yung kidney ko sa kanan..masarap talaga!
Ngayon ko lang ulit nabisita blog mo..nag HK pala kayo..regards kay grace..
Uy chyng wag mo ko biruin.. nagbabalak ako mag-stop over sa HK kung may makakasama ako.. tapos saka ako uwi ng pinas.. oh diba?! hehehe!
Pero sa June or July pa yun.
Ay ala pala breed sila Goofy and pluto, local lang.. hehehehe!
Teka, bakit nangingialam si jeric????
Maniwala na lang tayo kay sir lloyd, magaling ang panlasa nyan.
Yung chamomile, sabi ni boss pogi.. di daw masarap, hmp! bading yata yun eh.. crush ko pa naman si lolo. Lagi ako binibiro, make me a cup of coffee daw or tea, bruhong yun sabi ko talaga.. naaahhh!
Sakto ka Te Ning! Gusto kse namen pumunta in between ng bday namen, so June un.. Sama ka!
Mgkano kaya budget kung ksama Disneyland, Hollywood HK Hotel, at Ocean Park? Sir Lloyd, pakisagot.. Actually madame pako follow up questions! hehe
ayos yun..may kakilala kong travel agent na mabibigyan kayo ng malaking discount...kung pipili kayo ng hotel, wag na dun sa mahal kasi tulog lang namn ang gagawin ninyo..pero siguraduhin lang na nasa city ang hotel at hindi sa liblib na lugar..Ang 3D2N cguro ay kakailanganin nyo ng 25 to 30K kung pasyal lang at konting pasalubong ang bibilin, pero kung mag shopping ka..mas malaki ang kakailanganin mo..
Stressful mamili ng pasalubong kaya wag na. hehe Walang shopping whatsoever, ocean park at disneyland lang tlga.
Nxt time na ung follow up questions pag ngkita na tayo. Di ko kc gets ang day at overnight tour sa disneyland. Xplain mo ha. (ahaha, para tlga kong bata..)
Sure! =)
Sir lloyd gaya nga ng nasabi mo bitin na naman kami sa blog mo.... more... more...
nice place you got here... sir...
Salamat Sir Edong! Isa kang institusyon!!! IDOL!
debasyo! ano may balak ba kaw sa disneyland?
waahhh, 30thou? hmm sir lloyd sige check ko kung kaya ng budget na dumaan, pero siguro isang daytour lang sa HK.. i need to spend my time sa pinas.. para sulit.
pakicheck po kung may chance.
para maconsider ko. if not, kita nalang tayo sa pinas.. hexcited na ko umuwi.. promise!
sir edong? sya ba yung taga hicap din? galeng din nya sa writing ha.. :)
tagal mo nawala ate marian! my nahanap nakong wristwatch ng fossil.. rmmber ang usapan naten?
at ppunta ka mg-isa sa HK?? di nga? kala ko ba sabay tayo.. hmpf! (matinding ipunan to!)
Post a Comment