Mar 27, 2008

Perstaym sa Baguio

Alas dos pa lang ng madaling araw ay excited ko nang ginising si Grace. Ngayon kasi ang pagkakataon na una kong masisislayan ang Baguio. Hindi ito ang perstaym ko sa Baguio pero masasabi ko na ito ang perstaym na ma-eenjoy ko ang lugar na ito. . Una akong nakapunta sa Baguio noong ako ay tatlong taong gulang pa lamang at tanging ang mga kwento at ilang larawang kupas lamang ang nagsilbing ala-ala sa akin ng lugar na iyon.

Ang pangalawang pagkakataon naman ay walong taon na ang nakaraan. Naging masaya sana ang experience na iyon, pero minalas ako na dapuan ng nakahahawang sakit na LBM. Dahil sa namimilipit ako sa sakit ay hindi ko nagawang makababa ng sasakyan maliban na lamang kung may madaanang CR na naging stop-over namin kada limang minuto. Pati tuloy mga kasama ko ay nadamay sa sumpang pinagdaanan ko.

Noong malaman ko na magkakaroon kami ng mahabang bakasyon ay agad kong naisip na ayain si Grace sa Baguio. Pero dahil sa ilang personal na kadahilanan ay hindi kami natuloy. Hanggang sumapit ang biyernes at Baguio pa rin ang laman ng isip ko. Nang mapansin ni Grace na hindi na ako makakain at hindi na mapagkatulog kakaisip dito ay pinagbigyan narin niya ako. Sa sobrang tuwa ko ay nagtatalon ako sa kama at nag tumbling ng tatlo’t kalahating beses.

Lingid sa aming inakala ay hindi naging mahirap ang biyahe papuntang Baguio. Pagdating pa lang sa terminal ng Victory Liner sa Cubao ay agad na akong nakabili ng ticket at walang kahirap-hirap na nakasakay sa bus. Pero meron pang problema, kung saan kami tutuloy at kung may bakante pa bang kwarto sa mga hotel?. Kalagitnaan na ng biyahe ay iniisip parin namin kung saan kami magpapalipas ng gabi. Ayaw sana namin maglatag ng banig sa Burnham Park pero ito na lang ang naiisip kong paraan sa oras na wala kaming matuluyan.

Hanggang sa naalala ko ang isang kaibigan na posibleng makatulog sa amin. Si Lee, isang dating kasamahan sa trabaho. Isang text ko lang ay kaagad na niyang ginawan ng paraan na ma-ihanap kami ng hotel. Medyo natagalan lang ang negosasyon namin dahil sa liit ng budget ko.

Lee: May mga hotel na akong nakita, I-reserve na kita. Magkano ba budget mo?
Lloyd: Ayos. Meron bang 500 per night?
Lee: Ngek! Hotel ba talaga hanap mo?
Lloyd: Kahit tent pwede na may matulugan lang.
Lee: Hehehe..meron ako nakita, 1,350, 1,500, 1,800 per night. Yan na yung pinaka mura.
Lloyd: Sige, yung 1,350 na lang. Wala na bang tawad?

Nang makarating kami sa Baguio ay nadatnan na namin doon si Lee kasama ang kanyang asawa na si Gary. Sa terminal pa lang ay nag-aantay na sila sa amin. Matagal ko ring naging kaibigan at kasama sa trabaho si Lee. Pero noong nakaraang taon ay nag desisyon siya na iwan ang Laguna at samahan na ang asawa sa Baguio. Isa ito sa desisyon na alam kong hindi madali pero nagawa nila dahil sa pagmamahal. Hanga ako sa desisyon na iyon, at nakita kong nagbunga ito. Masaya ang dalawa, ramdam ko ang nag-uumapaw na pagmamahalan sa bawat tawanan, tinginan at kulitan. Si Ma’am Lee pa rin ang dati kong kasama sa trabaho na focus sa kanyang goal, kaya lahat ng ito ay napaka-simple lang niyang na-aabot. Pero sa pagkakataong ito ay meron siyang masmalalim at masmakabuluhang adhikain. Tulad ng naipangako ko, kasama ninyo kaming ipagdadasal na matupad ito.

Mula sa terminal ay hinatid nila kami sa Hotel at mula doon ay inayang kumain. Naging mahaba ang aming kwentuhan dahil sa tagal narin mula ng huli kaming magkita. Samahan pa ng mga masasarap na putahe na talagang nakakatakam.

Hindi ako mahilig sa sea food. May allergy kasi ako sa ilan sa mga ito. Pero ang seafood sa Bahay Sawali ay nagpasaya sa taste buds ko. Samahan pa ng isang katutubong luto na dati pang ipinagmamalaki sa akin ni Lee.

Ang pinikpikang manok. Isang local delicacy ng Igorot. Ang "pinikpikang manok" ay inihahanda sa pamamagitan ng pagpalo sa buhay na manok gamit ang maliit na kahoy hanggang sa ito ay mamatay. Brutal pakinggan pero ang lasa nito ay mas malinamnam kumpara sa normal na pagpatay sa manok. Tinatawag din daw itong “Killing me softly” para mas magandang pakinggan.


Matapos ang masarap na tanghalian ay hinatid pa kami ng mag-asawa sa hotel. VIP ang treatment nila sa amin kaya naman utang naming sa dalawang ang masayang bakasyon na ito.

Pauwi na kami ay nag text ulit sa akin si Lee. Tinatanong niya kung nag-enjoy kami sa aming pagbisita sa Baguio. Oo at salamat lang ang na-itext ko dahil sa hindi ko kayang itext ang lahat ng bagay na na-enjoy namin sa lugar na iyon. Pero sa pagkakataong ito ay iisa-isahin ko ang mga ito.

Nag enjoy kami sa...

Mainit na pagtanggap ninyo sa amin.
Pagkain sa Bahay Sawali na libre ninyo. (Sino ba naman ang hinde mag-eenjoy?)
Pinikpikang Manok


Strawberry Taho na dati ay laman lamang ng aking panaginip.
Ang sariwang salad na amoy garden pa.
Ang super sweet corn na pinag-agawan pa namin ni Grace ang huling kagat.


Tenderloin Steak ng Sizzling Plate Baguio



Fresh na strawberry na bagong pitas
Ube jam na expired na after 2 days.
Ang Brocolli, Lettuce at talbos ng sayote na binili namin sa palengke.


Ang madumi nang Burnham Park, pero masarap pa rin maupo at magkwentuhan.
Ang matarik na hagdan sa Cathedral.
Ang SM Baguio na malamig kahit walang aircon.
Ang Mines View Park na parang picture capital of the world. (Lahat ng picture-an ko may bayad..hmpf!)
Si Douglas na paboritong ka picture-an ng lahat.
Ang Botanical Garden kung saan nag post nuptial pictorial kami.
Ang most famous and first ever barrel man na pag-aari ko.


At higit sa lahat ang bawat madaling-araw na yakap ko si Grace dahil sa ginaw…

22 comments:

Anonymous said...

Hehehe..kaw ba yung nasa pic sa harap ng flowers? ang cute...bwehehehe..

Chyng said...

Nsa Baguio pla kayong last holy week. Ilang araw kyo dun? NXTIME SAMA KAME!!!

Hay nako sir Lloyd, di moko pinabilib dahil sa P1350 na hotel room rate. Pag anjan kme, we stay in a house, transient. 200 per nyte lang. Panalo! (pero sbgay peak season pla ngaun)

Pakiabangan na lang din holy week entry ko ah. Wala pa kc saken pictures kaya di masimulan. (--,)

Roninkotwo said...

Chyng,

Oo, nandun kami mula Sat to Mon. Gusto ko nga sana kayo itext kaso naisip ko baka may ibang lakad kayo. Naku napamahal pala ko..pero ok lang maayos naman yung hotel at malapit sa lahat...Ok, intayin ko entry mo..=)

Karen,
Oo ako yun..wala tayo magagawa..bata pa lang ako cute na ko..

Anonymous said...

Madaling kumita sa baguio, mag igorot custume ka lang pwede ka na maningil sa bawat mauto mo na magpapicture sayo..hehehe..

Roninkotwo said...

Oo anonymous..sa susunod na balik ko nga doon dadalhin ko yung alaga kong langgam at 20 pesos ang sisngilin ko sa bawat magpapa picture...

Arianne The Bookworm said...

napadpad ako dito nang mabasa ko ang isang comment mo kay Sir Edong.. humahanga ako sa galing mo sa pagsulat. natutuwa din ako at ibinihagi mo ang iyong karanasansa Baguio. mapapadalas ang dalaw ko dito :)

Roninkotwo said...

Salamat po. Karangalan ko na dinalaw nyo ako! =)

catherine said...

engr, biglang nagbalik sa aking ala-ala ang baguio na halos humulma sa buong pagkatao ko :)bwehehe. ang lalim na no? na-miss ko ang aking alma mater, ang tambayan namin sa john hay, ang biking sa burnham, ang masarap na inihaw na corn sa mines view, etc. ay, parang tourist guide na ako tuloy :)

Anonymous said...

naku Lloyd, nauunawaan ko ang mga gabing d ka mka2log dhil d ma22loy ang paglalakbay mo sa baguio. Pangrap ko rin mkapnta as baguio para sa kaarawan nmin ni chyng. Kya lng gus2 nya sa ibang lugar nya gus2 maglakbay. Nakakainggit nman kyo dhil ngkta kyo ni lee. Naranasan na rin namin ang pagpapakain ni lee. Dahil jan napagtanto ko na pag dumating ang araw na wla na kming mkain, sasadyain ko ang baguio para malamnan nman ang mya sikmura nmin ng msarap na libre ni lee. Hehe. Regards I'd grace. Ingat kyo :9

Roninkotwo said...

Dra Kaye, pag nababanggit nga ang baguio ikaw ang isa sa naiisip ko. Ako nga na ilang araw lang namalagi doon ay napino na ng masasayang ala-ala..kaw pa kaya.. =)

Jeric, hehehe..alam ko ang gusto ni chyng..HK! HK! HK! go na! birthday nyo naman..birthday ko rin yun..balitaan nyo ko..baka sumama ko..=) Oo, nakakamiss si Lee. Noong nagkita nga kami ay bigla ko namiss ang mga pang-aasar natin sa kanya noong nasa hicap pa.

Chyng said...

Ibang out of the country trip ang gusto nian.. at long term un.

Yaman ah, babalik ng HK? Ganun yt tlga pg Unit Manager na. (--,)

Manila Ocean Park tayo!

Roninkotwo said...

Waaaaah...san galing ang balitang iyan? hehehe

Sure..txt nyo lang kami...

Anonymous said...

bosing, may tnatawag na ms. maila. dpat pla nagpalibre na kme pepper steak. e2 ndi man lng nagshare ng good news. Congrats! Hayaan mo dadayo dn kme HK. :9

Anonymous said...

Ayaw ako palagyan ng pangalan knina

catherine said...

oi, makiki-yeheeey din ako sa promotion :) libre ha :)

Roninkotwo said...

Jeric, pasensya na..pero salamat..yun nalang muna..tumaas na naman ang kilo ng bigas.

Dra Kaye..sige, ililibre kita! (malakas loob ko sayo kasi malayo ka..hehehe)

Anonymous said...

anonymous aka debasyu.. tama ba!
sino mag HHK? pambihira ha.. sana naman idamay ako noh..
pambihira naloloka na ako.. ala man lang ako makasama sa mga lakaran dito.
Alang baguio, sagada at HK.. hmf!

Manghahatak nga ako kahit man lang stop over sa HK. Sino kaya??? hmmm.. :)

Looking for volunteer.. pero di libre.. heheh!

Chyng said...

"pacencia" not accepted samen.. pde ka naman bumawe sa pgtreat samen sa Ocean Park.. hehe
sori sir Lloyd, spoiler yta kme sa promtion mo.. (--,)

Roninkotwo said...

Chyng, hahaha..
Hindi naman, ok lang yun. Atleast na inspired ako i-blog yun kagabi dahil sa comment nyo..Pangit pa daw ang ocean park, saka na lang pag kumpleto na..Tumataas na rin ang presyo ng tinapay..hehehehe..

Anonymous said...

Yuts, daw palagpat imo blog.

Anonymous said...

We should have a great day today.

bro.jhude said...

yeah its more fun in the baguio city than here in manila sana sama ako jan