Si Boy ang panganay sa siyam na magkakapatid. Dahil sa hirap ng buhay ay naisipan siyang ibigay ng kanyang magulang sa isang kamag-anak. Walong taon pa lang siya noon at hindi pa lubos na naiintindihan ang sitwasyon. Pero kahit labag ito sa kanyang kalooban ay wala siyang magawa. Sa isang maliit na bahay sa may Project 6 Quezon City napapadpad si Boy. Isang lumang bahay na napapalibutan ng mga makina sa pagtahi ng damit ang naging bagong tahanan niya. Tulad ng naipangako sa kanyang magulang ay pinag-aral si Boy ng pamilyang kumupkop sa kanya. Bilang ganti ay nagsisilbi siya sa mga ito. Pumapasok si Boy sa eskwela ng walang baon at walang bagong damit o sapatos. Pero hindi ito naging hadlang upang sumuko siya na tuparin ang pangarap.
Pagkagaling sa eskwela ay diretso sa bahay si Boy. Ang paglilinis ng bahay, pag-igib ng tubig, pagluluto at utusan sa lahat ng gawain ang naging araw-araw na buhay niya. Matapos ang mga gawain sa bahay ay doon pa lang siya nag kakaroon ng pagkakataon na makapag-aral. Tiniis ni Boy ang lungkot at hirap na mawalay sa magulang dahil sa pangarap na isang araw ay muling makakasama ang mga ito.
Nang makatapos si Boy ng high school ay pinagpatuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa isang unibersidad sa Maynila siya nag enroll sa kursong Mechanical Engineering. Upang matustusan ang kanyang pag-aaral ay sinabay niya ang pagtatrabaho bilang mananahi sa mga taong nag-alaga sa kanya. Sapat lang ang kinikita ni Boy sa pananahi na pangbayad sa tuition fee ng kanilang eskwela. Kaya sa tuwing may mga gamit para sa kanyang kurso na kailangan niyang bilhin ay hindi niya mabili. Dahil sa hirap na mapag-sabay ang pag-aaral at pag tatrabaho, kasabay pa ng malaking gastusin ay tuluyan ng sumuko si Boy. Pag tungtong ng 3rd year college ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at pinagpatuloy ang pananahi upang makaipon at maipagpatuloy ang naudlot na pangarap.
Isang araw habang abala si Boy sa pananahi ay isang babae ang kumatok sa kanilang patahian. Dito niya nakilala si Genie. Isang simpleng babae na sa unang tingin pa lang ay nag iwan na ng bakas sa puso niya. Ngunit bago pa man masabi ni Boy ang kanyang nararamdaman sa dalaga, ay agad niyang narinig mula sa kanyang kaibigan na ang babaeng kanyang nakita ay ang babaeng nililigawan nito. Mula noon ay pilit ng itinago ni Boy ang kanyang nararamdaman para dito. Sa halip ay tumulong pa sa kaibigan upang mapasagot ang dalaga. Lumipas ang ilang taon at masugid na lumigaw ang kaibigan ni Boy kay Genie. Hanggang sa maramdaman ng kanyang kaibigan na walang pagtingin sa kanya ang dalaga. Dahil dito ay sinuko niya ang panliligaw at sinabihan si Boy na siya nalang ang magtuloy. Bagamat nagulat si Boy ay kakaibang sigla ang nadama ng kanyang puso. Ilang buwan ang lumipas at sinagot si Boy ni Genie. Naging matatag ang kanilang pag-ibig kahit pa madalang lang silang magkita. Sa Bulakan kasi nakatira si Genie at dumadalaw lang sa kanyang tiyahin na mananahi rin sa tinutuluyan ni Boy. Hindi nagtagal ay nagpasya si Boy na pakasalan na si Genie.
Matapos ang kasal ay lumipat agad ng bahay sila Boy at Genie. Isang maliit na kubo sa Bulakan ang unang naging pugad ng kanilang pagmamahalan. Gamit ang kaunting ipon ay bumili ng isang makina at nagtayo ng maliit na patahian si Boy upang ito ang kanilang pagkakitaan. Naging masaya ang pagsasama ng dalawa, lalo pa ng biyayaan sila ng apat na supling. Hindi naging madali ang buhay kay Boy at Genie. Pero kahit na hindi sapat ang kinikita ay hindi sila tumigil at ginawa ang lahat upang mapag-aral ang kanilang mga anak. Tulad din ng naranasan niya noon, ay halos wala siyang maibigay na baon sa mga anak sa tuwing papasok sa eskwela. Minsan ay nakikita siya ng kanyang mga anak na sumusuot sa silong ng bahay at pag labas niya ay may mga barya na siya sa kamay. Pinupulot niya ang mga baryang iyon mula sa silong upang ipabaon sa mga anak. Nagpursige si Boy upang ituloy ang pag-aaral ng kanyang mga anak, dahil ayaw niyang matulad ang kapalaran ng mga ito sa kanya. Hindi niya ininda ang hirap at tanging ang mga medalyang inuuwi ng kanyang mga anak ang nagiging lakas niya upang huwag sumuko.
Nang makapag kolehiyo na ang panganay ni Boy ay lalong siyang nahirapan tustusan ang mga kailangan nito. Kaya naisipan niyang humanap ng ibang pagkakakitaan. Bukod sa pananahi ay pinasok din ni Boy ang pag titinda ng isda, kaldero at sapatos na inilalako niya sa bawat bahay gamit ang kanyang padyak. Hindi naging hadlang sa kanya ang hirap at sakit ng katawan sa maghapon na pag-gawa upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Limang taon ang nakalipas at naka gradweyt ng engineering ang panganay na anak ni Boy. Nangilid ang luha niya ng makita ang anak na inaabot ang diploma. Parang isang malaking tinik ang unang hinugot sa puso niya at mula dito ay lalong tumatag ang kanyang loob. Ilang taon ang lumipas ay sunod-sunod na grumadweyt ang kanilang mga anak, at nagkaroon ng maayos na trabaho. Isa-isang nabuo ang pangarap ni Boy. Higit pa sa kahit anong kayaman ang dulot na saya ng matupad niya ang pangarap sa kanyang pamilya.
Noong Linggo ay nagdiwang ng ika-62 taong kaarawan si Boy. Nandoon ang kanyang asawa, ang apat na anak na may kanya-kanya na ring pamilya, at ang kanyang mga apo na nagsisilbing tuwa ngayon sa kanyang buhay.
Nang makapag kolehiyo na ang panganay ni Boy ay lalong siyang nahirapan tustusan ang mga kailangan nito. Kaya naisipan niyang humanap ng ibang pagkakakitaan. Bukod sa pananahi ay pinasok din ni Boy ang pag titinda ng isda, kaldero at sapatos na inilalako niya sa bawat bahay gamit ang kanyang padyak. Hindi naging hadlang sa kanya ang hirap at sakit ng katawan sa maghapon na pag-gawa upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Limang taon ang nakalipas at naka gradweyt ng engineering ang panganay na anak ni Boy. Nangilid ang luha niya ng makita ang anak na inaabot ang diploma. Parang isang malaking tinik ang unang hinugot sa puso niya at mula dito ay lalong tumatag ang kanyang loob. Ilang taon ang lumipas ay sunod-sunod na grumadweyt ang kanilang mga anak, at nagkaroon ng maayos na trabaho. Isa-isang nabuo ang pangarap ni Boy. Higit pa sa kahit anong kayaman ang dulot na saya ng matupad niya ang pangarap sa kanyang pamilya.
Noong Linggo ay nagdiwang ng ika-62 taong kaarawan si Boy. Nandoon ang kanyang asawa, ang apat na anak na may kanya-kanya na ring pamilya, at ang kanyang mga apo na nagsisilbing tuwa ngayon sa kanyang buhay.
Habang minamasdan kong kumakain si Boy, ay napansin ko ang kapal ng mga ugat sa kanyang mga kamay. Ito marahil ang iniwang bakas ng lahat ng sakripisyo na ginawa niya para sa kanyang pamilya. Gusto kong hawakan ang kamay ni Boy at halikan. Sa ganitong paraan ko kasi gustong ipakita ang taos pusong pasasalamat sa buhay at pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Ang mga kamay na humubog at nag pakilala sa akin ng tunay na sakripisyo, kalinga at pagmamahal
Ngayon ay may sarili na akong pamilya. Pero hinding-hindi mawawala sa puso ko ang kwento ng buhay ni Boy. Gusto kong maging tulad niya, at gusto kong ituro ang aral ng kanyang buhay sa aking magiging anak.
Salamat Boy! Isa kang dakilang Ama..
Happy Birthday Tatay! Mahal ka naming lahat!
"Si Boy at ang kanyang pamilya..minus ako na nag picture"
“Pasensya na kung naka-drama mode ako ngayon..masyado lang akong nadala ng aking emosyon..promise, next time balik na ako sa dati…”
18 comments:
Huhuhu! I love this entry!
I suddenly missed my tatay and nanay. Alam mong emotional ako pagdating sa pamilya, lalo na ngayong malayo ako sa kanila.
Everytime tumatawag ako minsan masaya, minsan umiiyak habang tumatawag.. haayyy!
I hope your dad will able to read this entry so he would know how you love him.
We do not celebrate birthdays, pero saludo ako sa entry na toh.
I hope sa makakabasa, they will realize how important their parents are.
We may not be a perfect son or daughter, but we tried to be good.
Im sure your parents are also proud of you.
Having said all these, I'm also sure that your future children will do the same. :)
Tama ka ate marian, iba talaga pag pamilya na ang usapan..nakita ko kung gaano ka ka close kay tatay mo..kaya alam ko ang lungkot mo na malayo sa kanila..Hindi sana ganito ang tema ng blog ko, pero habang sinusulat ko ay kusang doon pumunta. Kaya naiyak tuloy ako habang naka harap sa PC..buti at walang nakapansin..
Bigla ko namiss daddy ko. Wala kami masyado bonding kasi dati nasa saudi sya. Pero proud din ako sa kanya dahil love nya kami ng sobra.
naalala ko tuloy tuwing sinusukatan ako ni Boy ng intrams uniform or mga school-program costume... medyo nahiya pa ako kasi baka humihingi pa ng discount si mommy kay Boy. mga teachers talaga! haha. kiddin' aside, belated happy birthday sa tatay mo :) honest, i'm proud of him for raising kids like you, your ate and brothers.
I feel for you sir.
Sobrang iba tama pag family na usapan. Im not a daughter of words, pero sobrang love ko sina parents.
For sure ang sakit ng dibdib mo habang sinusulat mo toh at gusto mo lumuha ng sobra pero di puede dahil nasa office ka.
Magtatanong sila at mabubuking na petiks ka.. heheh!
Last time, looking at my family's pics, kusang lumuluha. Mala "Ula" ito.
More sensible blogs.. :)
Perfect word, "Dakila!"
Pangarap ko matagal na makasulat ng blog about my parents too. Sobrang sweet nung dalawang un.. Walang tatalo.
Asan ka sa picture ha?
syempre wala nga sya sa picture, kasi sya yung nagtake ng picture.
Next time sir lloyd, dala ka tripod.. heheh!
Etong si chynggay, di papatalo sa entry.. sige abangan ko blog mo tungkol kay mang narcing.
Salamat Dra Kaye! Alam ko din kung gaano ka lapit ang family nyo kaya swerte natin. Oo, naalala ko yung time na pumupunta siya sa school natin para mag sukat ng gagawing custume sa intrams. Malaking tulong sa amin yun. Hehehe, ok lang ang discount...Mahilig sya magbigay nun, minsan pa nga ay libre pa..=)
Ate Marian, masarap mag senti paminsan-minsan, pero wag mo dalasan baka mangilag na sayo ang mga arabo..
Tama ka ate chyng...yan ang tingin naming lahat sa kanya.. Sige nga gusto ko makilala ang pamilya mo sa kapangyarihan ng blog! Kaya wala ako sa picture ay dahil bawal pakita ang mukha ko, dadami lang ang magnanasa..
astig sir, walang kaparis... damang dama ang bawat linyang binitawan...
Salamat sir edong. Natutwa ako sa muli mong pagbisita.
Isa ako sa mga saludo kay Boy(minsan din niya akong nasukatan ng intrams uniform). Nakita at nakikita ko kung gano nya kayo lahat kamahal at gayundin naman kayo sa kanya... madalas nga itong makwento sa akin ni Genie...
Nakakatuwa na naisahre mo to sa amin thru blog...
more entries... keep it up!
Mga anonymous..sana magpakilala na kayo..para tuloy gusto ko ng mag aral sa Madam Auring School of Fortune Teller para hindi na ko nanghuhula kung sino-sino kayo.. Eniwey, nakakatuwang naging bahagi kayo ng buhay ni Boy!
kilala mo ko (anonymous of March 13- day is special sa atin)naexplain ko na sayo dati why anonymous lumabas sa akin... sige next time magpapaturo ako sa iyo para lumitaw na name ko... hehe!
debasyu...
lupit ng kwento.. kakaiyak... da best... very touching...
kaya debasyu.. sana ok na kayo ni "paniolive" life is short to show our loveones our care and love for them.. naks!
Naalala ko pa talaga ang katagang "paniolive"ahahha!
We should have a great day today.
If im in the situation of the owner of this blog. I dont know how to post this kind of topic. he has a nice idea.
Post a Comment