Apr 29, 2008

Pwedeng Maligo

Tuwing summer ay excited akong mag swimming. Bata pa lang ako ay ito na ang pinaka kinasasabikan kong pagkakataon tuwing bakasyon. Mapa dagat man, swimming pool, ilog o kahit batya ang iharap mo sakin ay masaya akong magtatampisaw. Nadala ko ang kasabikan ko sa tubig hanggang paglaki ko. Kaya, tuwing may swimming akong pupuntahan ay siguradong hindi ako makakatulog. Noong sabado ng gabi nga ay pinainom pa ako ng mainit na gatas ni Grace bago matulog, para daw humimbing ang tulog ko at hindi ako mamerwisyo. Pero wa-epek, dahil hindi pa nahihimbing ang mga manok ay gising na ako at ayaw ng dalawin ng antok. Paano, excited sa aming family outing!

Pagsapit ng linggo ay handa na ang lahat.Ang Tierra de Lago (Land by the lake) ay halos isang oras na biyahe mula sa silangang bahagi ng Maynila. May laki ito na halos 10,000 metro kwadrado na matatagpuan sa dulo ng Los Banos, Laguna. Ang lugar ay napapalibutan ng nakamamanghang bundok ng Makiling at ang malawak na baybayin ng Laguna de bay. Marahil ay hindi ito popular sa marami dahil sa liblib ang lugar na ito. Samahan pa ng daanan papapunta na isang maliliit na eskinita. Aakalain mong nga na short cut papuntang payatas ang lugar sa una. Pero belib me, ang pangit na daanan ay makakalimutan mo matapos mong makita ang tila paraisong ganda nito.

Pag pasok ay agad bubungad ang isang malawak na hardin na napapalibutan ng ibat-ibang uri ng halaman. Sa may bandang kanan ay nandoon ang play ground, sa kaliwa naman ay may bar kung saan matatagpuan ang bilyaran at videoke. At pag patuloy pa ng pag lakad sa kanan ay matatagpuna ang isang basketball court. Mula sa play ground ay makikita ang tatlong kwarto na bagamat hindi kalakihan ay maliwalas dahil sa yari ang mga dinding nito sa anahaw. Sa tabi nito ay may dalawang malaking Gazebo. May dalawang hot spring pool na ang isa ay para sa mga bata at ang isa naman ay para sa matanda. Pag tawid sa pool ay matatagpuan ang jacuzzi at sa harap nito ay ang isa pang gazebo kung saan tanaw mo ang baybayin ng Laguna de bay na pwede pang mamingwit.

Ang ganda ng lugar ang naging dahilan kung bakit lalo akong naging excited. Sa simula palang ay parang gusto ko ng hatiin ang katawan ko at gawin ng sabay-sabay ang mga bagay na gusto kong gawin. Bukod sa paglangoy sa hot spring ay gusto ko rin mag tampisaw sa jacuzzi. Pero ang vocal chords ko ay naghuhumiyaw na at nag rerequest na simulan ko na ang pag kanta sa videoke. Kasabay narin nito ang royal rumble ng bituka ko dahil naaamoy ang iniihaw na liempo.

Sa ganda ng lugar ay isa na naman itong hindi malilimutang bakasyon para sa akin. Higit sa lahat, ang panahon na nakasama ko ang buong pamilya ay isang kasiyahang mahirap pantayan.

7 comments:

Chyng said...

tagal mo nawala.. eto naman pinicturan pa ung bata.. hehe

sus, ako di mahilig maligo. goal ko per week na my isang araw na di mabasa katawan ko. totoo yan. (--,)

san yan ha? penge ng contact ng place, my website cla?

Roninkotwo said...

Oo dami pinagka-abalahan..
Pamangkin ko yun, natuwa lang ako..
Oo meron..eto yung site.

http://tierradelago.com

catherine said...

engr, wawa naman pamangkin mo paglaki nya... kasi tutuksuhin sya about his "boldest" picture ever. hahaha.

catherine said...

engr, wawa naman pamangkin mo paglaki nya... kasi tutuksuhin sya about his "boldest" picture ever. hahaha.

Roninkotwo said...

Hi dra..minabuti ko ng idelete, rated for general audience nga pala ang blog ko..hehehe..

Anonymous said...

Thanks. Im Inspired again.

Anonymous said...

Well, all I can say is. Im hungry.