Noong bata pa ako ay madalas akong kwentuhan ni nanay. Isa sa paborito ko sa mga kwento niya ay ang fairy tales ng totoong buhay. Ito ay tungkol sa kanyang kabataan. Lumaki si nanay na ulila sa ina, at tanging ang kanyang lola at tiyahin ang nagpalaki sa kanya at sa dalawa pang kapatid. Tulad ni tatay ay hindi rin nakaranas ng ginhawa sa buhay si nanay. Sa murang edad ay natuto na siyang magtanim ng palay upang makatulong sa kanyang lola. Nang makapag-aral siya ay mas lalong sakripisyo ang kanyang hinarap. Mula sa kanilang bahay ay halos 3 kilometrong ang kanyang nilalakad upang makarating sa paaralan. Gamit ang kanyang bag na fish net at ang tsinelas na pudpod ay bitbit niya ang kanyang laging baon na itlog na pula at kamatis. Dahil sa wala ang ina ay naging malupit ang mga tyuhin niya sa kanya. Sa tuwing uutusan siya ng mga ito ay laging may kasamang pingot, bulyaw o kutos. Mala soap opera ng panahon ni Mara Clara ang buhay ni nanay.
Kahit na hindi madali ang buhay, ay marami rin namang masasayang karanasan ang kwento ng kanyang kabataan. Ilan sa mga ito ang panghuhuli ng suso, pagtakbo sa pilapil at ang pagkain ng pahutan. Kahit nga hindi ko alam kung ano ang pahutan ay parang sarap na sarap ako dito dahil sa sayang kaakibat nito sa kanyang kwento. Hindi ko nga maintindihan noon kung bakit kahit halos gabi-gabing ikwento ni nanay ang mga bagay na ito ay hindi ako nagsasawang makinig. Para sa akin ay isa itong payapang lullaby na pilit akong hinehele ng pagmamahal.
Definition:
Pahutan - Isang uri ng manggang sing liliit ng kalamansi na matatagpuan lang sa barangay malis, guiguinto bulakan.
Ngayong malalaki na ako ay bihira ko ng marinig ang mga kwentong ito ni nanay. Pero balita ko ay naikukwento parin niya ang mga ito sa kanyang mga apo. Siguro ay naisip niya na sawa ako dito. Pero sa totoo lang, sa tuwing hindi ako makatulog sa gabi ay binabalikan ng isip ko ang mga masasayang araw noong mga bata pa kami. Lalo na ang kanyang mga kwento bago matulog...
Nanay,
Salamat sa inyong alaga at pagmamahal.
Hindi n'yo man naranasan ang mga ito sa inyong ina ay matagumpay n'yo po itong naipadama sa amin.
Nakakabilib po!
Happy Mother's Day!
We love you so much!
13 comments:
nakakainspired at nakakahanga talaga ang pinagdaanan ni nanay... despite na lumaki sya na hindi alam kung pano palakihin at alagaan ng isang ina, she still managed na mapalaki kayo lahat na mabubuting anak. =) happy mother's day kay nanay genie, da best nanay, da best lola and da best mother in law!
Oo nga bi, nakakabilib. Kaw din bi, lumaki ka na mabuting at mapagmahal na anak. Kaya nag papasalamat din ako kay nanay tinang. Happy Mother's day din sa kanya..
Happy mother's day sa nanay mo. Ako lumaki na wala si mama, kaya nde ko na experience ang mkwen2han nya bago matulog.
Leslie, hindi ko alam kung ano nangyarai sa mama mo..pero anyway, happy mother's day sa kanya..Alam ko na proud na proud siya sayo.
i agree with grace, despite na wala ciang nanay, she managed to be the best nanay! lucky you sir Lloyd. (--,)
Oo nga chyng..kelan tayo lalabas ulit...mukhang busy kayo..=)
sakto, madame kame tanong sa inio.. mgpapa-advice. txt mo nalnag Jeric. (--,)
ang ganda ng handog mo sa iyong ina.. nakaka-touch :)
ang ganda ng handog mo sa iyong ina.. nakaka-touch :)
Salamat Ms. Claire. Belated happy mother's day sayo. =)
engr, medyo late na pala ako for a comment :) anyweiz, kahit pa late--- happy happy mother's day to your mom!
If im in the situation of the owner of this blog. I dont know how to post this kind of topic. he has a nice idea.
Sorry if I commented your blog, but you have a nice idea.
Post a Comment