Halos dalawang kilometro ang layo ng aming bahay sa pinapasukan kong eskwelahan noong elementary at high school. Kaya kakailanganin pang sumakay ng jeep bago makarating dito. Ito siguro ang dahilan kung bakit kinder pa lang ay marunong na akong sumakay ng jeep mag-isa. Kaya kung pa-expertan sa pagsakay ng jeep, siguro ay may ilalaban ako bunga ng aking 22 year experience sa pagsakay dito. (oops! hindi kinder ang simula ng bilang ng experience ko..simula noong nasa sinapupunan palang ako...21 yrs old lang kaya ako!).
Noong college ako, jeep parin ang peyborit kong sakyan dahil ito ang pinaka murang paraan upang maka-uwi. Mula Kalaw hanggang Tayuman ang araw-araw na byahe ko noon mula eskwela hanggang sa boarding house. Tuwing rush hour ay dagsa na ang pasahero at ito rin ang tiyempo ng uwian ko noon. Kahit mahigit sa tatlo na ang nakasabit sa jeep ay sisingit parin ako para lang makauwi. Matindi ang skills ko sa pagsabit sa jeep. Kaya kong sumabit sa estribo o sumabit na sa plaka ng jeep lang ang tinatapakan. Nang maka gradweyt ako ng college ay grumadweyt narin ako sa pagsabit sa jeep. Pero hindi sa pagsakay dito.
Hindi ako madalas sumakay sa LRT, maliban kung malalate na ako sa eskwela o nakapulot ako ng token (magnetic card na ngayon). Pero maraming hindi malilimutang karanasan ang nangyari sa akin dito. Tuwing hapon, madaming sakay ang LRT dahil sa sabay-sabay ang uwian ng eskwela at opisina. Sa sobrang siksikan ay halos nagkakadikit na ang mukha pati buhok sa kilikili ng mga sakay nito. Pero isang araw, kasabay ng tagaktak ng pawis at init sa loob ng LRT ay dalawang pasahero pa ang naabutan kong nag-aaway. Isang lalaki sa harap ko ang panay ang tingin sa kanyang katabi dahil kanina pa siya tinatamaan ng siko nito. Ilang sandali pa ay hindi na ito nakatiis.
Passenger 1: Pare, kanina ka pa ha! Nakakatama ka na!
Passenger 2: Anong gusto mong gawin ko? E siksikan nga.
Passenger 1: At ikaw pa ang galit!
Passenger 2: Ano ba problema mo!? Gusto mo suntukan na lang!
Passenger 1: Sige suntukana na lang.
(Pinilit magsuntukan ng dalawang kolokoy pero hindi nila kinaya dahil sa siksikan sa loob. Kaya untugan ng ulo na lang ang naganap na bakbakan).
Iba pang Passengers: Hoy! mga sira ulo!!! Sa labas kayo mag suntukan wag dito. Nakita ng siksikan e!
Noong 4th year college ako, nagpasya akong huwag nang mag renta ng boarding house at mag-uwian na lang. Dito ako naging suki ng mga bus na bumabyahe mula Bulacan hanggang Munomento. Dahil sa madalas ay siksikan, ilang pagkakataon din na nadukot ang wallet ko. Halos maiyak ako sa panghihinayang, dahil bukod sa 50 pesos na laman ng wallet ko ay may picture pa ito ng crush ko na pinag hirapan kong hingin at may dedication pa.
Ang FX na siguro ang pinaka memorable sa akin. Dito kasi sa likod ng puting FX muli kaming nagkita ni Grace. Habang tumutugtog ang kantang "Pagdating ng panahon" ay muli kaming nagkita. Kaya naman tuwing mauupo ako sa likod ng FX ay naalala ko ang kakilig-kilig na eksenang iyon.
Nang maging girlfriend ko si Grace, naging suki naman ako ng tricycle sa tuwing dadalaw sa kanila. Tuwing paparada na ang tricycle sa harap ng gate nila ay agad ng tatakbo si Grace upang salubungin ako. Astig ang dating ko sa tuwing sasakay ako ng tricycle bitbit ang isang tumpok na rosas. Padating sa bahay nila ay parang ni rape na ito ng limang libong bubuyog ko dahil sa itsura nito.
Noong magtrabaho ako sa laguna ay tumira ako sa isang aparttment na kailangan pang sumakay ng padyak papasok sa looban. Ilang padyak driver ang madalas akong iwasan dahil times two daw ang bigat ko pero pag-isahan lang ang binabayad ko.
Nong June 8, 2008 nakabili ako ng dalawang bagong gulong ng palad ko. Isang Honda City at isang BMX. Ang Honda City na nabili ko ay hindi naman bago. Ako na ang pangalawang nagmay-ari dito. Sa akin ay okay lang , hindi naman importante sa akin kung bago ang sasakyan, kundi ang serbisyong kayang ibigay nito (ito ang lagi kong palusot, ang totoo ay ito lang ang nakayanan ng pera ko, mahina kasi ang kita ng mga artista ngayon).
Hindi pa ako marunong mag drive noon. Pero as of this writing, kaya ko na magpaikot-ikot at mag drift sa loob ng subdivision na tinutuluyan ko ngayon. Ito ay matapos kong mabangga ang dalawang paso ng kapitbahay at masagi ang limang sampayan sa katabing bahay.
Ang bagong BMX naman ay binili ko dahil matapos kong mabili ang kotse ay nabalitaan ko na tumaas na naman ang presyo ng gasolina (56.46 pesos na at pataas pa!). Para makatipid ay mag bi-bike nalang ako AKO PA! WAIS YATA 'TO!!!!
12 comments:
wow! bigatin na talaga si sir Lloyd! Congrats on your new baby. Nice color!
Ganda, utang yan sa bombay. Chek mo sa e-mail mo ang mga advice ko sayo..hehehe
nice lloyd, kung nbasa mo ung huling comment ko, nilagay ko 'vroom, vroom'. npanaginipan ko talga na ang pinakagwapong kaibigan ko ay magkakaroon na ng wheels. naks!
regards uli kay grace. batiin mo naman ako bukas. bday ko. hehe.
concelebrated bday party na lng tyo pag jan na c ms. marian. :9
tsk, tsk... kawawang mga halaman! anyways, goodluck sa driving lesson. hope matour mo na ko sa Laguna at turuan mo rin ako magdrive bi ha? =) i love you so much! (naks, nag ala joe 'd mango ka ulit sa pagbibigay ng advice.. naalala ko tuloy nun una tayo nagdate sa mcdo-ang mga payo mo sa akin, hehe!)
jeric,
Hi! Happy Birthday and God bless! =)regards kay ms. chyng..
Jeric, salamat, kala ko ay ako lang ang nananaginip sayo hanggang ngayon... Buti naman at napapanaginipan mo parin ako..Chyng at Grace, ganyan lang talaga kami ni Jeric..
Magkalapit kasi birthday namin! hahahaha..
Happy Birthday!!!
Labas tayo...Gawan ulit kita ng Bithday invitations..=)
Ingat kayo ni chyng...
Bi, hindi pang Joe D' Mango yung advice ko kay Jamie.. Pang Dr. Love! Hahahaha..kwento ko sayo mamaya...=)
Wag ka mag-alala naiihi ako sa takot pag napapaniginipan kta. Hehe.
Lloyd, penge naman ako ng kopya ng wedding cd nyo. Ndi ko pa nkita ang mga pictures e. hehe
Babatiin na kta ng advanced happy birthday. bka secret kse ang bday mo. :9
Hi Grace, sasabihin ko ke Chyng na binabati mo sya. Ingat ha. Kta kta uli tyo :9
Jeric,
Hehehe..
Sige pag nagkita tayo, bibigyan kita ng kopya, may authograph pa! Swerte mo, sa iba may bayad yun..
Hindi secret b-day ko..kaya ok lang na batiin mo ko sa June 19.. Sa mga hinde nakaka-alam, tumatanggap ako ng advance at belated gifts..
Ano besh! kilabutan naman kayo at pati sa panaginip e di pa kayo maka-move on.
Move on.. tagal na panahon na yun.. past is past.. leave it! (indianong-indiano ang dating e... heheh!)
San nyo po ako ittreat?
Congrats sa new car pala.. !
Binyagan agad pagdating ko ha...
Need ko ba ng partner? Gosh, sir lloyd yung promise mo ha.. may supply pa ba? hehehe
BIG time ka na kuya lloyd!
Ate marian..ikinagagalak ko ang muli mong pagkabuhay! Sa Blue corner tayo..lunch-out!
Kuya anonymous, ma free ko lang sa chiz curl yan...
Post a Comment