Mula noong September 26 hangang October 5 ay bakasyon ako. Nagkaroon kasi ng mahabang shutdown ang plantang pinapasukan ko kaya naman pagkakataon ko ito upang marelax at manumbalik ang dating lakas na inuubos ng stress.
Madali akong mastress, dulot ng maraming bagay. Pero partikular na sanhi nito ay ang trabaho. Sa pagkakataon na mataas na ang stress level ng katawan ko ay sumasabay na dito ang limang sintomas na nararamdaman ng ko.
Unang sintomas: Madalas na pagsakit ng mga kalamnan at buto.
Pangalawang sintomas: Pagsakit ng kalahating bahagi ng aking ulo (ulo sa taas)
Pangatlong sintomas: Pagsakit ng tiyan na nag reresulta sa paglabas ng masamang hangin. (laging biktima si Grace dito..kawawa naman)
Pangapat na sintomas:Pagkahilig sa kahit anong pagkain.
Panglimang sintomas: Pagkatulala. Biglang tatawa, iiyak, tatawa, iiyak, tatawa, matututlala at iiyak. Tatawa ulit.
Upang manumbalik sa normal na takbo ng aking katawan ay naisipan kong ayain si Grace sa isang joy ride pa norte. May nabasa kasi ako sa isang tabloid na ang pagpunta daw sa isang lugar na bago sa paningin at pakiramdam ay nakakapagdulot ng karagdagang enerhiya na dahilan upang mabawasan ang stress.
Martes ng madaling araw ng umalis kami. Walang plano plano, lahat ng mangyayari ay parang isang reality show na pwedeng magbago ano mang oras. Una naming tinahak ang NLEX pa Dau. Si Grace ang nagsilbing directory ko bagamat hindi rin naman niya alam ang mga lugar. Tanging ang mapa na ni-search sa internet ang bitbit namin. Sa hangganan ng Dau ay sunod naming binaybay ang bagong expressway na SCTEX (Subic, Clark, Tarlac), pinili kong dito dumaan upang mas maginhawa at mabilis ang byahe. Walang ibang sasakyan dito kundi ang dala namin. Sa harap at likod ko ay tanging isang mahabang daan lamang ang makikita na parang walang katapusan. Ilang sandali pa ay nadaan kami sa isang napaka-kapal na fog na nagdulot ng zero visibility sa paligid. Wala na akong nakikitang daan. Kala ko nga ay nasa langit na ako at isang anghel ang babae sa tabi ko.Yihiiii...(kilig).
Isat-kalahating oras mula sa Clark ay narating namin ang Tarlac City. Sa haba ng mga bayan dito ay halos manigas ang binti ko. Pagdating sa Pangasinan ay tinahak namin ang daan papuntang Manaog. Gusto kasi namin mabisita sa unang pagkakataon ang simbahan ng Our Lady of The Most Holy Rosary kung saan parehas kaming deboto ni Mama Mary. Hindi naging madali ang paghahanap namin sa simbahan, dahil ilang beses din kaming naligaw bago makarating dito. Mabuti na lamang at natunton din namin ang lugar matapos kong baligtarin ang saplot sa katawan ko.
Mga pangtanggal stress sa joy ride na ito:
Una: Ang mataimtim na dalangin.
Wala talagang kapantay na pangtanggal stress ang taimtim na pananalangin. Para sa akin, iba ang dinudulot na kaluwagan ng pakikiramdam ang taos pusong pakikipag-usap kay Mama Mary. Mula sa mga pasasalamat, kasiyahan, kalungkutan at kasawian ang ilan sa mga bagay na madalas kong ikwento sa kanya. Matapos ang sandaling pag-uusap ay isang maluwag na pakiramdam ang kapalit. Ito ang epekto sa akin ng pagmamahal ng isang ina.
Wala talagang kapantay na pangtanggal stress ang taimtim na pananalangin. Para sa akin, iba ang dinudulot na kaluwagan ng pakikiramdam ang taos pusong pakikipag-usap kay Mama Mary. Mula sa mga pasasalamat, kasiyahan, kalungkutan at kasawian ang ilan sa mga bagay na madalas kong ikwento sa kanya. Matapos ang sandaling pag-uusap ay isang maluwag na pakiramdam ang kapalit. Ito ang epekto sa akin ng pagmamahal ng isang ina.
Pangalawa: Dagat, alon at buhangin
Mula Manaog ay nagpasya kaming magpalipas ng gabi sa isang Resort sa San Fabian Pangasinan. Sa PTA resort kami napadpad o ang Philippine Tourisim Authority at hindi Parents Teacher Association dahil wala naman eskwelahan sa loob ng resort. Malawak ang resort. Pati ang kwartong nakuha namin ay sobrang laki. Kasya nga ang dalawang pamilya na may tig-apat na anak at tig isang pares ng mag-asawang kalabaw. Dahil sa hindi naman peak season ay hindi rin gaanong kamahalan ang isang gabing pamamalagi sa resort.
Ano pa ba ang pinaka mabisang pangtanggal stress kundi ang lumakad sa dalampasigan kasama ang babaeng mahal mo habang pinakikinggan ang bawat hampas ng alon sa dagat at ibinabaon ang paa sa mainit na buhangin.Mula Manaog ay nagpasya kaming magpalipas ng gabi sa isang Resort sa San Fabian Pangasinan. Sa PTA resort kami napadpad o ang Philippine Tourisim Authority at hindi Parents Teacher Association dahil wala naman eskwelahan sa loob ng resort. Malawak ang resort. Pati ang kwartong nakuha namin ay sobrang laki. Kasya nga ang dalawang pamilya na may tig-apat na anak at tig isang pares ng mag-asawang kalabaw. Dahil sa hindi naman peak season ay hindi rin gaanong kamahalan ang isang gabing pamamalagi sa resort.
Pangatlo: Palenke at pagluluto.
Isa pang stress reliver para sa akin ang pag punta sa supermarket o palengke. Nakaka-alis kasi ng mga alalahanin ang paglibot. At dahil sa ang pagluluto ang isa mga mga bagay na gusto kong ginagawa ay nakakatulong ito upang mabawasan ang stress ko. Bago mag maghapunan ay nagpasya kaming pumunta sa Dagupan. Malapit lang ang Dagupan mula sa resort, bukod pa dun ay mura at sariwa ang mga isda dito partikular na ang bangus. Pagdating sa palengke ay nagulat akong tabing isdaan ito at banye-banyerang bangus at hipon na ibinabagsak sa harap namin. Matapos ang ilang tawaran (kahit bagsak presyo na ang mga ito kumpara sa Maynila) ay bitbit na namin pabalik ang ilang kilong bangus at hipon. Parang may bangus festival sa harap ng beach ng inihaw namin ang lahat ng ito ng sabay sabay.
Isa pang stress reliver para sa akin ang pag punta sa supermarket o palengke. Nakaka-alis kasi ng mga alalahanin ang paglibot. At dahil sa ang pagluluto ang isa mga mga bagay na gusto kong ginagawa ay nakakatulong ito upang mabawasan ang stress ko. Bago mag maghapunan ay nagpasya kaming pumunta sa Dagupan. Malapit lang ang Dagupan mula sa resort, bukod pa dun ay mura at sariwa ang mga isda dito partikular na ang bangus. Pagdating sa palengke ay nagulat akong tabing isdaan ito at banye-banyerang bangus at hipon na ibinabagsak sa harap namin. Matapos ang ilang tawaran (kahit bagsak presyo na ang mga ito kumpara sa Maynila) ay bitbit na namin pabalik ang ilang kilong bangus at hipon. Parang may bangus festival sa harap ng beach ng inihaw namin ang lahat ng ito ng sabay sabay.
Pang-apat: Tanawin, laro at pagkain
Pabalik ng Bulacan ay naisipan namin dumaan sa isang restaurant sa Tarlac ang Isdaan. Ginulat ako ng ganda ng restaurant na ito, sa laki at dami ng magagandang tanawin sa loob ay gugustuhin mong manatili dito ng buong araw.
Pabalik ng Bulacan ay naisipan namin dumaan sa isang restaurant sa Tarlac ang Isdaan. Ginulat ako ng ganda ng restaurant na ito, sa laki at dami ng magagandang tanawin sa loob ay gugustuhin mong manatili dito ng buong araw.
Unang nakakuha ng pansin ko ang mga malalaking budha na akala ko ay sa Thailand ko lang makikita.
Sumunod ay ang floating restaurant na habang kumakain ay para kang dinuduyan.
Hindi rin matatawaran ang sarap ng pagkain. Nalula kami sa isang bilaong Mama Chit at nalunod sa isang banyerang bulalo. Ang Sankilo bridge na isang kilong tilapia ang kapalit ng buhay mo.Dito kasi ay kailangan mong tumawid sa isang makitid na tulay na bitbit ang isang timbang tubig ng hindi mahuhulog sa isdaan na 9 ft ang lalim. Kung buhay kang makatawid ay sayo na ang isang kilong inihaw na tilapia na libre. Pinag isipan kong subukan ito, pero ng maalala kong hindi ako marunong lumangoy ay naisip kong pag-ipunan nalang ang isang kilong tilapia. Ang Unggoy Ungoyan, apat na dambuhaling unggoy ang iihian at duduran ka. Kung makakatawid ka sa kanila ng hindi mababasa ay sayo na ang isang kilong isda.Sumunod ay ang floating restaurant na habang kumakain ay para kang dinuduyan.
Ganyan kahirap kumita ng isang kilong tilapia.
Pang Lima: Anger Management
At ang pinaka sure hit na pantanggal ng stress, init ng ulo, galit, pagkasuklam at pagkamuhi ay ang TACSIYAPO WALL. Ayon sa tatay ko na isang kapampangan, ang salitang tacsiyapo raw ay singkahulugan ng salitang buwiset, walang hiya, hayup, animal, talipandas at kung ano-ano pang salita na maari mong sambitin kung galit ka. Sinubok kong ilabas ang galit ko sa tacsiyapo wall. Sa harap nito ay isa-isang nanumbalik sa aking ala-ala ang...Dati kong syota na pinagpalit ako sa isang tomboy na hindi naliligo.
Bombay na nag papa 5-6 sa aming lugar
Ang tsikadorang kapitbahay na minsang pinagkalat na ampon ako.
Ang manyakis na bading na hinipuan ako sa loob ng sinehan.
Ang propesor ko nung college na pinunit ang papel ko dahil napagbintangan akong nangongopya sa classmate ko na 7 years na sa physics.
At ang mga currupt na pinuno ng lipunan na lumalamon at sumasamsam ng tax na binabayad ko, na pinagtatrabahuhan ko at dahilan kung bakit ako stress!!!
GrrrrrRR..(umusok ang tenga at ilong ko kasabay ng pamumula ng buong mukha sa galit). Nang isa-isa ko ng pupukulin ang bawat nabanggit ay napagtanto ko na malaki ang magagastos ko dahil bawat babasagin ko ay may kaakibat na halaga. Dito ako nagpasya na isang mug na lang sa halagang 14 pesos ang babasagin ko para na ito sa kanilang lahat. Mapuwing sana ng bubug ang mga mata nila.
TACSIYAPOOOOO!!!!!
Bagamat napagod ako sa mahabang byahe ay halos hindi ko ito naramdaman.Mas naiwan sa isip ko ang mga kasiyahan,katahimikan, kakulitan, kaingayan, kabusugan at kapayapaan mula sa aming joy ride na isa na namang bahagi ng karanasan na hindi malilimutan.Haaay, ang sarap maging stress freee!!!
27 comments:
Welcome back! nagpa-blotter na nga kame sa pulisya kasi nawawala kna..
Ayos na tips yan to shake away stress.
Saken simple lang: time over coffee (samahan na ng UCC's cheesecake), ok na ok nako dun!
Hi Chyng,
Hehehe..kaya pala may baranggay tanod na umaaligid sa bahay namin.
Ok yun ha,kelan ba ulit tayo mag meet para matikman ko ang UCC's cheesecake?
i enjoyed so much s trip natin n to.. kahit naligaw tayo, nakapagsight seeing naman. sarap ng foods lalo n ang shrimps. sana maulit! pro next time ipagdadala n kita ng extra clothes at ng cooler. =)
naaliw naman ako sa 3rd symptom mo ng stress (mmm, may naalala ko)hehe!
i love you so much bi! miss na kita...
i forgot, maiksing bakasyon p rin ang 1 week pag ikaw ang kasama bi... sana mahabahaba p... miss you...
Wag ka mag-alala bi, isusumbong ko kay bonggang bonggang bong bong ang pabrika ng bihon sa tapat natin. Para matigil na ang pag sama ng hangin sa kwarto tuwing weekend. Hehehe..
Ako din sobrang nag enjoy sa joy ride na yun at siguradong mauulit..
Wow..I miss you... Nakarating na ko sa Isdaan..nandun pa ba yung mga kambing na kalesa? Kawawa yung mga yun mag sinasakyan sila..
Anonymous, lalaki ka di ba? bakit parang may pagnanasa yung "i miss you" mo?
baka naman ibig sabihin ni anonymous e namiss nya ang blog entries mo bi...
uy! kapampangan ka pala? hehehe. somehow i never learned to speak it, pero i know all the pertinent swear words ;-) hahaha!
Ang saya naman, Sir Lloyd! mahabang araw na walang pasok at joy ride kasama ang loved one... hindi ko kagad binasa lahat nung una. tiningnan ko muna ung photos at akala ko nagpunta ka sa Thailand nung nakita ko ung golden buddha... gusto ko rin i-try ung 'tacsyipo'. Na-feature 'yan sa rated K before. =)
Bi, lalaki naman yata si anonymous kaya wag ka magselos..hehehe
Caryn, hang Tatay ko hang kapampangan. Indi rin hako natuto magsalita nun. Pero madalas nahihintindian ko.
Ma'am Apple, tamang-tama punta ka pag balik mo. May promo sila pag balikbayan. Haharanahin ka ng awiting Babalik ka rin ni Gary V. habang kumakain. Ingat ka dyan..=)
bakit ang dame deleted comments?
nwey, ansarap nga sa beach. pero nxt time na yan pg mejo pumuti nako. hehe uy, suot mo ang disneyland shirt, meron na din kame nian! inggettera kame eh. ;)
lloyd, bakit bigla kang nawala. i missed you...este...your blog. sorry grace, ndi ko lang talga napigilan. hehe :9
bkit ganyan ang hicap. kung kelan wla na ko saka nagkakaroon ng long vacation.
nakakainggit nga ang long vacation nyo a. ansasarap pa ng food. totoo ba yung sa tutulay ka sa makitid na daan na may timba? tsaka yung mga unggoy. mejo gullible ako e.
Chyng, for general patronage kasi ang blog ko, kaya kusang binubura nya ang mga comments na Parental Guidance..hehe (joke)
Jeric, gatong ka pa...
Oo nga, dami bakasyon..tama lang yun kasi trabahong kalabaw pag may pasok.
Totoo yun. Pambihira, tumingin pa ko sa diksyonari para hanapin ang ibig sabihin ng "Gullible". Muntik na tuloy madelete din comment mo dahil dahil dito..hehehe
lloyd, i-share mo naman ang meaning ng gullible. hindi ko rin alam e. nakita ko lang na ginamit sa ibang post. magandang pakinggan kasi. haha. :9
debasyu
wow whatta joy ride... mukha ngang enjoy na enjoy kayo... sna dumiretso na rin kayo sa ilocos...
he he heh...
Engr,
Parang may entry na akong ganito. Hahaha. Hindi nga lang kasing ganda ng mga termino at humor na kaya mong gawin :) Na-miss ko tuloy ang mga lugar na ito ( exact route rin and pics ) na kasama ang buong family ko...
Nice pics. Regards to Gracie.
Jeric, sa webster ko nakita..=)
Dave, hindi kami tumuloy mahal kasi ang gasolina.
Dra, talaga? Namiss ko yata ang entry mo na iyon..
Hahanapin ko ng mabasa..=)
ang sarap ng bakasyon na yan. at natuwa ako dahil napuntahan ninyo ang mga lugar na malapit sa puso ko. tubong Pangasinan ako, nag-aral sa Dagupan at madalas din noon sa Manaoag. kaya back to memory lane tuloy ako sa pagbabasa ng adventures nyo pagpunta nyo dun. ngayon, andito ako sa Pampanga nakapag-asawa at nagtatrabaho, kaya alam ko rin yang sa Isdaan sa may Gerona Tarlac, talagang maganda dun.. nakapunta na kmi ng mga kaopisina ko dun. tahimik at maganda ang paligid.
ang galing naman, medyo mahaba bakasyon nyo.. ang galing mo talagang magkwento Sir Lloyd..
Ms Claire, salamat...kung malapit sa puso mo ang pangasinan..malapit naman sa puso ko ang pampanga..sa lugar kasi na iyan ako naging bata..marami ring masasaya at malulungkot na karanasan na hindi malilimutan..=)
wow, ang sarap nmn ng trip nio ^_^... seafoods, sightseeing woooowww!!! :D
hello po, gusto ko lang po malaman kung saang lokasyon makikita ang Buddha. salamat =)
Post a Comment