Madalas ikwento ng lolo ko na kung hindi niya tinanan ang lola ko ay malamang na naipakasal na ito ng kanyang istriktong tatay sa negosyanteng intsik na karibal niya. Pero dahil sa kanilang pagmamahalan ay nag desisyon ang dalawa na magtanan. Sa ganitong paraan nga naman makakasiguro ang lolo ko na hindi na mababawi sa kanya ang lola ko. Swerte ako dahil hindi ako natulad sa lolo ko. Kahit na istrikto ang tatay ni Grace ay nadaan ko parin ang paghingi ng kanyang kamay sa mabuting pakiusap habang tagaktak ang pawis sa noo at kili-kili.
Bagamat kasal na ako ay madalas ko parin maisip ang pakiramdam ng lolo ko ng tinanan niya ang lola ko. Mukhang exciting at kapanapanabik ang ganitong eksena at gusto ko rin itong maranasan. Biyernes ng gabi ng sunduin ko si Grace. Walang nakakaalam ng aming lakad. Kahit siya ay hindi sigurado kung saan ko siya dadalhin, basta ang sabi ko lang ay itatanan ko siya. Hindi naman ako nahirapan dahil walang dalawang salita na sumama agad sa akin si Grace. Obvious naman..kuha ko na talaga.
Sa isang hotel sa Tagaytay kami tumuloy. Walang reservation, on the spot pagdating sa lobby konting tanong lang ng room rate, silip sa hitsura ng room at konting pambabarat ay nagkasara agad kami. Maliit lang ang hotel, pero malupet ang location. Pinili ko ang room kung saan tanaw ang taal lake mula beranda. Syempre para romantic. Matapos ilapag ang ilang gamit ay nag-unahan agad kami na ilapat ang likod sa malambot na kama. (lalabo ang paligid hanggang sa tuluyan nang magdilim ang paligid). Ang sumunod na eksena ay censored na!
Matapos ang sumunod na eksena ay agad kong niyaya si Grace sa isang romantic dinner date.In memory of Sonya (ang korning white lady), nag desisyon ako na sa Sonya's secret garden kami mag dinner.Perstym ko sa lugar na iyon at napahanga agad ako sa kakaibang ambiance ng lugar na para kang nasa isang malaking flower base na pinamumugaran ng libo-libong uri ng halaman at bulaklak. Malupet din ang dine in experience sa lugar na ito.Walang menu, pag upo mo sa isang romantic table ay isa-isang ihahain sayo ang mga putahe na pagsasaluhan nyo.
1st round. Ang freshly squeezed dalandan juice na hinahabol ng langgam sa tamis.
2nd round. Ang salad na fresh from the garden at binudburan ng ibat-ibang uri ng bulaklak. Pakiramdam tuloy namin ay para kaming mga bubuyog na humahakot ng pulot-pukyutan. Kasama rin ng fresh salad na ito ang kakaibang salad dressing na si Sonya lang ang nakakagawa. Ang Sonya's Secret dressing.
3rd Round. Ang freshly baked tinapay na nakakapaso ang sarap. Sinamahan pa ng ibat-ibang palaman na swak sa panlasa. Isang bagay din ang nadiskubre namin dito. Ang Sonya's secret spread. Masarap din palang ipalaman sa tinapay ang bagoong alamang.
4th Round. Ang freshly cooked pasta na may dalawang klase ng souce. Ang sun dried tomatoes at ang creamy ensemble of chicken bits and mangoes. Langit ang lasa ng sun dried tomatoes na inibabawan ng dried olive, ratatouille at tuna belly. Isa ang nanatiling secret ng gabing iyon. Ang creamy ensemble of chicken bits and mangoes na hindi na nakuhang tikman ni Grace dahil sa kabusugan. Sayang, natikman ko yun at lampas langit ang sarap. 5th Round. Ang desert na Glazed sweet potato , banana rolls with sesame & jackfruit, at ang sinful homemade chocolate cake na mapapahataw ka sa sarap. Ingat lang sa pagkain ng Glazed sweet potato dahil dinala ko ang masamang hangin na dulot nito hanggang sa hotel.
6th Round. Ang tarragon tea session.Ang mabisang pantanggal impacho. Matapos ang mahabang eating session ay mabuti naman at naisipan ni Sonya na mag offer ng relaxing tea na hindi lang mabisang pangpatunaw, ginagamit din daw ito na gamot sa kamandag ng ahas at pamparegla. Huh? (ayon sa wikepedia)
7th Round. Ang Bill holder na gawa sa leather. Huwag maging buwakaw, hindi na ito kinakain. Nakapaloob na kasi dito ang halaga ng nakain mo. Kung walang pambayad, pwedeng lunukin para walang maiwang ebidensya.
Matapos ang kakaibang dining experience na ito ay minabuti namin bumalik na ulit ng hotel at ituloy ang tanan mode.
Ngapala, pang 6 years mag-on anniversary namin ito. yihiii....
18 comments:
Ha ha hah... Akalain mong una akong magcomment sa entry mo... Isa lang ang ibig sabihin nito... Panatiko talaga ako... kala ko ba eh "mula sa araw na ito hindi na tayo kakain sa labas"... He he heh...
ako un... Debasyu
haay... sarap balik balikan ang moment n un. Just the two of us! nagrelax at nagliwaliw. :) i really enjoyed sonya's garden. akala ko di ko maeenjoy dahil vegetables, mali ako.. ang sarap! at ang romantic! thanks bi! I lOVE YOU so much! :)
wow ang sweet naman... nakakatuwa. Nainggit tuloy ako, sa nov 21 ay 11th year namin magJOWA. Ikaw ang me kasalanan kung bakit magiilusyon akong idate ako ni glenn.. Ibibigay ko sau ang email address ni Glenn, isend mo tong entry na to. (wag nya nalang pabasa ang comment ng hindi ako mabuking) hehehe.
Happy anniv senyo
11/10/02 right? alam ko!
penge naman details ng resthaus na yan sa tagaytay! (--,)
dear grace, happy anniversary!
dear sir lloyd, pwede din ba akong humingi ng ganiang date kahit turning 6 months palang kame??
Anonymous Dave, yung hindi namin pagkain sa labas ay except holidays and weekends.
Bi, everything for you..
Ganda, para sigurado kaw na ang magtanan kay Glenn..tingin ko hindi na rin sya makakapalag.=)Pero pupusta ko..malupet ang mangyayari sa Nov. 21..gud luck!
Chyng, Potter's Ridge ang pangalan ng hotel (http://pottersridge.net/). Pwede ka naman humingi ng ganitong date..sabihin mo pag ayaw pumayag ni Jeric..may alam akong convincing reason at siguradong papayag yun..hahaha..
To all of the above..Salamat!!!
yey thanks!
answeet ng 3 words, anything for you...
mam jamie & chyng... thanks! :)
bi, thank you, thank you talaga... 6 yrs. ago ng naging tayo and still getting sweeter and sweeter everyday! :) Happy monthsary n rin! miss you..
huwaw!!! happy anniversary lloyd and grace! answeet. hehe. idol ka talga lloyd.
hmmm, chyng bakit mo nitanong kay lloyd? itatanan mo rin ba ako. kinikilig ako. haha. don't worry, kunwari hindi ko alam. :9
grabe lloyd, wag mo naman ubusin ang lahat ng style sa pagiging sweet. baka maglasang tubig na lang ang mga gagawin ko.
ngapala, ansarap ng mga dahon. pangarap kong makarating jan sa sonya's garden.
@enrico,
i cant wait for our anniversary. gusto ko na ulit magbakasyon! (--,)
i-tanan kita? FILINGERA! haha
Hahaha..Jeric, mag impake ka na..para pag nakita ni Chyng wala na sya magawa. Pag punta kayo dun, text nyo ko..sabit kami ni Grace..hehehe..
Chyng, excited narin ako sa anniv nyo..=)
hak hak hak... galing naman. :) makalaglag panty este puso pala. hehehe.. interesado ako sa room rate eh kaya lang hindi nabanggit. ;)
Secret ang room rate, nakipag exdeal kasi ako sa may ari..may discount pag pogi..=)
wow.. kinilig naman ako dun.. hapi anibersari sa inyo ni Grace :)
Nagkaroon tuloy ako ng idea kung saan magandang pumunta pag dumating ang anniv namin... sana llyod ngi-try nyo yung mamangka at maghorseback riding sa taal volcano...sabi nila maganda daw yung view at kakaibang experience...
ADVANCE MERRY XMAS SA INYO NI GRACE!!! & belated HAPPY ANNIVERSARY (as mag-BFGF)!!!
Ms. Claire, kinikilig din ako..hehehe
Sherwin, sinadya namin umiwas sa mga nakakapagod na activities dahil gusto lang namin mag relax kumain at matulog maghapon. Baka next time=)..salamat!
BE HAPPY!
Hohoho, nakakagutom ito *dila*
grabe, parang hindi ko kayang ubusin lahat ng pagkain na yun XD
Post a Comment