Jun 16, 2009

Eto Ang Simula



Halos kalahating taon na ang nakaraan ng huli akong bumisita sa blog ko. Marami ang nagtanong, nag-alala, nakibalita at nawala sarili dahil sa hindi ko paglathala ng kahit anong kwento sa nakalipas na anim na buwan. Ang lumipas na anim na buwan ang mga panahon na muli kong hinanap ang aking sarili. Nararapat ba ako sa buhay na ginagalawan ko ngayon? O may iba akong direksyon na dapat patunguhan? Alam ko at ng nanay ko na pag-aartista talagang nararapat na karera para sa'kin. Sa porma at tindig ko ay malamang na mas sisikat pa ako kay Hayden Koh. Pero hindi ako sanay sa kasikatan. Nasisilaw ako at nalulunod sa tuwing iisipin na magiging laman ako ng bawat DVD sa Quiapo. Kaya naman sa tingin ko, tama lang na naging engineer lang ako. Isang tahimik na buhay na malayo sa intriga.

Matagal ko ring inisip kung masaya ba ako sa buhay ko mula ng mag-asawa? O marami na akong pagkukulang na hindi nagagampanan sa aking sobrang bait na asawa. Binawasan ko ang mga date at ang mga dating romantikong tagpo sa aming buhay, at napalitan ito ng isang payak na pagsasama. Naging sentro ng aming relasyon ang pagiging magkaibigan. Naging kuntento kami na mag kausap sa lahat ng panahon. Sa kama, habang kaharap ang laptop at sa sala. (syet, pamilyar ang mga eksena). Pero naging matatag ang aming relasyon at lubos namin nakilala ang bawat isa sa hirap at ginhawa.

Ang huli at ang pinaka sensitibong bagay na gumugulo sa isip ko ay ang hindi namin pagkakaroon ng anak. Sensitibo ako sa bagay na ito. Halos ayaw ko ngang pag usapan at ikwento sa aking blog ang tema tungkol dito. Tuwing may mga kapamilya, kaibigan at mga dating kakilala na nagtatanong sa akin kung bakit wala pa kaming anak. Hindi ako sumasagot at nagpapanggap na hindi narinig ang tanong at mabilis na iibihin ang usapan.

Kung kagustuhan na mabiyayaan ng anak lang naman ang pag-uusapan, ay masasabi kong hindi kami nagkulang mag-asawa. Dalawa at kalahating taon na kaming kasal, pero bago pa man kami magpakasal ay nag simula na kaming paghandaan ang pag kakaroon ng anak. Laht ng bagay ay sinubok na namin. Mula sa mga siyantipikong paliwanag, haka-haka, alamat at mga kwento ng kapitbahay. Lahat iyan ay ginawa namin sa ngalan ng pag bubuntis.

1. Isang OB Gyne kada taon.
Isang taon lang ang ultimatum na binibigay namin sa mga eksperto para patunayan ang kanilang galing. Kung 1 year ka nang OB ng asawa ko at hindi parin kami nag kaka-anak, hahanap kami ng kapalit. Kaya naman sa loob ng dalawang taon, dalawang OB Gyne na rin ang dinaanan naming mag-asawa. lahat naman sila ay magaling, likas lang talaga sa akin ang mainipin.

2. Kakasa ka ba?
Noong unang buwan namin sa unang doctor ng asawa ko, wala siyang makitang diprensya sa aking asawa. Dahil sa tamang duda at tamang hinala na siya noon ,ay ako ang napag diskitahan niya. "Iyan bang asawa mo ay na test na?" Sabay tingin sa akin na parang gusto na siya na ang kumuha ng sample sa akin. Noong una ay ayaw kong pumayag. Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko kung mapatunayan sa test na wala akong kakayahan na magparami. Pero wala rin ako nagawa. Sa isang maliit na kwarto na may DVD player at babasahing magazine ako dinala. Para kong tinorture at pinilit maglabas ng ebidensya..whew!.

3. May bukas pa...Magpahilot sa sikat na manghihilot sa liblib na bayan ng Zambales.
Isang tawag sa telepono ang natanggap ko sa aking kapatid. Excited na excited niyang binalita na may nakilala siyang manghihilot sa liblib na pook ng Zambales na isang wonder lola daw. Kung gumamot daw ito ay taob ang style ni Santino. At kahit anong karamdaman ay kayang gamutin ni lalo. At ang kanyang espesyalti ay manghilot sa mga babaeng ayaw mag buntis. Walong oras ang byahe papunta sa liblib na lugar na iyon. Hapo at pagod na kami ng marating ang bahay ni Lola Santina. Hindi kami nahirapan hanapin ang bahay niya dahil kilala siya ng buong baryo. Halos tatlong oras silang nag kulong sa kwarto ng aking asawa. Nang lumabas ang matanda ay nakangiti at nagmamagaling na binida sa akin na.."Shinurebol ko!!!" Sigurado, mamaya buntis na ang misis mo!!!" Walang palya..!!!" Ikaw gusto mong i-shurbol din kita???" "Ah e, wag na po lola..okay na ko.." Sabay abot ng bayad.

4. Sayaw sa Obando
Sino ba naman ang hindi nakaka alam ng himalang dala ni Sta Clara sa Obando. Naging dance floor na ang simbahan ng Obando para sa mga mag-asawang hindi magka-anak. Ilang linggo rin kaming pabalik-balik sa simbahang ito para hilingin ang biyaya ng anak. At noong sumapit ang kapistahan ng Obando na pinaka hihintay namin, ay hindi kami nakapunta. Promise, hindi na namin mamimiss ang fiesta sa Obando next year. Chyng, next time text mo kami ng mas maaga..hehehe

5. Panalangin at Tiwala

Naniniwala ako na dasal ang pinakamabisang paraan upang ipagkaloob ng Diyos ang biyayang hinihiling mo. Maaring hindi niya ito binibigay sayo sa paraan na gusto mo, pero ibibigay niya sayo ito sa paraan na kailangan mo. Mula noon, hanggang ngayon ay ito ang paraan na pinaghahawakan naming mag-asawa. Alam namin na sa tamang oras, tamang panahon at pag kakataon ay ipagkakaloob niya sa amin ang aming hiling.


June 14, 2009. Alas singko y medya ng umaga. Pupungas-pungas akong nagising ng maramdaman kong tumayo sa kama ang asawa ko. "San ka punta?" "CR lang." "Mag pregnancy test ka ulit?" Tumango lamang siya. Hindi ako mapakali. Parang nag-iinit ang buo kong katawan at bahagyang nanginginig.


Dalawang taon at anim na buwan na kaming kasal noong araw na iyon, at hindi ko na mabilang kung ilang pregnancy kit na ang nabili namin. Bawat test na gagawin niya ay lumalabas siya sa CR na umiiyak. Na-aawa ako sa asawa ko, na-aawa rin ako sa sarili ko, pero alam ko na may plano ang Diyos para sa amin.


Tatlong minuto, ang pinaka matagal na tatlong minuto sa buhay ko...

Isang malaking ngiti ang sumalubong sa akin..Isang malaking ngiti at dalawang guhit...

"Bi, dalawang guhit!!!! Positive ako!!!

"Huh, patingin...oo nga..baka drinowing mo lang yung lines?


5 weeks pregnant na ang asawa ko. Nag uumapaw na saya at nag uumapaw na biyaya...

Eto na ang simula...Dalangin namin ngayon ang kalusugan ng aking asawa at ng aming magiging anak...

Salamat sa lahat ng naki-isa sa aming manalangin para sa biyayang ito..


Napakaswerte nating lahat..walong buwan mula ngayon ay madadagdagan na naman ng pogi sa mundo...

23 comments:

EngrMoks said...

cONGRATS SA INYO NI gRACE...pa-cheese burger naman kayo!!!

panu ginawa nyo..tips naman dyan...hehe

Pukaykay said...

Wow! Congratulations! Im so happy for you two! Grabe na ito, celebration!

Grace said...

sobrang happy ko bi na nagbunga n rin sa wakas ang lahat ng sakripisyo... 1 month ko din namiss ang pagkain ng rice just to loose weight dahil sa sobrang takot ko n di n nga ako icheck ni 2nd OB... buti n lang, to the rescue si 3rd OB at si ninang Dra. na syang nagrecommend sa 3rd OB... Wish ko naman ngayon ay healthy pregnancy for me...maging healthy kami ni baby! =) It's God's gift para sa nalalapit mong birthday bi, Advance Happy birhday! We love you so much... =)

grace said...

Syempre, Thank you so much kay Bro. sa pag answer sa prayers natin and kay Our Lady of Guadalupe... at sa lahat ng nagpray for us na iisa ang prayer petition! =)

Roninkotwo said...

Ganda, sobrang excited kami.. Tulad ng napag-usapan natin last week, may plan talaga si God sa atin. Tama ka..=)

Roninkotwo said...

Bi, kaw talaga ang source ng hapiness ko palagi... Salamat sa lahat ng sakripisyo..excited ako alagaan kayong dalawa...

Bat' mo pinagsabing birthday ko..maraming hihingi ng blow-out!!!=)

Roninkotwo said...

Sherwin..thanks! Hayaan mo pag nagkita tayo, kwento ko sayo kung paano ginawa ko..=) Godbless sa inyo..

grace said...

oks lang na magblow-out ka, atleast natupad ang wish mo n before k mag ? yrs. old, magkababy k n... hehe!

Chyng said...

Di ko napigilan na itext kayo agad. Isa ako sa lagi ngppray sa wish nyo na yan. IM SOOO HAPPY!

Party na to!!! (--,)

Chyng said...

Uy alam kong bday mo bukas! Sama kame sa BABY PARTY!

enrico said...

best gift yan para sa birthday mo. excited na ko para sa inyo :9

Roninkotwo said...

Jeric & Chyng, sobrang thank you! Excited talaga kami ni Grace na ibalita sa inyo ang good news. Lam kasi namin na isa kayo sa mga nag pray para sa amin. Salamat sa inyo at Happy birthday sa ating TATLO!!!

Apol :) said...

WoW, CoNGRaTz sa inyo! =)

Anonymous said...

hmmmm...you sounded like bob ong...

Dennis P. said...

Wohoooooo congrats idol!!! tagal mong nawala kala ko nagmigrate ka na.. wahaha.. keep it up..!!! :)

Roninkotwo said...

ma'am Apple thank you at good luck din sa inyo..=)

Roninkotwo said...

Anonymous, I am sounded like Sam Milby. "I never said, that I love you!!!"

Hi Dennis, Yes I'am back!!!=) Thank you!

catherine said...

engr, wow =) lam mong isa ako sa mga naghihintay sa magiging baby nyo, at eto na nga. more baby blogs to come!

Roninkotwo said...

Dra, alam ko yun..kaya nga excited ako ibalita sa iyo...Ingat ka palagi dyan..God bless!

Debasyo said...

ei sir congrats... regards din kay ms. grace... malapit ng magkaron ng lloyd jr o grace jr. he he heh..
CONGRATS ULIT :9

Roninkotwo said...

Thanks Dave..tagal na natin hindi nagkikita..hehehe

Raul said...

wow, congrats ^^

Chyng said...

ano ang sintomas ng mga virus ng PC nyo sir? :D