Sep 1, 2009

Beef Session Road Brocolli at Good Shepherd's Turon

Sabado. Naimbitahan ako ng isang matalik na kaibigan na maging ninong sa kanilang unang anak. Dahil dito ay labis kong ikinagalak ang kanilang imbitasyon. Pero nang malaman ko na sa Baguio ang binyag ay bigla akong napipi at hindi agad nakapagsalita. Masarap sa Baguio at gusto kong bumalik doon. Isa pa, matalik na kaibigan ang nag anyaya sa amin kung kaya mahirap tanggihan. Pero sa kalagayan ng asawa ko ngayon ay malabong makasama ko siya. Kaya naman pinag-isipan kong mabuti ang aking magiging desisyon.

Sinimulan ko sa pagpapanggap pagpapaalam sa asawa ko. Ayaw ko kasing isipin niya na gusto ko siyang iwan at pabor ako na hindi siya makasama. Ipinaliwanag ko na lang sa kanya na hindi makakabuti sa kalagayan niya ang ganun kalayong biyahe. Bagamat ikinalungkot niya ang aking naging pasya ay napapayag ko naman siya.

Akala ko ay simple lang ang pagbyahe mag-isa. Ilang pagkakataon narin naman akong nakabyahe sa malayong lugar ng walang kasama.. Pero, sa pagkakataon pala na sa isang lugar na may bakas ng ala-ala ng taong mahal mo ang lugar na pupuntahan mo, ay hindi maiiwasang makaramdam ka ng lungkot, at maalala ang masasayang sandali noong kasama mo pa siya.

Sa Bus.

Noon: Sa unang dalawang oras ng biyahe ay pareho kaming gising at nag kukwentuhan ng maraming bagay.

Ngayon: Sa unang dalawang oras ng biyahe ay ako lang ang gising at paulit-ulit binabasa ang karatulang na kapaskil sa harap ng bus na “keep ticket for inspection”. (Ulitin ng isang daang beses. Pag nasawa na ay basahin naman ng pabaligtad - isang daang beses din.)

Noon: Pagnagutom kami sa byahe ay sabay kaming kakain ng donut na binili sa terminal at paminsan-minsan ay nag susubuan pa.
Ngayon: Pagnagutom ako sa byahe ay hindi ako kakain. Hunger strike baga, gusto ko kasing ipakita sa lahat na nangayayat ako dahil sa lungkot at pagkamiss sa asawa ko.


Noon: Pag-inantok na kami ay sabay kaming matutulog na nakadantay at nakayakap sa bawat isa.
Ngayon: Pag-inantok ako ay mag isa akong natutulog na yakap ang jacket at nakuha pang mag papicture sa kunduktor para may mai-post sa blog.

Halos anim na oras ang tinagal ng byahe. Alas diyes y medya ang binyag pero alas diyes y medya rin ako nakarating ng terminal. Pagbaba sa bus ay agad akong pumara ng taxi at pinagmadali ang driver na ihatid ako sa simbahan. Nang makarating sa simbahan na-excite ako ng makitang nakatayo pa ang pari at ang mga ninong at ninang sa paligid. Sa awa ng Diyos, naabutan ko ang binyag. Yun nga lang, Amen na lang ang narinig ko sa Pari. Sakto ako! Katatapos lang ng binyag!

Sa Baguio:

Noon: Maglalakad kami sa Session road na magka holding hands.
Ngayon: Maglalakad ako sa Session road na naiinggit sa mga nakikitang magka holding hands.




Noon: Sabay kaming kakain sa paboritong restaurant at oorder ng madami dahil gustong matikman lahat.
Ngayon: Halos hindi ko nagalaw ang pagkain ko. (Wag sanang mag react si Chyng at Jeric)




Noon: Sabay kaming mamamalengke at ibibili ko sya ng strawberry na halos kapipitas lang sa puno at 100 per kilo.
Ngayon: Hindi daw panahon ng strawberry kaya naman parang aratiris sa laki ang mga strawberry na nabili ko at 600 per kilo.

Nag mag alas-sais ng gabi ay nagpasya na akong umuwi. Sa pagkakataong ito ay kasama ko na ang dalawang kaibigan sa byahe. Hindi na kasing lungkot ng papunta ang naging karanasan ko, pero hindi parin maalis ang pagkamiss ko sa kanya.

Pag-uwi sa bahay ay agad kong inabot sa aking asawa ang aking mga pasalubong isang garapon ng Good Shepherd’s Ube jam at isang kilong brocolli. Pero hindi niya ito pinansin. Nakita ko sa mata niya ang pagkamiss sa akin. Halos hatakin na raw niya ang oras sa pagdating ko. Hindi niya mapigilan na sabihin sa akin ang mga katagang

“Wag ka na ulit babalik sa Baguio ng mag-isa ha..”

Para maibsan ang lungkot ng aking asawa ay minabuti kong ipagluto siya kinabukasan. Temang pang Baguio ang naging recipe ko ang Beef Session Road Brocolli at Good Shepherd’s Turon ang sumupresa sa kanya.















Nang matikman ang mga ito ay hindi niya mapigilan na sabihin sa akin ang mga katagang:

“Kelan ba balik mo sa Baguio?”

14 comments:

Chyng said...

Nice, pinicturan mo pala kame, di namen alam.. Next time dapat kasama na si Grace para makwentuhan nya ko ng mga OB gyne things! Dame namen natutunan ni Jeric sayo. (getting ready? chos!)

At salamat sa paghatid sa malayo nameing bahay!

Next binyag sa April na! ;D

Roninkotwo said...

Hi Chyng. Sorry, sa pagiging paparazzi ko. Hahaha..dami kasi namin napagdaanan ni Grace. God Bless!

grace said...

masarap nga ang beef brocolli and turon with ube na luto mo, highly recommended! =) next time na babalik sa baguio, promise di na ikaw o tayong 2 lang... 3 na tayong makukulit na mamamasyal dun.. =) (exciting!)

Roninkotwo said...

Oo nga..napapangarap ko pa rin yung lasa ng Good Shephered's turon..Nakaka-excite nga pag dalawa na ang papagalitan ko pag makulit..=)

Karen said...

WoW sarap naman...kakagutom.

Pukaykay said...

mukhang ang sarap sarap ng luto mo ah!

Chyng said...

Hi Grace,

di ko sinadyang gamitin ang payong ni sir lloyd. naawa siguro siya sa maliit at mahina kong katawan kaya pinahiram nya saken. nagjacket nalang tuloy sya at ako ang gumamit ng payong na pinadala mo.

Roninkotwo said...

Karen..sana ay busog ka na ngayon..=)

Jamie, may sahog kasi ng pagmamahal. (baduy)

Chyng, talagang nagpaliwanag ka pa...next time sa presinto ka na magpaliwanag..hehehe

Grace said...

no problem chyng.. =) gentleman talaga si lloyd...
ingat lagi and regards to jeric.

catherine said...

engr, sarap ng good shepherd turon.... gracie, sana okay ka lang sa kalagayan mo ngayon :)

Roninkotwo said...

Bi, pinuri mo na naman ako..nahahalata tuloy na may gusto ka sa akin.

Dra, kaw nga pala ang laking Baguio at siguradong alam mo kung gaano kasarap ang Good Shepherd's Ube Jam. Lalo pa pag ginawang turon..=) Salamat at ingat ka palagi dyan! 4 months na si Grace..=)

Dennis said...

awww.. sweet naman ..

Roninkotwo said...

Dennis,salamat sa walang sawang pagbisita..=)

Roninkotwo said...

domo arigatou gozimasu!!!