Mahal naming Panginoon, kami po ay lubos na nananalangin sa inyong harapan na malampasan ng aming bansa ang panibago banta ng paparating na bagyo. Ang amin pong bayan ay hindi pa ganap na nakakabangon sa trahedyang dinulot ng bagyong Ondoy. Huwag po ninyong hayaan ang delubyo na muling rumagasa sa amin. Sagipin n’yo po kami sa panibagong kalamidad sa pamamagitan ng pagmamahal at isang mahigpit na yakap mula sa inyong mapagpalang kamay. AMEN.
Isa na namang banta ng trahedya ang paparating. Sa pagkakataong ito, mas naging alerto at sensitibo na ako sa maaring mangyari. Lubos ang aking pagkahabag sa mga taong nahihirapan at nawalan ng tahanan noong nakaraang bagyo. Wala akong personal na karanasan sa bagyong Ondoy. Maswerte akong naka-uwi ng sabado ng madaling araw sa Bulacan ng payapa. Mula sa pag taas ng tubig hanggang sa paghupa nito ay kapiling ko ang aking asawa at mga magulang. Pero hindi ito naging dahilan upang maging kampante at masaya ang mga araw na iyon. Marami sa aking kapamilya at kaibigan ang naipit sa baha at nilamon ng tubig ang mga na-ipundar . Ilang tawag at text messages ang natanggap ko mula sa kanila. Ang aking kapatid sa Cainta ay tuluyan ng nilubog ng baha ang kanilang bahay at ang kanyang sasakyan. Mapalad sila at hindi inabot ng baha ang panagalawang palapag ng kanilang bahay. Subalit takot ang nangibabaw sa aming buong pamilya.

Sa mga pagkakataong ito kaharap mo na ang problema, subalit walang kahit anong solusyon ang kaya mong gawin. Tanging panalangin ang magiging sandalan.
Sa tuwing nasa kalamidad ang ating bayan, nakakatuwang isipin na handa ang bawat Pilipino na magdamayan kahit sa pinakamaliit na bagay na kayang gawin. Bumilib ako sa mga kabataan na nakiisa at nag volunteer sa mga relief operation na isinasagawa. Bumilib din ako sa sandatahang lakas na ang ilan ay nag-alay pa ng buhay para masagip ang kanilang mga kakabayan. Bumilib ako sa mga simpleng mamamayan na nagdamayan, nag abot ng tulong at ang ilan pa ay nagligtas ng buhay.
Kala ko ay naging mulat na ang bawat isa sa mga pangyayaring nagaganap. Nakakalungkot isipin na may mga taong nagsasamantala sa pagkakataon. At bagamat nagdudusa na ang ating bayan ay patuloy parin sa pagawa ng mga bagay na nakakasama sa kapwa.
Noong Miyerkules, Isang text message ang natanggap ko sa hindi kilalang tao. Siya daw ay miyembro Sagip Kapamilyang (ABS-CBN) na humihingi ng donsayon para sa mga nasalanta ng bagyo. Ang tulong daw ay maaring direkatang i-abot sa kanya upang mas lalong mapadali ang pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. Kahit pa hindi ako lubos na naniniwala ay napa-isip parin ako kung totoo o hindi ang text na natanggap ko. Mabuti na lang at ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay hayagang inanounce ni Ms. Tina Munson-Palma, na hindi nanghihingi ang Sagip Kapamilya ng ano mang tulong mula sa text messeges. Nang marinig ko ang pahayg na ito ay agad akong nag reply sa nag text. “Kung may konsensya ka pang natitira, wag mo na sanang gamitin ang pagkakataon na ito para makapanloko.” Kasunod noon ay sinubukan ko siyang tawagan, ngunit patay na ang kanyang celphone.
Ang kanyang celphone na ginamit: 09063550165
Kahapon ay isang text message ang nareceive ko sa aking asawa. Mula umaga daw ay may isang lalaki na walang tigil na tumatawag sa kanya. Walang ginagawa ang lalaking ito kung hindi paulit-ulit na tawagan ang asawa ko. Wala kaming makitang motibo. Dahil sa pag-aalala sa aking buntis na asawa ay hiningi ko sa kanya ang numero ng tumatawag at inutusan siyang i-divert ang lahat ng tawag sa kanya sa akin celpon. Noong una ay tahimik naman at wala akong narereceive na tawag, pero ilang minuto lang ay nag ring ang celpon ko na nadivert ang tawag para sana sa aking asawa. Sinagot ko ang tawag ngunit hindi ako agad nag salita. Isang lalaki ang nasa kabilang linya.
“Grace, kilala kita…”
“Grace, kilala kita…”
“Grace, kilala kita…”
Ang paulit-ulit niyang sinasabi. Dala ng galit at pagkainis ay sinigawan ko ang lalaki sa kabilang linya. Pero hindi ito nagpatinag sa kanya, bagkus ay lumaban pa ng sigawan at paulit-ulit pa nagmura. Sa paniniwala ko ay walang katinuang tao lamang ang makakagawa ng gayon.
Wala akong makitang ibang intensyon sa lalaking ito kung hindi manakot at manggulo.
Agad akong tumawag sa Smart upang i-report ang insidente. Nakakalungkot na walang kakayahan ang nabanggit na celphone subscriber na bigyang aksyon ang ganitong mga insidente. Bagkus, ay ipinasa ako sa NTC (National Telecommunication Company). Hindi ko lubos maisip na sistema ng Smart ang ginagamit ng mga manloloko at mapag samantala, pero walang aksyon silang magagawa.
Inireport ko sa NTC ang pangyayari. Subalit ayaw kong ikwento ang detalye ng aksyon na gagawin nila dito upang hindi maka-abala sa kanila. Subalit naniniwala ako na magagawan nila ito ng solusyon. Salamat sa mga tiga NTC na kahit isang simpleng mamayan ay nabibigyan nila ng kaukulang atensyon. Saludo ako sa inyo!
Ang kanyang celphone na ginamit: 09396408077
Sa ngayon ay nakilala ko na ang nag mamay-ari ng celphone na ito. At pinaplano ko nang ipa-blotter ang lalaking iyon.

May ari: Isang lalaking nag ngangalang Archie Alonzo na tiga Candaba Pampangga.
Motibo: 'Di umano, hiniwalayan ng kasintahan at ang lahat ng contact na nasa celpon ng dating kasintahan ay ginugulo. (Baliw na talaga..tsk tsk tsk.)
Sa panahon na marami ang nagdudusa, at maraming buhay ang nahihirapan. Nakakapagtakang nagagawa pa ng ilan na manloko, manakot at gumawa ng kalokohan sa kapwa. Sariling karanasan lamang ang aking kwento, alam ko na marami pa ang may mas malalang istorya ng pananakot at panloloko mula sa ibang tao.
Ang dalangin ko, kasabay ng panalangin para sa kaligtasan ng ating bayan ay ang kaliwanagan ng isip ng mga mapagsamantala at oportunista. Nawa ay mamulat sila sa kabutihan, katotohanan at pagmamahal.
Ingat tayong lahat sa paparating na bagyo…

6 comments:
Siarulo yang taong yan ah... sa gitna ng trajedya at problema ng ating mga kapamilya, nagawa pa nya ang ganyan? dapat sa kanya, malubog sa baha! BAD!
Kaya nga kung nasalanta ka man at hindi grabe, wag mo na agawan pa yung mga taong mas nangangailangan.. Mapagsamantala kasi yung iba.
Worst is yung binigay yung pinalitan nya yung account number ng Kapuso Foundation yata para sa kapakanan nya. Grabe!
Hope ok na si Grace. Im super sad, di natuloy ang vacation namin this weekend with my family dahil sa bagyo.
Salamat at safe tayo lahat.
Sherwin, nakilala na namin yung nanloloko kay Grace. Archie Alonzo ang pangalan. Matapos hiwalayan ng GF ay ginugulo ang lahat ng contacts sa celpon ng dating GF. Baliw talaga.. Ingat kayo palagi..
Chyng,salamat. Sineryoso ko yung baliw na nanloloko sa kanya..talagang kakasuhan ko para magtanda. Ok lang yun, matutuloy parin ang bakasyon nyo..marami pang araw. Importante, safe ang buong pamilya...
Tingin ko nga wala sa katinuan ang mga yan..dapat sa mental.
Too bad! At talagang hinunting mo ang salarin..hehehe
Anonymous, palagay ko nga..
Karen, yan ang epekto ng kakapanood ko ng mga teleserye..natutunan ko yan sa mga kontrabida...hehehe
Post a Comment