Oct 12, 2009

Prinsesa ng Buhay



Sabi ng nanay ko, noong pinabubuntis daw niya ako ay babae ang gusto niyang maging anak. Apat kaming magkakapatid, ang panganay at ang pangalawa ay lalaki at ang pangatlo ay babae. Kaya naman noong mabuo ako, gusto nila ay maging balanse ang bilang at maging babae ang bunso nilang anak. Pero nabigo sila, dahil isang lalaki ang lumabas. Isang lalaking ubod ng pogi.

Noong mabuntis ang asawa ko, araw-araw ay nasasabik akong isipin na palaki ng palaki ang baby sa loob ng sinapupunan niya. Bagamat wala naman kaming pinipili kung babae man o lalaki ang magiging anak, ang mahalaga ay normal at malusog siya. Pero hindi pa rin mawala ang mga pagkakataon na nagangarap kami.

Kung lalaki ang magigigng anak namin...

Gusto kong matuto siyang mag basketball, hindi tulad ko na sa PSP lang magaling mag basketball.
Gusto ko matuto siyang tumugtog ng gitara, hindi tulad ko maganda lang ang boses sa pagkanta.
Gusto kong matuto siyang umakyat ng puno, hindi tulad ko na magaling lang manungkit sa puno ng kapitbahay.
Gusto kong mabilis siyang tumakbo, hindi tulad ko na lampa at madaling hingalin..
Gusto kong maging magalang siya sa babae, hindi tulad ko na lapitin lang ng babae.
Gustohin ko man o hindi, alam ko na pogi siya at mana sa daddy niya.

Kung babae ang magiging anak namin...

Gusto kong matuto siyang mag taekwondo, di tulad ko magsumbong lang ang alam gawin.
Gusto kong matuto siyang mag piano at ako ang kakanta.
Gusto kong matuto siyang magluto, para hindi parating ako ang nagluluto at hindi narin susubok mag luto ang mommy niya. (safe)
Gusto kong matuto siyang mag pinta, hindi tulad ko na drawing grade 1 lang ang alam hanggang ngayon.
Gusto kong maging magalang at responsible siya hanggang sa lumaki at bawal mag boyfriend hanggang 30 years old.
Gusto kong magmana siya sa mommy niya na marunong pumili ng lalaking…yung tulad ko (pogi).

Noong Sabado ay iniskedyul ng OB ni Grace ang ultrasound para makita ang kalagayan ng baby sa loob ng sinapupunan niya. Papunta pa lang sa ospital ay excited na ako. Sa wakas ay makikita ko na ulit ang baby namin. Noong una ko kasi siyang makita ay oblong lamang ang hugis niya. Bagamat nakikita ko na ang pintig ng puso niya. Pero noong sabado ay buong hugis niya ang nakita ko. Nakita ko ang hugis ng ulo niya, ang kanyang kamay na ginagalaw pa niya na parang nagpapasikat pa, ang kanyang mga binti, mga paa at ang tibok ng kanyang puso na masmabilis sa tibok ng puso ko. Ilang sandali pa ay inikot ni duktora ang ultrasound, at isang sorpresa ang inihayag niya…

It’s a girl, babae sya…

Pakiramdam ko ay naging 'sing bilis ng tibok ng puso ng baby ko ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi niya. Sa hindi ko maunawaang dahilan ay sumaya ako ng sobra. Hindi ko naman hinahangad ang anak na babae o lalaki, pero naramdaman ko ang kakaibang ligaya. Isang tinig mula sa itaas ang wari'y nagsasabing siya ang anghel na pinagkaloob ko, at ang magiging prinsesa ng buhay mo magpakailanman.


Excited na akong makita ka ng harapan baby…

18 comments:

EngrMoks said...

waaaahhh..baby girl..congrats sa inyo ni Grace!!!...

Sino kaya kamukha??hmm sana si Grace na lang!! Peace hehe!

Pukaykay said...

congratulations. Hmmm..sino nga kaya ang kamukha =)

Chyng said...

Wow! Buti naman babae para di madagdagan ng chickboy in the future! haha

Cge alis tayo! Gusto ko itry yung Conti's sa trinoma. Tara?

Roninkotwo said...

Sherwin, pagbibigyan ko na na kamukha nya..babae naman e..hehehe..

Ganda, maswerte yung baby pag kamukha ni Grace, pero kung magiging kamukha ko..mas maswerte sya...pogi na daddy nya, maganda pa sya..

Chyng, medyo nakakakaba pala pag girl ang baby..nagiging paranoid na ko..hehehe

Oo, masarap sa Contis yung raspberry cheesecake..sobra! Meron din dito sa laguna nun (Nuvali) kaya na try ko na..pero si Grace hindi pa..

Karen said...

Oist congratz..buti nlang gurl, nde magmamana sayo..hehehe

Roninkotwo said...

Karen, hindi ba lalaki baby mo? Buti na lang boyz, nde magmamana sayo..hehehe

Unknown said...

Congrats!!! Truly its ur angel and ur princess ....rgards ke grace :)

Roninkotwo said...

Ate cors, salamat. Sana nga ay nandito ka pag lumabas na si baby. Ingat ka rin dyan..God Bless!

Edong said...

Wow! congrats sir...

welcome to the club na panay babae ang anak... hehehe

sabi nila nalalaman daw na totoong guwapo ang lalake kapag babae ang panganay na anak, sabi ko naman, amen!

Roninkotwo said...

Sir Edong, isandaang pursyento akong sang ayon dyan!!!

Superjaid said...

wow..congratulations po kuya..^__^ sino kaya ang magiging mukha??

grace said...

iba pla talaga ang pakiramdam pag nakita na ang baby na dinadala mo... =) nakakaiyak pala sa sobrang tuwa. nun 1st time ko nakita si baby sa ultrasound, naluha ako.. whatmore pa pag lumabas na sya... sobrang happy and excited na ko bi!!! =)

Kahit sino kamukha sa atin bi, walang problema, maganda pa rin si baby! =)

Roninkotwo said...

Superjaid,hindi ko pa masabi..pero siguradong isa sa amin..hehehe..

Bi, sing excited mo ko..i love you..

AL Kapawn said...

Makikihalubilo at makikisaya lang po.

halos pareho rin po ang ating karanasan.

nabibiyayan din kami ng baby girl, and since it is our first baby, talagang sobra ang saya at tuwa, i can't imagine na...wow! tatay na pala ako, everyday lagi akong excited umuwi para makita ko ang aming munting anghel.. kakaiba talaga ang nararamdaman.

napadaan lang po.

Roninkotwo said...

alkapon, congrats!!! Naka abang na ako sa karansan na iyan...Welcome ka dumaan dito..anytime.

rence said...

Hello Kuya...congratulations! Baby girl. Sure ako na magiging protective ka sa anak mo pag laki niya. Kilalang kilala mo ang mga lalaki eh. Wish ko lang, sana yung magmamahal sa kanya ay sing romantiko mo.

God bless sa inyo ni Grace and baby girl.

Pakilala natin si baby girl kay Audrey ko.

Roninkotwo said...

Hi ate rence..Salamat! Gusto kong lumaki ang baby girl namin tulad ni Audrey..=) Miss na kita..

Dennis P. said...

..Higpit ng daddy haha.. bawal magBF pag babae.. pano yan..babae haha..