Nov 11, 2009

BBAM News Central


Isang panayam ng Bakit Bilog Ang Mundo? staff (BBAM) sa very charming na si Lloyd.

BBAM: Hi Lloyd, kamusta?
LLOYD: Mabuti, ikaw?
BBAM: Ako ang nag-iinterview diba? Bat mo ko tinatanong?
LLOYD: Ah, oo nga pala. (Ang sungit!)
BBAM: Ano kamo?
LLOYD: Wala, sabi ko..mabuti naman ako.
BBAM: Pinilit mo na interviewin kita ngayon dahil ang sabi mo ay espesyal ang araw na ito sa iyo. Bakit naman?
LLOYD: Oo, tama ka...ngayon kasi ang 7th onniversary namin ni Grace.
BBAM: You mean 7th anniversary!
LLOYD: Hindi 7th onniversary talaga.
BBAM: At anong drama yan?
LLOYD: 7th onniversary, ibig sabihin 7 years na kaming mag-on ni Grace.
BBAM: duh!?
LLOYD: Yung nga po. Kaya nag request ako ng interview at sana ma ipost mo sa BBAM news central.
BBAM: Sya sige…sanay naman ang mambabasa ng BBAM sa mga walang sense na post.
Simulan natin...
LLOYD: Hindi ba kanina pa tayo nagsisismula?
BBAM: Hmp!

---*---


BBAM: Paano nyo sinelebreyt yung araw?
LLOYD: Plano ko talaga mag leave. Kaso hindi talaga kinaya. Kaya after work, diretso agad ako para sunduin siya at nag dinner kami sa Contis. Salamat sa magandang review ni Chyng sa huling post niya at nagka idea ako kung saan dadalhin si Grace. After dinner, kwentuhan, reminiscing…tapos, lights off! (Kaso she’s pregnant..tsk..tsk..tsk..)
BBAM: Did she get angry dahil hindi ka naka absent?
LLOYD: Siyempre hindi…naiintindihan nya ko...yun ang sabi nya...


---*---

BBAM: Gusto kong balikan ang araw nang sinagot ka ni Grace. Maari mo bang ikwento sa amin ang eksena?


LLOYD: Isang maulan na umaga nun, inaya ko siya sa SM north edsa. Wala pa ako kotse nun kaya sa FX ko sya sinakay. Dahil umuulan, ay nagbitbit pa ako ng payong para sa kanya.. Pero dahil ayaw niyang sumukob sa payong ko, kaya nagdala siya ng sarili niya. Lunch na ng dumating kami sa SM. Sa Max’s ko sya inayang mag lunch. Tahimik lang si Grace nun, matipid ang ngiti at ang sagot sa mga kwento ko. Ako naman ay walang tigil ng kwento at kain...Interesado ka ba talaga? Kasi mahaba to..


BBAM: Go lang. Mag Farmville ako habang kwento ka para hindi ako ma bored...


LLOYD: Hmp! Anyway, after nga ay naglakas loob akong ayain siyang manood ng sine. Kabado ako, kasi malamang sa malamang ay hindi siya papayag. Pero ayaw ko namang mag-aya ng umuwi dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya ang pakay ko. Laking gulat ko ng napapayag ko sya... Dahil sa nakatutok si Grace sa pinapanood ay hindi ko rin nagawang sabihin sa kanya ang gusto ko sabihin. Matapos manood ng sine, ay inaya ko siyang kumain ulit. Pero busog pa raw siya. Hindi pwede, kailangan natin kumain. At sa wakas ay napilit ko rin siya. Nang makakuha ng timing ay dito na nagsimula ang drama ko. Naging seryoso ako at…


BBAM: Yes!!!!! Yes!!!! Level up! Level up! Yahoooo!


LLOYD: (sigh) sinimulan kong sabihin ang totoo kong nararamdaman..


BBAM: yuck! (cheeesssy!)


LLOYD: Pinilit kong mangilid ang luha para may awa effect, tulad ng natutunan ko sa inattendan kong acting workshop. Pero wa epek. Hindi niya ko sinagot. Pa-uwi ay naging tahimik kaming dalawa, malungkot ako at wala akong makitang emosyon mula sa kanya. Kung naawa, naiiyak o naiinlab…Lalong bumigat ang pakiramdam ko, at hinintay ko na lang ang tuluyang pagbagsak ng mundo sa aking kinakatayuan. Mabilis na dumapo sa isip ko ang panghihinayang. Panghihinayang sa tagal ng panahon na pinangarap ko siya na maging kasama habangbuhay. At kasama na rin ang panghihinayang sa laki ng ginastos ko sa pumalpak na date…


BBAM: found a sad Ugly Duckling on their farm. Oh no!
BBAM was farming when a sad, Ugly Duckling wandered onto their farm in FarmVille. This poor ducky ran away from his old home because the other ducklings made fun of him. He feels very sad and could use a new home.


LLOYD: Habang nakasakay sa jeep pauwi ng bahay nila ay pormal na akong nagpaalam sa kanya. Pero pinigilan niya ko. Meron daw siyang sasabihin sa akin pagdating sa bahay. Hindi ko alam kung manhid ako o sadyang bopol lang. Hindi ko ma gets ang gusto niyang ipahiwatig at nagpumulit parin akong umuwi. Dahil sa inis ay nanlilisik ang matang sinabi sa akin ni Grace na ”Pasok ka nga sa loob ng bahay..kasi sasagutin na kita!!!!” At iyon ang naging simula ng lahat....


BBAM: Kainis, nabulok ang mga tanim ko...


LLOYD: Ah, e interesado ka pa ba sa akin?


BBAM: Ah, tapos ka na ba? Nakakatuwa naman pala ang love story nyo…


LLOYD: Salamat! (plastik!)


BBAM: Ano naman ang message mo kay Grace ngayong 7th onniversary nyo?


LLOYD: Ah e. Grace, salamat sa araw na ito na naging bahagi ka ng buhay ko. Salamat sa pagtityaga sa akin mula noon hanggang ngayon. Sa mga panahon na mahirap ako kausap. Sa mga panahon na mahirap akong intindihin at sa mga panahon na nag uumapaw ang kabaduyan ko tulad ngayon. Kung may nabago man sa akin mula nang sagutin mo ako, iyon ay ang pagkakaroon ko ng sandalan at kaibigan, na tatlong buwan mula ngayon ay bibigyan ako ng anak…at masusundan pa taon taon…


BBAM: -end-

10 comments:

Anonymous said...

Hahaha. May panibago na namang character bukod kay Sonia! Happy Onniversary po.

Chyng said...

Kala ko Nov 2 anniversary nyo. Nagdadalawang isip akong batiin ka nun, buti nde. Napahiya ako! haha
At least naalala ko.

Celebrate natin yan!
Cheers!

You're both blessed. (--,)

catherine said...

happy onniv! ur love story is one of the best stories that i've ever read :)

Roninkotwo said...

Anoymous, oo..si sonia, bbam staff at ikaw...pakilala ka na...salamat.

Chyng, muntik na mag nov.2, pero naisip ko araw ng patay yun kaya minove ko ng november 10. Para swerte, at gumaan ang pasok ng pera. Celebrate ulit natin next next week!=)

Dra. Kaye, salamat. Naghihintay ako na makabasa ng isa pang best story na ikaw naman ang bida..=) Ingat ka dyan!

grace said...

i Love you so much bi! nag enjoy ako buong week na magkasama tayo.. =)busog na busog ako sa Love at pag alaga mo sa amin ni baby at syempe sa mga pagkain na first time ko natikman... hehe! sarap! love you so much! paglabas ni baby kasama na natin sya magcelebrate... yehey!

Roninkotwo said...

Miss ko nga kayo e..=I

Dennis P. said...

...ang sweet,, bilib ako sayo idol..

Roninkotwo said...

Dennis P. Kung kilala lang kita, ninong ka na ng anak namin..hehehe..Salamat!

Ast Abe said...

Good day! I am Astrid Abesamis, Communication Arts graduating student from the University of Santo Tomas. Our thesis group would like to ask for your help by answering our survey about blogging. Can I ask for your email address so that I can email the survey questionnaire? We hope for your response. Thank you so much! God bless!

Anonymous said...

ahAhA...how interesting