Iboboto ko si Noynoy hindi dahil anak siya ng isang martir at ng simbolo ng demokrasya, kundi dahil napatunayan na niyang maging isang malinis na lider na walang bahid ng kurakot.
Iboboto ko si Noynoy hindi dahil kapatid siya ng sikat na personalidad na si Kris Aquino, kundi dahil hindi siya gahaman sa kapangyarihan. Ang desisyon niya upang tumakbo sa pagka pangulo ay hindi personal na motibo, kundi isang hamon.
Iboboto ko si Noynoy hindi dahil no. 1 siya sa survey, kundi dahil siya ang kandidatong pinagtitiwalaan ko. Naniniwala ako na ang daan tungo sa pagbabago ay magsisimula kung ang bawat Pilipino ay may malaking tiwala sa kakayahan ng isang lider na muling itayo ang nasirang institusyon, at pagbuo ng isang gobyernong may integridad, bukas sa lahat at may pananagutan.
Tiwala sa Gobyerno ang pinaniniwalaan kong susi upang tayo mismo, bilang Pilipino ang magbago para sa ating bansa.
Kay Noynoy ako..at ipinagmamalaki ko na Pinoy ako!

(Si Alex Lacson ang senador ko...http://alexlacson.posterous.com/)
9 comments:
Tiwala sa Gobyerno..gusto ko yan..tama ka, tayo mismo ang magpapaunlad sa ating bansa...
Napatibay mo ang paniniwala ko..kay Noynoy din ako..
May point!
Pero sir hindi din naman gahaman sa kapangyarihan at effective na lider din naman si BroEddie hindi ba? Why not him? Ü
Alex Lacson, iboboto ko yan.
Hmmm, ayaw ko sana magbigay ng negatibong komento sa ibang kandidato...taga Bulacan ako Chyng, at kalapit bayan lang namin ang bayan na pinamumunuan ng pamilya niya. At tuwing mag dadrive ako sa bayan na yun, umiinit ang ulo ko sa dami ng lubak na kalsada at talamak na prostitusyon ..simpleng problema, pero malaking epekto para sa akin..=)
belib ako sa mga taong pinanindigan ang boto. dapat lamang pagkat sa tingin ko, ito'y sagrado.
Kasi kung malinis na budhi lang, pasok din sana si JC at BroEddie, kasama ni NoyNoy.
Eto sir Lloyd last na, di ba sabi mo hamon sa kanya to? Bakit di nya pa ginawa o inumpisahan man lang yung LABAN na lagi nyang sinisigaw? Tagal nyang congressman at senator eh, 12 years yet he did nothing.. Sayang.
hehehe...oo, malinis na budhi hindi naman ako tutol kay JC, Perlas o Gordon. At siguro kahit sa kaninong tumatakbo. Wala ako sa posisyon para sabihin na masamang tao sila, dahil hindi ko sila personal na kilala, kung minsan, ang mga nakapaligid lang din naman ang naninira sa pagkatao nila. Kung hitik sa bunga ang puno, iyon ang madalas binabato.
Si Noynoy, hindi lang dahil sa isa sa mga nabaggit ko, kundi ang kabuuan nang lahat!...at sa inspirasyon na taglay na niya...
Hindi ako sang ayon sa "walang nagawa" at hindi ko rin naiintindihan ang depenisyon nito sa iba. Hindi sa dami ng batas na naipasa ang basehan ng magaling na pinuno. Hindi rin sa grandstanding sa mga issue na nabebenta sa media. Sa tingin ko, sobra na ang Pilipinas sa umiiral na batas, ang kailangan ay implementasyon. At mapapairal ito kung pinag titiwalaan ko ang lider ko. At susunod ako ng buong puso para sa bansa. Hindi dahil sa dikta o takot na ipapa-iral niya.
Lasty narin yun Chyng..hehehe
Sorry ha. Affected ako sa elections.
Congrats to the yellow army! Ü
Chyng, wala ka dapat ipag sorry..hehe. Ngayong tapos na ang eleksyon, hindi dun matapos ang pag hangad natin na maging maunlad. Ako, patuloy akong magbabantay at magdadasal. At patuloy na susubuking maging isang mabuting mamamayan. =)
Post a Comment