Isang buwan bago ako pumunta ng Mexico ay binitawan na namin ang dati naming nirerentahang apartment sa Falconville. Maliit lang ang apartment na iyon, may isang kwarto, one port na sala, one port na dining, one port na kitchen at one port na bedroom. Doon ako natutulog sa one port na bedroom. Mula kasi ng mag-asawa ang ate ko ay doon na muna sila tumira ng asawa nya. Pero ayos lang sakin yun, ako kasi yung tao na pagdating sa bahay ay magbibihis,manonood ng tv at makakatulog. Kaya swak na swak sa katawan ko ang isang salang may kama. Masaya naman ang naging buhay ko doon kahit na masikip, nood, tulog at ligo lang kasi ang madalas na ginagawa ko. Ang pagkain, pati na minsan ang pag toothbrush ay sa opisina ko niraraos para makatipid. Mahal kasi ang singil sa tubig . Maganda na sana ang takbo ng buhay namin doon, hanggang sa lumabas ang totoong kulay ng dati namin landlady. Siguro ay napadalas ang panonood nya ng Maria Flordeluna kung kaya nainspired siya sa buhay ni Donya Brigida. Minsan ay bigla nalang siyang susugod sa apartment at maniningil na parang tatakbuhan kahit na isang araw palang kami nadelay. Pag hindi kami nakabayad dahil sabado o lingo natapat ang araw ng bayaran, ay pupunta siya sa kapatid ko na nakatira sa kabilang subdivision para singilin. Syempre, hindi papaluwalan ng kapatid ko yun at dahil dito ay magagalit siya at hihingi ng pambayad sa tricycle na nagastos daw niya sa pagsugod. At ang pinakahuli, ay nang singilin niya ang ate ko na noong mga panahon na iyon ay nagdadalang-tao, sa pag aakala hindi kami nakabayad ng isang buwan. Halos mapaanak ang ate ko sa taka at inis. Isang araw nga na delay kami ay hindi na sila nakakatulog, isang buwan pa kaya!
Noong June, nagpasya kami na bitiwan na ang apartment. Tamang-tama ang timing, dahil kabuwanan na ng ate ko at sa Bulacan muna siya magpapahinga pag-kapanganak. Ako naman ay naipadala ng ng kumpanya para mag training sa Mexico ng isang buwan. Makalipas ang isang buwan ay bumalik na ako ng Pilipinas, subalit wala parin akong matitirahan na apartment at ang ate ko ay kasalukuyan pang nagpapahinga sa Bulacan. Dahil dito ay nakitira na muna ako sa bahay ng bayaw ko dito sa Laguna. Isang buwan din ako nakitira sa kanila habang naghahanap ng apartment na malilipatan. Sa wakas, makalipas ang isang buwan ay nakahanap na kami.
Isang apartment sa Block 8 San Cristobal Garden Homes, limang bloke mula sa bahay ng kuya ko ang nakita namin.
Matagal nang nakatayo ang bahay ngunit wala pang tumira mula ng maitayo. Tanging ang kapatid lang ng may ari na nakatira sa tabi ng bahay ang namamahala dito. Kung nasaan ang may-ari ay hindi ko pa alam, ang importante ay may malilipatan na kami.
Sa isang linggo pa ang balik ng ate ko sa Laguna. Ang asawa naman niya ay pang-gabi ang shift kung kaya nagpasya ako na ako na muna ang tumira sa bagong apartment sa block 8. Mula sa isang bahay na walang laman ay hinakot namin ang mga importanteng gamit na kakailanganin ko. Ilan na dito ang ilang damit na magagmit ko ng isang lingo, Fome na hihigaan ko, dalawang unan, dalawang kumot, Harry Potter book, at TV na walang antena. Ito ang mga bagay na kukumpleto sa bawat gabi ko sa bago naming apartment.
Masmalaki ang apartment sa block 8, two storey na may malaking garahe. Sa baba ay malaki ang area para hatiin sa sala at kusina, sa labas nito ay may lababo at ang taas naman ay may dalawang kwarto.
Pagkatapos magligpit ng ilang gamit, nanood ng TV na walang reception at magbasa ng isang Chapter ng Harry Potter ay nagpasya na akong matulog. Nang mahiga na ako at ipikit ang mata ay parang isang pinto na biglang bumukas ang isip ko at sari-saring imahinasyon ang pumasok. Bigla ko na isip na matagal ng walang nakatira sa apartment at dahil sa mga horror movies na napapanood ko, ay naisip ko na baka mga ligaw na kaluluwa ang mga namamahay doon. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang ilaw. Naalala ko ang rosaryo na nakalagay sa coin purse ko, kinuha ko ito at nagdasal. Ngayon lang ulit ako natakot ng sobra, hindi ko na pinatay ang ilaw kahit na hindi ako nakakatulog na may ilaw na bukas maliban sa ilaw na nangagaling sa telebisyon. Hindi ako mapakali, bawat tunog na naririnig ko ay ikinagugulat ko. Hindi ako makakatulog dahil natatakot ako na baka may dumungaw sa bintana na kalaban ni Pedro Penduko o kaya ay harangin ako ng black lady na napanood ko dati sa Holoween Special ng Magandang Gabi Bayan. Alerto ang pakiramdam at isip ko, lahat ng nagyayari sa paligid ay nararamdaman ko. Sinubukan ko mahiga kahit na alam ko na hindi ako makakatulog, pag lapat ng likod ko sa fome ay dali-dali akong nakatulog...
Kinabukasan, maganda ang gising ko, nakumpleto ko yata ang walong oras na tulog at muntik pang mag extend dahil halos hindi ko narinig ang ingay ng cell phone ko na nag-aalarm. Napabuntong hininga nalang ako at nanghinayang, ang akala ko pa naman ay makakaranas ako ng kakaibang adventure tulad nang pakikipag laban sa kapre o pag habol sa manananggal. Mas maganda sana at kapanapanabik ang kwento ko ngayon.
Maraming gabi na hindi ako makatulog, bago kami lumipat sa Apartment sa Block 8, hindi dahil sa multo o ligaw na kaluluwa. Siguro ay dahil sa mga alalahanin na patuloy na gumugulo sa isip ko, maliit man o malaki, nakakatakot man o hindi.
At isang lang ang gamot para dito, kailangan ko ng comfort. Comfort na mag-aalis ng takot at pangamba at magpaparamdam na ligtas ako sa mga bagay na kinakatakutan ko.
Lagi kong naririnig sa asawa ko ang salitang "masarap na tulog" sa tuwing kami ang magkatabi. At alam ko na ang dahilan ng masarap niyang tulog ay ang pakiramdam na ligtas siya sa tabi ko.
Ito ang importante, gaano man kabigat ang problema o takot natin sa buhay, laging may mga tao o lugar na maari takbuhan at magpaparamdam sa atin ng comfort.
Isang apartment sa Block 8, San Cristobal Garden Homes, limang bloke mula sabahay ng kuya ko ang nakita namin.
No comments:
Post a Comment