Feb 6, 2008

On Top Of Spaghetti

Spaghetti ang isa sa pagkain na hindi ko pinag-sasawaan. Kahit na araw-araw akong umatend ng birthday party, ay hindi ko papalampasin ang pagkakataon na matikman ang bawat spaghetting nakahain. Madalas man na nalulunod ito sa pulang sauce na 10% tomato at 90% banana ketchup ay papatusin ko parin yan! At pag ginaganahan pa ako ay sinisinghot ko pa ang dulo ng pasta nito. Ganyan ako ka adik sa spaghetti.
Pero sa lahat ng spaghetting nakain ko, isa lang ang lutong talagang hinahanap-hanap ko mula noon hanggang ngayon. Ito ang spaghetti ng nanay ko. Ang kaisa-isang spaghetti ma may tamang tamis, tamang asim, tamang anghang kaya tatamaan ka sa sarap.

Noong ako ay bata pa, bihira lang akong makakain ng spaghetti. Inihahanda lang kasi namin ito sa tuwing espesyal ang okasyon tulad ng pasko at bagong taon. Hindi kasama dito ang birthday naming magkakapatid na dumadaan lang na isang simpleng araw matapos kaming isimba ni nanay at tatay. Kapos kasi sa budget ang aming magulang noon at ito naman ay lubos naming nauunawaan. Ito ang dahilan kung bakit espesyal sa akin ang lutong ito hanggang ngayon.

Sa tuwing kakain ako sa kahit anong restaurant ay hindi na maalis sa akin na i-check ang pasta sa bawat menung mahawakan ko. Parang laging may hinahanap ang aking panlasa. At sa bawat pastang makain ko, lagi kong naikukumpara ang simpleng spaghetti ng nanay ko.

Charlie Chan Chicken pasta ng yellow cab ang unang naging contender sa aking paghahanap na itatapat sa luto ng nanay ko. Unang tikim ko pa lang sa pasta na ito ay nahulog na ang loob ko. Bukod sa gusto ko ang oriental na lasa nito, ay nagbigay din ito ng kakaibang sarap dahil sa peanut base na souce na meron ito. Noong nakaraang buwan ay dumaloy sa ugat ko ang dugo ng isang cooking master. Sinubukan kong gayahin ang recipe ni Charlie Chan kahit wala akong idea kung paano ito ginawa. Bago ko simulan ang aking laban, ay inaya ko muna si Grace na muling tikman ang Charlie chan pasta. Dinama ko ang bawat subo at lapat ng bawat hibla ng pasta nito sa aking taste buds. Kasabay nito ang pag-kumpyut sa utak ko ang bawat takal ng asin, paminta at bawang na ginamit. Pag uwi sa bahay ay agad kong tinungo ang kusina upang simulan ang aking version ng Charlie Chan Chicken Pasta.
Ang Resulta:


BOOM! CHARLIE CHAN NGA!

Food Critics:

" Super pwede na..." -Joy (isang kolehiyala)-

"Ba wa waw!" -Kuh - aso ni tatay-


Runner-up sa aking choice ang Meatballs in tomato sauce sa The Old Spaghetti House. Aktwali, napaka classic ng pasta na ito kumpara sa mga ibang pasta na makikita sa kanilang menu. Pero dahil sa ito ang pinaka madaling basahin ay ito agad ang inorder ko. Sa huli ay hindi ako nagkamali, isang malinamnam na sauce at nakakabusog na meatballs ang bumungad sa harap ko. Mula noon ay na amaze na ako ng sobra sa meatballs na meron ang spaghetti na iyon. Kaya matapos mag muni-muni ay isang tinig mula sa kawalan ang nag-udyok na subukan kong gayahin ang Meatballs sa The Old Spaghetti House. Matapos iyon ay nagsimula akong gumawa ng ibat-ibang klase ng meat balls. May malaki, maliit, maitim, maputi, korteng mundo, at korteng puso. Pati nga korteng hexagon hanggang dodekagon ay nagawa ko. Hanggang sa isang fairy godmother ang lumabas mula sa palayok na may dala-dalang ang isang kuk buk. Dito ko natutunan ang tamang pagluto ng masarap na meatballs.

Ang Resulta:
BOOM! MEATIER!

Food Critics:


"Kuya, paano mo ginawa yung squidballs?" -Julie (yaya ng pamangkin ko)-

"Sap!"-Ethan (2 yrs old na pamangkin ko)-


Sun Dried Tomato Fusilli with grilled rosemary chicken breast. Whew! (hinga). Pangalan pa lang ay ginutom na ako sa haba. Sa CPK o California Pizza Kitchen ko ito unang natikman. Mula noon ay kumapit na sa tastebuds ko ang lasa nito at nag stay-in na sa ilong ko ang aromang taglay nito. Minsan ay hinamon ako ni Grace na kung magagawa ko raw gayahin ang ang pastang ito, ay isang 1 hour massage ang kapalit. Dahil sa masakit ang katawan ko noon at masarap ang masahe ni Grace, ay agad kong tinaggap ang hamon. Tinungo ko ang isang supermarket na malapit sa amin at isa-isa kong hinanap ang mga ingredients na kailangan ko. Ilang sandali pa ay halos kumpleto na ang napamili ko maliban sa isang ingredient - ang "rosemary". Dahil sa pagod na akong maghanap, ay naisipan kong tanungin ang isang staff sa supermarket na si Alma (iyon ang nakasulat sa name tag niya) kung saan ko makikita ang aking hinahanap. "Hi, pwedeng malaman kung may Rose mary kayo dito?" "Ah, opo, sandali lang." Nagmamadaling tumakbo si Alma, gusto ko sanang sundan pero sa bilis ng karipas niya ay naiwan ako. Ilang sandali pa ay bumalik ito na may isa pang kasama. "Sir, eto na po si Rose Mary. Magkakilala po ba kayo?" Napatingin ako sa nameplate ng kasama niya at "Rose Mary" nga ang pangalan. Gusto kong ilibing ng buhay si Alma nang oras na iyon.


Ang Resulta:


BOOM! ROSE MARY!


FOOD CRITICS:

"Let's make it a 2-hour massage!" -Grace-




Masakit man sa loob, ay aaminin kong masarap lahat ang version ng pastang ginaya ko. Kung idemanda man ako ng mga kumpanyang nag mamay-ari ng mga recipe na 'to ay hindi ko sila aatrasan. Dadaanin nalang namin sa cooking showdown ang labanan.

Pero, kahit pa kuntento ako sa lasa ng mga pastang nakopya ko, ay patuloy parin ako sa pagtuklas ng tamang recipe sa spaghetti ng nanay ko. Hindi naman sa pinag-dadamot iyon ni nanay, pero kahit ilang beses na niyang tinuro sa akin ang pagluto nito ay hindi ko parin makuha ang tamang timpla. Kahit ang mga kapatid ko, lalo na ang tatay ko ay kayang alamin ang kaibahan ng luto ni nanay sa luto ko. Sa amoy pa lang. Kaya, suko na ako...hanggang dito nalang ang kaya ko, at alam ko na kahit minsan ay hinding-hindi ko magagaya ang recipe ni nanay na hinahanap naming lahat.

Puno kasi ng pagmamahal ang sahog sa bawat putaheng niluluto niya para sa amin...

10 comments:

Anonymous said...

Natakam ako...

Roninkotwo said...

gemma, sana ay nagpakilala ka kung sinong gemma ka..marami kasi akong kakilala na gemma..sayang, papadalhan sana kita ng pasta ko..

Chyng said...

hey! ako nalang padalhan mo! (--,)

must try pla tlga ang Charlie Chan's..

Roninkotwo said...

sure! sige..sa birthday natin gagawan kita ng charlie chan!=)

Anonymous said...

wow! sarap naman..nag-aaral na rin akong magluto..pero nde p ang pasta..share mo namn recipe ng charlie chan..

Anonymous said...

yummy naman! bakit dito sa dubai ala ako gana mag-foodtrip? haayy!

alam mo na kung hindi shawarma, indian pana food, arabic food ang makakain mo.
pero infairness may masasarap din naman kaso ang MAHAL!
di bale nalang.. DIET nga e.

as testimony, si lloyd mahilig nga sa spag. akalain mo may combo sa hicap na rice meal na may spag, kaya nya ubusin.
eeewww.. bigat na nga ng rice haluan pa ba ng pasta?! alam mo na bundat ang tyan mo, ahahaha!

Roninkotwo said...

Karen, i text ko sayo ang secret recipe ng Charlie Chan, wag dito baka mabasa ng yellow cab gayahin...

Ate Marian, masarap ang indian food kahit mabaho..favorite ko din yan.. Asus, kunyari ka pa, e kaw din umoorder ka nun..mala chicken joy spaghetti ng kusina ni maruja..yun nga lang spaketchup ang lasa...=)

Anonymous said...

yuck, you like biryani???? ang baho!!!
kaya ayun kasing baho din nila.. ewww!

Roninkotwo said...

Sa una lang yun ate marian, pag nasanay ka na mabango na sa pang amoy mo yun..hehehe...

Anonymous said...

Hi there,,,ang funny ng posts mo,,haha,,pedeng pa-share din ng recipe ng charlie chan ?? meron sa internet pero mukhang mas masarap yung sa iyo,,haha,,pedeng pa-e-mail sa joshuajorvina@yahoo.com?? hehe,salamat! more power!