Isang kasama sa trabaho ang lumapit sa akin. Malayo pa ay nakangisi na ito at mukhang may masamang binabalak. Kaya dinampot ko agad ang tubo sa ilalim ng table ko para maging handa sa ano mang pagsalakay. Ganito ako ka-bayolente sa tuwing maraming pending na trabaho at hindi ko matapos ang isang post para sa aking blog.
Nang akmang dudukot na ito sa kanyang bulsa ay agad tumulo sa aking noo ang malapot na pawis. Matapos nito ay agad siyang tumawa ng malakas habang hawak ang isang 2" x 2" picture na hindi makakailang ako ang may-ari dahil sa kumpletong pangalan na nakasulat sa ibaba. Kung hindi nga mukhang artista ang nasa larawan ay mapagkakamalan ko itong isang mug shot mula sa isang nahuling agaw celphone.
Lloyd: "Huh? paano napunta sayo to?
Kasama sa trabaho: "Nakita ko yan sa PRC, naka post! Sa harap mismo ng verification window for ECE. Sikat ka nga e!"
Lloyd: "Huh?! Bakit? anong kaso ko?"
Kasama sa Trabaho: "Wala, nakadikit ang picture mo as lost & found...bwahehehehe!"
Bigla akong tinablan ng hiya ng walang kalaban-laban.
January 2008 ng mag renew ako ng lisensya sa parehong lugar, at pamilyar sa akin ang sinasabi niya dahil may nakita rin akong naka ipit na larawan sa harap ng cashier window noon. Pinagtawanan ko pa nga ang kapalaran at kalagayan ng lalaking nasa larawan. Mistula kasi siyang isang wanted na pinag hahanap ng batas na may pabuyang isang milyon sa kung sino man ang makakapag turo. Tinandaan ko rin ang pangalan at mukha niya sa pagbabaka-sakali na makita ko siya at maipagbigay alam agad sa kinauukulan ang pinagtataguan. Siya si Michael D. Gumatay na hinahanap ko parin hanggang ngayon.
Sino ba naman ang mag-aakala na makalipas lamang ang isang araw ay ako na pala ang papalit sa pwesto ni Michael D. Gumatay. Limang buwan na palang naka-post ang mukha at buo kong pangalan sa isang window sa PRC. Dahil dito ay sigurado akong naging dahilan ito ng paghaba ng pila sa window na iyon. Malamang din na lahat ng pumila dito ay hindi naiwasang ipahid ang dalang panyo at saka idadampi sa kanilang batok at mga nananakit na kasu-kasuan. Sa mga kukuha naman ng board exam, malamang na may ilan na nag-alay pa ng isang tray ng itlog at nagpatirapa ng dalawang oras sa pag-aakalang sigurado ang pag pasa sa exam! Kung itlog na pula ang i-aalay, malamang na mag top pa.
Isa sa dahilan kung bakit hindi ako nagpopost ng picture sa aking blog ay dahil mahiyain ako (pangalawa lang ang dahilan na ayaw kong pinagpapantasyahan ako). Pero meron akong kapangyarihan na magtanggal ng hiya sa panahon ng kagipitan. Noong nililigawan ko si Grace, daig ko pa ang makahiya na tumitiklop sa tuwing mapapatingin sa kanya. Bago nga ako magsalita ay paulit-ulit ko munang ine-edit sa isip ko ang mga sasasabihin ko at minsan ay sinusulat ko pa sa papel bago bitawan. Sa mga panahon na tinetext ko siya, isang linggo ko muna itong binabasa ng paulit-ulit sa draft item bago i-send. Pero noong dumating ang oras na malapit na siyang makuha ng iba ay agad lumakas ang aking loob. Halos hindi nga siya makapaniwala na ako ang kausap niya ng sabihin ko sa kanya na.."Pwede ba kitang ligawan?"
Sa aking personal na opinyon, madaling mapawi ang hiyang nararamdaman sa oras na ipakita ng kausap mo ang pagtanggap sa sinabi o ginawa mo. Dito kasi tataas ang iyong kumpyansa sa sarili at mararamdaman mo na tama ang ginawa mo at wala ka nga dapat ikahiya.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa tuwing naiisip ko ang mapait na nagyari sa picture ko. Siguro ay dahil hindi ko alam ang naging reaksyon ng mga nakakita dito. Paano ko ba mararamdaman ang acceptance sa ganitong sitwasyon? Dapat ay maging kumpyansa ako at mawala ang iniisip na hiya. Kailangan ko ang tulong ninyo!
Sa sino mang napadaan sa PRC ng mga panahon na naka post ang picture ko, bukas ang aking blog para sa inyong comments at suggestions. I-post lamang ang inyong nararamdaman at reaksyon. Bawal ang comment na mukha akong artista at hindi nalalayo ang hitsura namin ni Sam Milby. Madalas ko na kasing naririnig ang ganitong komento. Puro magaganda lang at kapuri-puri ang tatanggapin ko. Ito ang pagbabasihan ko kung dapat ba akong mahiya sa nangyari o hinde.
22 comments:
To the owner of this blog, how far youve come?You were a great blogger.
Thanks to the blog owner. What a blog! nice idea.
Bad trip! spam agad ang unang comments..hehehehe
wow, my SPAM! seriously?? it means you are famous kase ur site is being hacked? charot!
E hindi naman niya binasa post ko. Wala naman konek ang comment...=)
=) d same tayo ng comment sa mga nakikitang naka post na picture sa mga windows gaya ng sa PRC. =) sana ay di mangyari sa akin ang naging karanasan mo.mgbabagong buhay na ako! hehehe! sana ay 2 ang pix na nalaglag sa yo pra sa akin yung isa. hehe!
Sabi ko na nga ba anonymous may pagnanasa ka sa akin. Pangit pa ako dyan sa picture na yan kasi kakagising ko lang. Kung gusto mo makakuha ng libre picture ko ay hindi mo na kailangan magpunta sa PRC para mamulot.
Itype lang ang:
gwapomolloyd(space)pangalan(space)address(space)age
at i-send sa 222.
Maghintay ng reply. 500 pesos ang bawat text at diretso sa bank account ko. Magmadali! limited offer lamang ito para sa inyo!upply last!
ganda ng kuha mo bi sa picture na to ah... =) naexpose pa tuloy ang pagiging shy mo! kaya pla tagal ko initay ang post mo abt. dito e pinaghandaan mo ng mabuti...
hanga na talaga ko... dami mo na fans! for sure e madami nga ang pila during that time, hehe!
to anonymous, sana ay makakuha ka ng copy ng picture nya, ako na nagpapatunay mahirap tlaga magkakopya, mabilis maubos...
bi, hinde ito yung blog na pinaghandaan ko..busy lang talaga ng sobra ngayon. Mabuti namn at nakilala mo ko sa picture..kasi I'm not at my best ng kinunan yan..=) lab yu bi...
i know, yan ang looks mo pag bagong gising... =) ilove you too!
Hawig mol pala si Piolo Pascual.
i shud comment pla abt sa entry, not the spam. nweis, SIKAT ka! gusto ko din mapost picture ko, but in a good way. hehe
aha, ano kaya tong pnghahandaan mong blog?
Sir lloyd, sa post mong ito, title palang, parang ayaw ko na basahin...parang lokohan na agad. hehehe. Just kidding.
Ang masasabi ko lang..
Anong swerte ng mag tao na nakita ka na ng personal!
Anne, hindi ka ba nanonood ng MAGING SINO KA MAN? si John Lloyd ang kamukha ko!
Chyng,abangan ang bago kong mundo na hindi bilog!
Jamie, tama ka iilan lang kayong pinagpala. At walang pwedeng kumopya sa akin. Hinde tulad ng credit card mo na maraming pirata!
Ha ha hah... walang tigil sa katatawa... yan ang itsura ko habang binabasa ang blog mo... lakas din pala ng loob mo sir... sana di mo na tinapan yung mata mo sa picture.... NAKSSS...
DAVE
astig ka talaga sir lloyd, hindi ka na maabot... buti at kahit pano may gwapo pa rin sa hicap... hehe...
ikaw pala yung pinag-uusapan dito sa opisina namin tungkol don sa ID na nakapaskil sa PRC... ayaw nilang maniwala na kakilala kita, papapirma sana eh...
Lloyd alam kong magaling kang manunulat at fiction ang favorite kong topic. Pero sa pagkakataong maniniwala akong isang autobiography ito. Bakit ko alam? Tinawagan kse nila ako kung pwede gamitin pic ko but I said no. Tpos bnigay ko pangalan mo. Hehe. Seriously, iba ka talga. Ang masasabi ko, "vroom vroom". Kita kita tayo uli. Malapit na bday mo e :9
Dave, belated ha. :9
Hi kuya,, Bago lang ako sa blog mo.. pero idol na kita.. asteeg... ",)
ha!? may nakababata ka pang kapatid bi? hehe! joke lang po... padami talaga ng padami ang bumibisita sa blog mo... congrats and keep up the good work! i love you so much! miss na kita.. see you on weekends...
Dave,
Sa takdang panahon, hindi pa ko handang humarap sa mundo ng ganyan hitsura ko.
Sir Edong,
Oo nga, ako nalang ang natitirang gwapo dito, matapos nyo akong iwan..hehehe.
Jeric,
Hehehe..malapit na ang birthday natin at hindi secret yun tulad ng kay chyng. Oo, dapat na magkita na tayo ulit..libre mo ko sa birthday mo..
Anonymous,
Minsan duda na ko kung sino ka!Baka isa ka sa binabayaran ko para mag comment. Antay mo nalang ang G-cash na isend ko para sa full payment. Mahusay kang mag trabaho!
Bi,
Lab kita at miss na kita.
This blog never fails to make me smile and laugh. Miski sa comment, naloloka ako sa mga banat mo. Award winning!
uy..hindi po ako tumatanggap ng cash..haha.. basta kuya damihan mo pa Blogs natin para masaya.. (n_n)
Post a Comment