Jul 7, 2008

Ang Dalawang Babae sa Buhay Ko...


Bago ako magkaroon ng kotse ay zero ang skills ko sa pagmamanaho. Hindi ko nga alam kung kung alin sa tatlong pedal ang gas, preno at clutch. Hindi ko rin alam kung para saan ang kambyo at tuwing kelan ito ginagamit. Noong una akong nagpaturo na mag drive ay pina-upo agad ako sa driver seat, matapos kong i-start ang makina ay tinanong ko agad ang nagtuturo sa akin. "Bakit ayaw umandar?" Napakamot ng ulo ang nagtuturo sa kin, pinatayo ako at siya ang pumwesto sa driver seat. Noon ko pa lang nalaman na hindi pala ang susi ang nagpapatakbo sa sasakyan tulad ng toy car ko noong grade 1.


Dalawang linggo ang nakalipas at unti-unti ko ng natutunan ang basic ng driving. Noon Sabado ay naglakas loob akong mag drive mula Laguna hanggang Bulacan. Sa totoo lang ay urong ang - - - - ko habang iniisip ang layo ng tatahakin ko. Sa tuwing maiisip ko ang harurot ng mga bus sa edsa ay parang gusto ko ng himatayin sa kaba. Sabado ng madaling araw ang pinili kong pagkakataon para subukin ang aking bagong skills. Iyon din kasi ang araw na babalik ang nanay ko sa Bulacan matapos siyang bumisita sa amin ng halos isang buwan. Gabi pa lang ay sinabi ko na sa kanya ang aking plano, pero ayaw niyang pumayag na sumakay sa akin. Mag-isa nalang daw ako at siya ay mag-bubus na lang. Pero ng sinabi kong tumaas na naman ang pamasahe sa bus ay mabilis ko siyang napapayag.


Alas kwatro ng madaling araw ay handa na ako. Isa-isa ko ng isinakay ang mga dalang gamit at sinimulan ng i-start ang makina. Nang buksan ko ang pinto sa harap ay tumanggi agad ang nanay ko. Ayaw daw niyang sa harap ma-upo dahil baka lalo siyang nerbyusin. Kaya naman pumayag na ako na sa likuran siya. Hindi pa kami nakaka-abante ay natanaw ko na mula sa salamin sa harap ko ang reaksyon niya. Tatlong beses siyang nag krus habang hawak ang isang rosaryo. Lalo tuloy akong kinabahan dahil parang "matter of life and death" na talaga ang sitwasyon. Pero hindi ako nagpahalata, at pumorma na mukhang sampung taon ng driver ng pampasaherong jeep.


Nang makalabas kami ng gate ng subdivision ay napansin kong kaunting nakahinga ang nanay ko. Nang nasa hi-way na kami ay ginulat ako ng mistulang party ng mga kargo truck na nag jajaming sa gitna ng hi-way. Mabilis ang pangangatog ng tuhod ko sa bawat preno na sinasabayan ko pa ng hand break para siguradong hinto! Hindi nagtagal ay maluwalhati kaming nakarating sa expressway. Dito lalong tumindi ang kaba sa nanay ko, at dito rin ako napilitan ng humingi ng saklolo. Hinawakan ko na ang rosaryong nakasabit sa harap ko at nag krus narin. Nang makita ito ng nanay ko ay biglang nabasag ang kanyang pagiging tahimik.


Nanay: "Dapat pala may isa ka pang rosaryo, ipulupot mo dyan sa kambyo."

Lloyd: "Nay apatin mo na."

Nanay: Para saan yung tatlo pa?

Lloyd: Puluputan narin natin yung bawat pedal.


Mukhang lalong kinabahan ang nanay ko sa sinabi ko.


Sa wakas, nakauwi parin kami ng Bulacan ng safe!


Ang akala ko ay doon na nagtatapos ang matinding challenge sa akin. Kahapon ay naimbitahan kami ni Grace sa isang piyestahan sa Bocaue, Bulacan. Sa mga hindi nakaka-alala, sa Bocaue, Bulacan naganap ang Pagoda Tragedy noon July 2, 1993. Kung saan naglalayag sila ng malaking bangka para iprusisyon tulad ng nakaugalian. Hanggang isang trahedya ang naganap ng lumobog ang pagoda at kulang-kulang tatlong daan katao ang nasawi. Morbid agad ang intro ng kwento ko pero hindi naman ganito ka-tragic ang karanasan ko.


Mabilis ang byahe papuntang Bocaue, halos wala ngang aberya hanggang sa marating namin ang lugar. Nasa bungad lang ang bahay na pupuntahan namin pero ng paliko na ako ay hinarang ako ng tanod. One-way raw ang daan para gumanda ang daloy ng trapiko. Kung gusto raw namin pumasok sa looban ay kailangan naming umikot. Nang tinanong ko ang tanod kung malapit lang ang iikutan ay agad itong sumang-ayon. Kaya naman napapayag agad ako.


Una kaming lumiko sa isang maliit na eskenita, bagamat masikip ay wala naman gaanong sagabal sa daan. Sumunod ay isang masmaliit pang eskenita na hindi pwedeng magsabay ang magkasalubong na sasakyan. Dito na nagsimulang maglabasan ang butil-butil kong pawis. Nasundan pa ito ng pagpasok namin sa tabi ng ilog kung saan kasalukuyang idinadaos ang Pagoda. Parang pista sa Quiapo ang daan. Bukod sa mga nakaparadang sasakyan ay puno pa ng tao ang paligid. Kasabay pa nito ang salubungan ng sasakyan na lumalabas sa ibat-ibang eskenita. Sa tuwing mapapatingin ako kay Grace at halatang mas kabado siya. Bawat abante ko ay parang laging may kasunod na peligro. Kahit bumubusina ako ay parang walang naririnig ang mga taong nakatambay. Sa tuwing may makakasalubong na sasakyan ay gumigilid ako na halos kalahating dangkal na lang ang layo ko sa ilog na noon ay high tide pa. Makapigil hininga ang mga sumunod pang pangyayari. Parang gusto ko ng ayain si Grace na iwan na ang kotse at maglakad na lang. Pero dahil hindi pa ito bayad ay hindi ko magawa ang naunang plano.


Pilit na lang pinalakas ni Grace ang loob ko, sa pamamagitan ng ngiti at paminsan-minsang paghaplos sa aking kamay. Ito ay sa kabila ng takot na noon ay alam kong mas lubos niyang nadarama.

Nang makalabas kami sa lugar ng ligtas ay doon pa lang kami nakahinga ng maluwag. Paglabas ko sa kotse ay wala nang lakas ang mga tuhod ko na noon ay nanlalambot pa. Doon ko lang din naramdaman ang uhaw at gutom, kaya naman pag dating sa hapag ng piyestahan ay kumain kami ni Grace na parang tatlong buwan na naiwan sa disyerto ng walang tubig at pagkain.


Ngayon ay binabalikan ko ang bawat panganib na sinagupa ko noong sabado at linggo. Sa pagiging baguhan ko sa pagmamaneho ay malamang na trahedya talaga ang muntik ko ng hinarap. Pero dahil sa dalawang babae na naging lakas ko para ituloy ang pag-usad sa kabila ng takot at kaba, ay maluwalhati kong narating ang patutunguan. Sila ang dalawang pinaka-importanteng babae sa buhay ko. Ang dalawang babae na hinuhugutan ko ng lakas ng loob sa panahon na nawawalan ako ng pag-asa. Mula sa kanilang kalinga, suporta at pagmamahal na lagi kong nararamdaman. Kaya sa susunod na mabingit muli ako sa kahit anong kapahamakan. Lagi kong maiisipin ang nanay ko na may hawak na rosaryo at pinagdarasal ang kaligtasan ko. At si Grace na nakangiti habang hinahaplos ang aking kamay ng kanyang pagmamahal.

21 comments:

enrico said...

Naluha ako sa entry na ito dahil isa akong dakilang mama's boy at may babaeng humahaplos din ng kmay ko pag natatakot ako. Congrats Lloyd isa ka nang ganap drayber. Hehe. Ngayon ay masasabi ko nang isa ka ngang sweet lover :9

Chyng said...
This comment has been removed by the author.
Chyng said...

Ganian tlga mga bayan sa Bulacan, ansisikip. At totoo ung high tide! My oras ang byahe dahil jan.

Mag-ingat ka lagi sa pgddrive sir Lloyd! Wag titingin-tingin sa labas. joke! Tuloy na nten lakad naten. Pasakay kme sa kotse mo ah.(--,)

@jeric,
Kaya mo ba mgdrive na hawak ng isang kamay mo ang manibela at hawak ang kamay ko on your other hand? dats hard! hehe

Roninkotwo said...

Jeric, iba talaga ang haplos ng dalawang babaeng yan sa buhay ko. Oo tama meron na nga rin humahaplos ng kamay mo..naalala ko nga na pati sa pagkain ay holding hands pa..

Chyng, salamat...wag mag-alala diretso ang tingin ko..at paminsan-minsan ay sa babae sa kanan ko...
Sige, tuloy tayo..kung handa na kayo sumakay sa akin..hehehe..

Ano jeric? Kaya mo yun?

enrico said...

Uu nman, lalo na siguro pag gamit namin yung skateboard ok. Hehe :9

Anonymous said...

Ayus Bossing.. hehe marunong ka ng magdrive..
pwede ka ng tawaging sweet lover kasi driver ka na.. haha
Ganda ng Blog.. Nice one.. hehe

Roninkotwo said...

Jeric,lupet mo talaga..kahit skateboard kaya pa rin..hahaha..

dennis..salamat sa laging pagsubaybay.

Anonymous said...

Ano po yung umurong habang iniisip nyo ang layo ng tatahakin nyo? hehehehe..astig!

Anonymous said...

nagflash back lahat sa akin ang eksena nung araw na yun habang binabasa ko yung entry mo na to... hehe! papunta pa lang to, di p kasama yung pauwi at pabalik natin ng laguna... =)bsta bi, alam mo naman lagi ko sinasabi sa yo, lahat ng naeexperience mo ang hahasa s pagdrive mo... sana malapit mo na ko maturuan. ;)

mmm, naexpose pa ang likod ko sa napili mong pix... kaw talaga...

jeric & chyng,
cge, tuloy natin lakad natin (basta ready na kayo s pagdrive ni lloyd)

Roninkotwo said...

anonymous..dila ang umurong sakin..madumi ang isip mo! For general audience ang blog ko.

Bi, sa akin din nag pa-flash back ang mga pangyayari tuwing nakakakita ko ng ilog..hehehe Sinadya kong likod lang ang ipakita dahil baka ma star struck ang mga mambabasa pag nakitang kamukha mo si Bea Alonzo.

Anonymous said...

Hi po. Sobrang inlove po ako sa blog nyo..=)

Roninkotwo said...

Hanna, salamat..pero may GF na ang blog ko..=)

Anonymous said...

Ok lang po yun...

catherine said...

hi engr,
ako, ready na. di ako natatakot sumakay =)

Roninkotwo said...

Sure Dra, sigurado yan pag uwi mo papasyal ka namin ni Grace..=)

Chyng said...

hi!
kelangan ka tlga namen imeet kaso lang ang hectic tlga ng sked (ko). dame na nga yta ngtatampo dahil restricted lang ang private appearances namen ngaun. parang celebrities lang. haha

di pwede dis week, ayus-ayusan muna ng passport. how about nxt? sana free kame! (ang gulo ko, pacencia)

salamat sa pgbisita sa blogs namen!

dean said...

natuwa ako dahil tawag mo at pedal... parang bike lang. ;)

Roninkotwo said...

Dean, salamat sa pagdaan at sa iyong pagkatuwa.. pero pedal talaga ang tagalog o english na tawag doon..=)

"A pedal is a lever activated by one's foot. Examples include:

Automobile pedal
Bicycle pedal
Pedalo
Piano pedals
Pedal keyboard
etc.

Ayan, napa ingles tuloy ako...salamat!

Anonymous said...

cool entry! mapapatingin ka talaga sa title e, 2 babae? paano yun. but the post was very sweet. congrats on having 2 remarkable women in your life ;-)

Roninkotwo said...

Hi Caryn..Salamat sa pagdaan.
Hmmm..kelan ka ulit mag paparaffle, hindi kasi ako nakasali(sayang). Naalala ko lang na nakapag drop na ko sa site mo minsan. Hindi lang nakapag-iwan ng comment..=)

Anonymous said...

hehehe, parang nakakatakot nga magdrive sa EDSA XD.... grabe ang mga bus...

Wahh, isa pa lang ang babae sa buhay ko T___T wala pang "humahaplos sa aknig kamay ng may pagmamahal" XD....

Nice post! Have a safe trip always ^_^