Ilang linggo na lang at isang taon na ang "Bakit Bilog Ang Mundo?" (BBAM) mula ng una itong suma himpapawid sa mundo ng blog. Aksidente ang pagsilang ng "Bakit Bilog Ang Mundo?"(BBAM). Wala sa plano, kung baga sa tao, unwanted pregnancy. Kaya naman noong una pa ay inisip ko na itong i-abort dahil sa takot na baka hindi ito matanggap ng lipunan. Pero dahil sa konsensya at awa ay pinangatawanan ko na, at inako na ang pagiging ama at ina ng "Bakit Bilog ang Mundo?" (BBAM).
Malakas ang buhos ng ulan sa labas. Sa loob naman ng opisina ay tahimik at abala ang lahat na nakatutok sa kani-kanilang mga computer. Ang iba ay umiikot ang mata sa dami ng kailangan tapusin na trabaho, pero ang ilan naman ay umiikot ang pwet sa inip habang seryosong nagpapanggap na maraming ginagawa. Kabilang ako sa nagpapanggap noong araw na iyon. Kakabalik ko lang kasi mula sa isang mahabang training at wala pa halos nakalinyang trabaho para sa akin.(excuses!)
Pinilit kong maghanap ng mapagkaka-abalahan. Hanggang sa mapapadpad ako sa mundo ng mga blogista. Dito ko nakilala ang mga tinuturing kong ninong at ninang ng "Bakit Bilog ang Mundo?" (BBAM). Sila kasi ang nagbukas ng aking dati'y tulog na imahinasyon at bumuhay sa naghihingalong panaginip. Sa pamamagitan ng blog na ito ay gusto kong kilalanin, pasalamatan at pulaan ang bawat isa sa kanila. Sana lang ay walang magalit..(lunok!)
Para walang selosan ay ni-raffle ko ang pagkaka-sunod sunod ng bawat isa. Hindi ito naayon sa pinaka peyborit ko, kundi naayon sa swerte.
Si Pukaykay at ang kanyang corner ang nagturo kay BBAM na gawing kapana-panabik ang bawat araw na nagdadaan. Mapa ito man ay kasiyahan, kalungkutan, pagkainis o pagkagalit. Ang pagbukas ng isip sa pinaka simplemg emosyon mula mga tao, bagay, pagkain,o lugar, hanggang sa pinakamalalim na emosyon na dulot ng pag-ibig. Inis lang si BBAM sa blog ni Pukaykay sa tuwing may shino-showcase na itong magandang lugar, naiinggit kasi si BBAM at gusto rin pumunta sa mga lugar na iyon. Pero dahil hikahos ay hindi siya makagaya. Ayaw naman siya isponsoran ni Pukaykay. (hmpf!)
Blog Award: Best Stories
Si Sir Edong at ang kanyang inversetutuldok ang isa sa mga blog na unang naging tambayan ni BBAM. Lingid sa kaalaman ni Sir Edong na noong iisang kumpanya pa ang pinapasukan namin ay nagbuo ako ng fans club para sa kanya. Sa tuwing may bagong entry siya sa kanyang blog ay palihim akong sumusulyap sa kanyang kina-uupuan at lubos na ipinapakita ang paghanga sa pamamagitan ng "hanga tingin" (parang ligaw tingin). May mga pagkakataon pa nga na gusto ko nang buhatin ang monitor ng PC ko para mag pa authograph sa kanya, pero hindi ko ito nagawa. Isa sa mga naging unang post ko sa BBAM ay ang "Sleepless in the shuttle". Pero laking gulat ko ng minsan magdiskubre ko na ang buk one ng inversetutuldok na inversetuldok ,ay may ganitong entry din at kaparehong title. Kakasuhan ko na sana ng panggagaya si Sir Edong, hanggang malaman ko na nauna pala siya na ipost iyon bago ako. Hmmm..coincidence? o soulmate? (tama na, bading na bading na ang dating ko..hehehe)
Blog Award: Best Original Stories
Si Unkyel Batjay at ang kanyang mga kwentong tambay ay hindi personal na kakilala ni BBAM. Hindi siya kapatid ng nanay o tatay nito. Nakiki Unkyel lang dahil ito ang madalas na tawag sa kanya ng kanyang mga die hard fans. Sa kwentong tambay natuto si BBAM maging pilyo at maging bulgar kung minsan. Bagamat may haplos ng pagka manyak ang ilan sa mga entry ni Unkel Betjay ay sigurado namang isa ito sa araw-araw na nagpapangiti ng umaga ko. Sa mga batang taga-subaybay, for adults only ang blog ni Unkyel Batjay, bili nalang kayo ng libro nya dahil wholesome daw iyon. Harinawa...
Blog Award: Best Actor in an OFW role
Si Bro. Bo Sanchez at ang kanyang practical soulfood for sucessful people. Dati pa man ay idol ko na si Bro. Bo, mula noong una ko siyang makilala sa kanyang community na Kerygma, hanggang sa nainlove ako sa kanyang mga libro at isa na dito ang librong sinulat niya na "How to find your one true love" Yihiiii..nakakakilig..Pero, noong madiskubre ko ang kanyang blog ay naging suki ako sa pagtambay dito. Sa blog ni Bro. Bo natuto si BBAM na huminto, tumahimik, magnilay upang maramdaman ang kapangyarihan at biyayang galing sa taas.
Si Bro. Bo Sanchez at ang kanyang practical soulfood for sucessful people. Dati pa man ay idol ko na si Bro. Bo, mula noong una ko siyang makilala sa kanyang community na Kerygma, hanggang sa nainlove ako sa kanyang mga libro at isa na dito ang librong sinulat niya na "How to find your one true love" Yihiiii..nakakakilig..Pero, noong madiskubre ko ang kanyang blog ay naging suki ako sa pagtambay dito. Sa blog ni Bro. Bo natuto si BBAM na huminto, tumahimik, magnilay upang maramdaman ang kapangyarihan at biyayang galing sa taas.
Blog award: Best Picture
Jessica Zafra at ang kanyang rule of the universe. Noong una kong binasa ang ilang post ni Jessica Zafra ay tumulo ang dugo sa ilong at tenga ko, na nasundan pa ng pagsusuka, pananakit ng katawan at pamamaga. Ito ang epekto sa akin ng pagbabasa ng ingles. Pero dahil sa pangarap kong maging kabilang sa mga "may class" ay naging hubby ko rin basahin ito. Dito natuto si BBAM na maka relate sa mga librong sinulat nila Christopher Ciccones, John Le' Carre, John Burdett at Tim Willocks, kahit hindi naman niya ito nababasa.
Blog Award: Best in English
Si Kaye at ang kanyang KCtalk. Kung may isang taong naging kaibigan ko mula noong tumutulo pa uhog ko hanggang ngayon na nag titissue na ako ay si Dra Kaye yun. Hindi pa pinapanganak si BBAM ay masugid na akong taga basa ng blog niya. Ang blog na nagpaparamdam kay BBAM na humarap sa bawat pagsubok at tagumpay. Bilib si BBAM sa determinasyon, talino at tiyaga ni Dra, kaya naman pinagdadasal niya ang tagumpay nito. Hindi lang makarelate si BBAM kung sino si Donald Duck sa buhay niya, ayaw parin kasi i-share ni Dra ang love life niya. Hindi bale, may pangako siyang pagbalik niya ng pinas.
Blog Award: Best things in life
Si Chyng at ang kanyang No Spam, No Virus, No Kiddin!. Naunang pinanganak si BBAM sa blog ni Chyng. Pero malaking bahagi si Chyng ng buhay ni BBAM. Kay Chyng nagkaron ng lakas ng loob si BBAM na ituloy ang nasimulan. Na pressure si BBAM sa tuwing naghahanap si Chying ng bagong post. Dahil si Chyng at si Grace lang ang reader ni BBAM noon ay inispoiled ni BBAM si Chyng. Lahat ng hiling ay pinagbigyan para lang wag bumitiw. Ngayon ay may sarili ng blog si Chyng, at tinuturing ito ni BBAM na kanyang naka-babatang kapatid. Sa blog ni Chyng natuto si BBAM i-enjoy ang buhay kahit sa pinakamaliit na pangyayarai. Maging simple at may solusyon ang lahat kahit gaano ka liit o kakomplikado ang buhay. Dalawang paracetamol lang naman ang katapat sa tuwing tungkol sa virus at software ang topic ni Chyng. Hanggang ngayon kasi ay abacus parin ang level ng utak ni BBAM pag dating sa computer.
Blog Award: Best in Problem Solving & any virus related problem!
ATBP. Marami pang mga blog na naging inspirasyon si BBAM. Bagamat hindi ko na kayang banggitin lahat ay naging bahagi sila ng buhay nito. Lahat ng mga dumaan sa site niya na nag iwan ng makabagbag damdaming comments, nang-away, nag-inis at nag spam, ay naging bahagi ng isang taong kaarawan ni BBAM.
Isang taos pusong pasasalamat sa inyong lahat.
Lahat kayo ay naging bahagi ng saya, excitement, lungkot at pag-ibig ni BBAM.
Unedited version:
Si Enrico Paclibares at ang kanyang pakikipagsapalaran. Bagamat bagito sa pag-boblog ay nakitaan agad ni BBAM ng potensyal si Enrico na maging isang dalubhasang blogista ng mga lasalista. Napa-bilib agad ni Enrico si BBAM sa kanyang mga idea at dito lumabas ang dugo ng pagiging artist niya. Naging sandata ni Enrico ang kanyang mga karanasan, katuwaan at kahihiyan (pati ng ibang tao) upang bigyan ng aral ang mundo ni BBAM. Natural na nakakatawa si Enrico kahit na sabihin niyang hindi siya nagpapatawa. Ang resulta, napagkakamalan siyang corny!.
Blog Award: Best Comedian in a Serious Role
Ang edited na version na ito ay unang isinama ni BBAM sa kanyang mga list of hall of famers o blogger idol niya. Pero dahil hindi kaila sa marami na best friend ni BBAM si Enrico ay minabuti nalang niyang huwag isama. Baka kasi mahaluan ng politika ang entry niya at sabihin na may pinapanigan siya.
Muli, ang entry na ito ay binuo ng walang kinikilingan,walang pinapanigan at walang kai-kaibigan!
20 comments:
congratulations sa first year anniv ng blog mo! =) masyado ako nalilibang, natutuwa,naiinspire at lalong naiin-love sa iyo sa mga entries mo... =) dito rin sa blog mo nadidskubre ko ang ilang mga bagay na di ko p alam about you (mmmm...)
muli, congrats at nawa'y marami ka pang maishare sa amin... =)
idol...!
ang dahilan kung bakit ako may blog ngaun ay DAHIL SAYO! for the record, si BBAM ang pinakaunang blog na nabasa at sinubaybayan ko. tama ka, effective na pampatay ng oras to sa mga gaya nateng petix sa work.
isa ka din sa paboritong kong blogger! iba yung hirit, plain lang pero funny. sana matutunan ko din yun. enrico and i agree na mas sweet ka kesa sa knia. hehe
haberdey sayong blog. idol kita! (--,)
oh btw, mukhang gusto ko din bisitahin ang mga ni-link mong blogs dito (lalo na yung kay Unkyel Batjay!)
Oh my! Lloyd, sa di inasahang pangyayari, napadpad din ako sa site ni Unkyel Batjay. Pinakagusto ko yung entry niya about simplifying life.
Happy Birthday to BBAM! :9
(Kelangan ko na talga mag-comment. Later ang Mahaba-habang comment. Tulog muna. Sorry Chyng, ndi ko talga mpigilan mag-blog. Hehe)
aha! sabe mo matutulog kna?! (--,)
hi engr, nagulat talaga ako sa entry mo. medyo may hang-over pa ako ngayon. hehehe. keep up the good work! pwede ka ng ihanay sa mga best Filipino writers ( true! )
bi, everyday din ay naiinlab ako lalo sayo. Madami pa ko irereveal sayo, like magaling ako kumanta at sumayaw..nakita mo na ba yun? =) mahal kita...
Chyng, maraming salamat, isa ka sa original reader ng blog na ito, dapat nga ay sa hall of fame kita ilalagay..=) Sige, visit mo link ni Unkyel Batjay at sure hit sya..
Enrico, sabi ng matulog na pag pinapatulog! Salamat, at may blog ka narin na-uupdate ako sa mga pangyayari sa buhay mo.
Dra, masyado naman ako na natuwa sa sinabi mo..pero masaya na ko na maihanay sa pinaka cute na blogger sa buong mundo..=) salamat at hihintayin ko parin ang muli nating pagkikita..
Idol, sisimulan ko narin mag blog. Nakaka inspire ang mga kwento mo. Mabuhay ka!
di mo na dapat ireveal ang galing mo sa pagkanta at pagsayaw bi dahil kabisado ko na yun mga steps mo at fav. mong songs... =) i agree sa sinabi ni dra kaye, sayang at di nalathala ang nobela na ginawa mo noon...talentado k talaga at proud ako sa iyo! lab you bi!
Happy Bearthday!
Certified nakaka-adik na blog!
sir lloyd,
kakaunti lang ang award na natanggap ko sa buong buhay ko pero sa tingin ko, isa ito sa pinakamahalaga para sa akin.
marahil dahil galing ito sa isang kapita-pitagang engineer na lubos kong hinahangaan. sayang, kung nalaman ko lang na dati ka pang nagsusulat, eh di sana nakipagpalitan ako ng kwento sa iyo...
balang araw sir, makakabawi din ako sa lahat ng papuring sinabi mo... paghahandaan ko ang araw ng ating muling pagkikita...
salamat ng marami, kaibigan!
Sir Edong,
Muli, maraming salamat.
Sana nga ay magkaroon ng pagkakataon na magkita tayo ulit.
Heyheyhey.. Happy Bday BBAM!
Salamat at binabasa mo parin ang blog ko. kala ko sobrang busy ka na bossing eh. hehhee
Sobrang nakakalibang tong posts mo..as in!
=)
Pukaykay, Isa ang blog mo sa araw-araw na hindi ko pinapalampas..
Kamusta na ang hongkong?!=)
Sa aking pangungulila sa gitnang silangan, na puro buhangin ang kapiling.. ang BBAM ang pumawi ng lungkot ko. Madalas man akong mapagkamalan na nasisiraan dahil sa pagtawa ng malakas sa gitna ng katahimikan, ok lang. :D
Fan na rin ang mga kapatid ko ng blog mo.. Mapa-Gitnang Silangan, Asia, Estados Unidos at Australia. No. 1 ang blog mo. Keep it up!
Ate Marian, salamat! Ipapadala ko nalang diyan ang komisyon mo sakay ng camel. Kelan ka ba uwi? miss ka na namin.
nakikibati po ng HAPPY BIRTHDAY!!! ... sana makadalaw kasa blog ko at palitan tau ng links?
Naku pow! sa Bagal ng mga camel, mukhang ten million years bago makarating ang commission.
Intayin mo nalang ako sir, mas maganda kung personal ko matatanggap.. hehehe!
Lapit na pow! I will let you know.. dont worry!
So ready ka na ha.. pasakay sa kotse mo! hehehe!
See yah all very soon!
hahaha
oo nga ako rin nag-nosebleed nang basahin ko ang blog ni jessica zafra hahaha eh kasi naman idol ko siya nuon sa kanyang mga pamatay na kuro -kuro sa POINTS OF VIEW sa 23..haha antagal na nun kaya naman pati blog niya binabasa ko...pero hanggang ngayon...may tumutulo pa rin sa ilog ko...pero hindi na dugo...uhog nalang hahahaha
nice blog!
Making money on the internet is easy in the underground world of [URL=http://www.www.blackhatmoneymaker.com]blackhat team[/URL], It's not a big surprise if you have no clue about blackhat marketing. Blackhat marketing uses not-so-popular or not-so-known ways to produce an income online.
Like to date online? Try CHUZI.PH!!!
Post a Comment