Habang abala ako sa pagbasa ng 200 unread mails, ay isang pamilyar na pangalan na may kakaibang subject ang pumukaw sa aking atensyon. Isang itong imbitasyon na mag apply bilang isang mystery shopper. Dahil sa 74.1416 lang ang IQ ko, ay hindi ko agad naintindihan ang laman ng e-mail. Matapos kong basahin ng lima at kalahating beses ay minabuti ko ng komunsulta sa nag send nito.
Ang mystery shopper ay maihahalintulad sa isang secret agent (maririnig ang instrumental sa pelikulang James Bond). Para maging isang full pledge na mystery shopper ay kinakailangan mo lang marehistro sa kanilang database at magtaglay ng sampung kwalipikasyon na:
1. Gwapo
2. Cute
3. Humble
4. Mabait
5. Artistahin (Varsatile actor/actress)
6. Willing kumain ng Pizza ano mang oras
7. Willing Kumain ng chicken sa ano mang panahon.
8. Marunong magbilang ng one to ten at ten to one.
9. Madalas mag CR
10. Kayang kumain ng isang Family Size Pizza at labing dalawang pirasong chicken sa loob ng kalahating oras.
Kapag taglay mo ang lahat ng ito ay agad kang mare-register bilang isang opisyal na mystery shopper at mabibigyan agad ng task.
Isang project coordinator na ka boses ni big brother ang agad ko-contact sayo para ibigay ang task sa bawat araw. Sa kanya mangagaling ang lokasyon ng restaurant na kailangan mong puntahan. Siya rin ang magsasabi kung dine-in,carry-out o special delivery ang assignment mo. Sasabihin niya kung anong oras mo dapat magawa ang task at ang importante sa lahat, kung ano ang kailangan mong orderen. Lahat ng ito ay kailangan mong gawin ayon sa detalye.
Kapag naibigay na ang task, kailangan mong magpanggap na isang ordinaryong customer. Hirap ako sa task na ito dahil artista talaga ang tingin sa akin ng bawat puntahan ko kahit na hindi ako maligo at mag suklay. Pero dahil sa versatile actor naman ako ay nakakalusot din. Pagpasok pa lang sa restaurant kakailanganin mo na ang skills sa pagbilang. Importanteng mabilang mo ang bawat segundong magaganap. Mabilis ang bawat pangyayari kaya dapat ay alisto at handa. Mula sa pagbukas ng pinto ay kailangan mong bilangin kung ilang segundo bago ka batiin ng kahit sinong staff. Ilang segundo bago ka makaupo sa tamang lugar, ilang segundo bago kunin ang order mo, ilang segundo bago dumating ang order mo, at ilang segundo bago mo maubos ang isang family size pizza ng hindi humihinga.
Importante rin na matitigan mo ang staff na kukuha ng order mo. Alamin ang pangalan, edad, kulay ng buhok sa ilong at kili-kili, favorite color, what is your motto?, define love at who is your crush?. Kailangan mong maging madiskarte sa pagkuha ng mga impormasyon na hindi mahahalata ng kaharap na mystery shopper ka o bading ka kung lalaki ka at lalaki sya.
Kapag natapos mo na ang task ay agad kang maghanap ng internet cafe para i-log ang resulta ng assignment mo. Tuwing ika 15 at 30 ng buwan ay ibabalik sayo ang halaga ng nagastos mo na may kasamang isang bilaong sumang hubad bilang token o pasasalamat sa pagkumpleto ng task. Matatangap ang kabayaran thru G-Cash, Smart Money, BDO, pasaload o sa pinaka malapit na bumbay sa inyong lugar.
Halos isang buwan na ang nakalipas mula ng una ma-isakatuparan ang una kong task. At ito ay nasundan pa linggo-linggo. Laking tipid, dahil sa tuwing ida-date ko si Grace ay nare-reinburse ko pa ang ginastos ko. Kinausap ko lang siya na magtiis na lang muna kung mapurga man kami sa pizza at chicken. Buti na lang at maunawain ang asawa ko at hindi siya nagrereklamo kahit nadadalas ang unahan namin sa CR lately.
Matinding bilin ng project coordinator na ka boses ni big brother na walang sino man ang dapat makaalam ng mga bagay na ito. Pero dahil sa ilang linggo na at wala naman interesanteng nangyayari sa buhay ko ay napilitan akong i-blog ito. Kaya nakikiusap ako sa lahat ng makakabasa na kung may mga kapatid o kamag-anak kayo na nag tatrabaho sa restaurant o sa mga fast food ay h'wag ninyong ipagkalat na isa akong mystery shopper a.k.a agent 008 (agent double 0 eight).
Sa mga kaibigan ko naman, h'wag nyo sana ako ipressure na iblow-out kayo, magpapadeliver nalang ako door to door sa bahay n'yo. Sa mga gustong maging mystery shopper, mag comment sa post na ito at sagutin ang tanong na; "Ilang pizza ang kaya mo kainin sa loob ng tatlumpung minuto?" Siguraduhin lang din na taglay mo ang sampung kwalipikasyon na nabanggit ko. Ang maswerteng mapipili ay iraraffle. Hintayin ang resulta ng raffle na ginanap kahapon. Ano pa hininintay nyo? Magmadali!!!
Isang sikreto ng pagkatao ko ang nabunyag. Dala ito ng pagiging boring ng buhay ko lately. At dahil marami ng inip sa bago kong blog ay napilitan akong ikwento ito. Nawa, sa susunod na linggo ay may kapanapanabik na pangyayari na sa buhay ko dahil kung hindi ay baka isunod ko na ang kwento ng pagkatao ko at ang kahulugan ng mga nunal at balat sa buo katawan ko.
12 comments:
Ang tagal mo nawala..
Adik ako sa pizza, pwede ko dyan. Hehehe..
Hi karen,
Hmmmm...cute ka ba?
lloyd, si kuya naging agent 004. nag-proxy nga ako ilang beses sa kanya e. ayus yan a. sa sabado bka pde yan. :9
Oo ayaos talaga...kung gusto mo pwede kita i refer. Pwede ka na pumasa sa cute, kaibigan naman natin yung nag offer sakin..sabihin ko sayo sa sat..san ba tayo?
hehehe!exciting nga ito dahil sa iba't ibang klase ng staff ang mamimeet mo at way ng pag-attend nila sa needs ng customer. di ako magsasawa bi, dahil i love pizza! ;)
miss u bi...i love you!
Bi, nde rin ako magsasawa..kasi i love you!
ah, yun pala yun..
grace,
kahit nde 50% basta discounted- thankful nako din!
naku pow.. di ako pasado... lugi ako sa kainan e.. heheh!
welcome back sa blog world.
may pagkakaabalahan na naman ako habang nangungulila sa gitnang silangan... huhuhu!
uy parekoy mukhang masaya yan..baka naman pwede ako diyan hahaha
exciting! hahaha
1 buwan na di pag-blog.. ano nangyare sir lloyd?
uy, winner gimmick ito ha! ;-) dito sa tokyo, sabi ng ilan ay sobrang strict ang pagiging mystery shopper.
LOL.... hahahha, bagsak ata ako sa qualification XD.... at konti lng kaya kong kainin na pizza XD...
i enjoyed this post :D
Post a Comment