Oct 20, 2008

Mula sa Araw na ito, Hindi na Tayo Kakain sa Labas!

Noong isang buwan ay nagkasakit ang asawa ko. Halos hindi siya makakilos sa sakit ng likod niya at ito ang naging dahilan upang agad akong umuwi sa Bulacan. Kinabukasan ay sinamahan ko siya sa doktor para magpa check-up. Mapatos ma x-ray ay agad napansin ng doktor ang scollosis niya. Pinahiga siya at isa-isang tinest ang mga joints sa paa, likod at balakang na maaring nagpapalala sa sakit niya. Matapos nito ay agad kaming niresetahan ng doktor ng ilang gamot .

Doc: Grace, mukhang kaya lumalala sakit ng likod mo kasi walang masyadong movement sa trabaho mo. Lagi ka lang ba nakaupo?"
Grace: Opo.
Lloyd: (Mukhang guilty).
Doc: Dapat mag excercise ka.
Grace: Nag babadminton po kami. Kaso lately natigil, kasi tinatamad. (Sabay tingin sa akin)
Lloyd: (Lalong nag mukhang guilty).
Doc: Ok, ganito..Importante ang excercise para hindi lumala yung scollosis mo. Pero isa pang dapat n'yong ginagawa ay mag diet. Pag bumibigat ka kasi, mas mahihirapan ka. (Sabay tingin sa akin)
Lloyd: (Nalusaw sa upuan dahil sa guilt).

Masaya ako ng lumabas kami ng ospital. Para kasing nagulangan namin ang duktor na nag check-up sa kanya. Dahil kahit si Grace lang ang niresetahan ay parang patungkol din sa akin ang mga payo niya. Kaya inisip ko na lang na libre ang check-up ko noong araw na iyon.

Sa sasakyan pa lang ay kinumbinse ko na si Grace na sundin ang payo ng doktor niya. Una na dito ang pag eexercise. Pero dahil sa masakit pa ang likod niya ay hindi muna namin ito magagawa (lusot). Pero ang pagbabawas ng pagkain ay hindi dapat palampasin.

Bago namin simulan ang diet na ipaplano namin ay nag karoon muna kami ng brain storming kung ano ba ang dahilan ng paglakas namin sa pagkain. At ang top answer ay ang madalas na pagkain namin sa labas. Tatlo ang masamang epekto sa amin ng madalas na pagkain sa labas. Una, ay ang paglakas kumain dahil sa variety ng mga pwedeng pagpilian sa tuwing sa labas kakain. Pangalawa, ay ang pag laki ng gastos na halos limang ulit ang gastos namin kumpara kung sa bahay lang kami at ako ang magluluto. At ang pangatlo, mas lalo akong nagiging tamad at hindi ko na na papapraktis ang aking talent sa pagluluto.

Dahil dito ay isang mabilis na solusyon ang naisip ko. Mula sa araw na ito ay hindi na tayo kakain sa labas!May conviction ang pagbitiw ko sa batas na ito. Parang si Marcos noong nag pahayag siya ng Martial Law. Pagdating sa bahay ay agad akong pumunta sa kusina para ihanda ang kakainin namin. Si Grace naman ay hinayaan ko na lang muna na magpahinga. Walang gaanong laman ang refrigirator. Meron lang isang tilapia, isang bangus, ilang kamatis at ilang talong. Agad ko naman tinungo ang kabinet at doon ay may ilang delata lang. Tamang-tama, tutal ay pag babawas naman ng pagkain ang goal namin ay minabuti ko ng pagkasyahin kung ano ang meron.

Halos dalawang oras akong naging abala sa kusina. Hindi ko ito namalayan, at nang matapos ay isa-isa kong inihain ang pagsasaluhan namin sa unang araw ng pag da-diet.
Menu 1: Bangus Belly in Tausi and Grilled Tomatoe (Lloyd's Original Recipe)
Menu 2: Eggplant Luncheon Kebab (Specialty of the house)

Menu 3: Bangus with Tofu in Blackbean Souce (Highly Recommended)

Menu4: Sarciadong Tilapia with Chinesse Bagoong (Must Try)


Grace: Kala ko ba diet?
Lloyd: Diet naman yan, nakita mo puro isda at gulay yan.
Grace: Sa bagay.
Lloyd: Bi, kailangan nga pala natin ubusin lahat 'to. Kasi walang kakain. Dalawa lang tayo sa bahay, wala sila nanay.
Grace: (lunok)

13 comments:

Chyng said...

Mula sa araw na ito ay hindi na tayo kakain sa labas!

Title palang nabasa ko, gusto ko na magreact ng "OWS??"

Naku nagkasakit pala si Grace. Galaw galaw lang. Mhalaga tlga mangulit at makipaghabulan sa opis kesa laging nakaupo.

Ako din nagpa-plano na magdiet kasi naman parang jollibee na ang pisngi ko. Pero sabe nga ni Jeric ay ipagpaliban ko daw muna. (lalo pa nung marinig nia yung diet strategies ko)

Nwey, here are my tips, baka gusto nio.
1. Eat less. (Eat lesser rice)
2. When hungry, drink water.
3. When still hungry, PRAY.

Anonymous said...

bi, napaphanga mo talaga ako sa way ng pagkwento mo. =) nalala ko un day n un... MASARAP! (except sa back pain). Mula nun araw n un kasama n sa mga fav ko ang Menu 1 & Menu 2.. d best din ang sauce ng menu 3! kung ganito nga ang fud sa bahay, pwedng di n kumain sa labas. Di lang "very nice and easy" ang prep but ang lasa, WOW, SARAP!

Ur d best bi! i'm so blessed to have you! bukod sa pagiging cute e mabait, loving, caring and masarap p magluto. i miss your spagh bi and i miss you so much! Ilove you bi!

Anonymous said...

Hi Chyng!
maganda rin siguro i add dun sa tips mo e un mind setting... lagi kc ko dun kulang kaya di successful ang diet...hehe! But i'll try "Eat lesser rice"
Thanks Chyng! =)

Roninkotwo said...

Chyng, ang problem ay kung kelan gutom ka saka lalapit ang tukso..lalo pa ngayon na magpapasko..hehehe.

Wag ka na magdiet..hindi ka mataba...

Bi, napaghahalatang asawa kita..sa bagay, sino pa ba ang magtutulungan. Miss na din kita araw-araw...

enrico said...

lloyd, andami nun a, saka mukhang masarap. parang marami pa rin kyo nkain a.

grace, nawa'y nabawasan na ang pananakit ng iyong likod. kulitin mo si lloyd mag badminton uli. o di kaya bili kayo ng cd ng taebo o hip hop abs. para pwede na rin kyo magsayaw sa bahay. hehe.

ako ang motto ko sa pagda diet, "when hungry, still eat but in moderation". hindi solusyon ang hindi pagkain o yung konti na nga kinakain binabawasan pa. kaya tayo nakakaramdam ng gutom kse kailangan ng pagkain ng katawan natin. doon tayo kumukuha ng enerhiya e. pero kung pipigilan pa rin kumain tapos hindi pa normal ang oras ng pahinga, mairekomenda ko na mag dextrose na lang. hindi ka magugutom nun sigurado. kaya lang ospital nga lang mag stay. maraming dahilan ng pagdagdag ng timbang at hindi dapat isisi lahat sa pagkain. gaya nga ng sabi ni doc, mag exercie.

chyng, gaya ng sabi ko sa iyo dati. i have nothing against your diet tips. katawan mo naman ang makakapagsabi kung epektib nga ito e. *wink* *wink*

Anonymous said...

mga kuya at ate sumasakit din po ang likod ko nagsimula lang 'to nung nagOT ako sa work ang shift ko 3:00PM-4:00AM ayun paguwi ko masakit na siya tapos hindi na siya nawala..hmm

Chyng said...

hi enrico,

you remind me well of my boyfriend. motto din nia yung "when hungry, still eat but in moderation" pero he eats a lot. well, cgro nga growing boy cia.

dat's all! ;)

oh btw, i like your suggestion abt the dextrose thing. probably i'll try it in the future.

catherine said...

hello engr,

sweet sweet naman :)

Roninkotwo said...

abcdefg, simple lang yan. Kumuha ka ng dahon ng oregano, pakuluan at patakan ng dalawang asuete at katasan ng limang dahon ng bayabas na walang buto. Kung hindi epektib mag pito-pito ka..meron pang mabibili sa kamias..(Stress lang yan..=))

Dra, hindi naman masyado..(hiya)

Anonymous said...

salamat ang husay naman nun =D

Arianne The Bookworm said...

lalo akong nagutom sa mga pagkain na niluto mo for your misis.. nakakatakam! pag ganyan ang ulam sa bahay namin, nalilimutan ko ang magdiet.. :)

Roninkotwo said...

Nagdaidiet na si misis Ms. Claire..kaya bawal na akong magluto..=)

Anonymous said...

LOL... grabe, ang dami nyong pagkain heheheh....