Matagal akong nawala dahil naging abala ako ng ilang buwan. Abala sa trabaho, sa nakaraang bakasyon at sa sarili. Bawat oras na dumaraan ay masusi kong binabalanse, upang masiguro na magiging makabuluhan ang bawat araw ko. Dahil dito ay naging huli sa prioridad ko ang pagbisita sa aking mundo.
Dahil matagal akong hindi nakabisita dito ay naramdaman ko tuloy na para na akong isang estranghero sa aking sariling mundo. Walang kahit anong kwento ang kayang iguhit ng isip ko. Kahit mga kwento ng kapitbahay o ang mga kwento ni Edgar na barbero sa kanto namin ay hindi ko kayang i-share sa inyo.
Pag pasok sana ng buwan ng Enero ay isang pasabog na kwento ang gagawin ko. Syempre, kahapon ang 2nd aniversary naming mag-asawa. Isang masaya, nakakakilig at makalaglag brief na aniversary special na siguradong mag papain-love sa sino mang makakabasa. Hanggang isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.
Lumaki akong hindi naranasan na magkaroon ng isang pinsan na maituturing kong kaibigan. Karamihan kasi sa kanila ay malayo sa amin, at hindi nagkaroon ng maraming pagkakataon na makasama. Hanggang sa makilala ko si Vj. Hindi ko kadugo si Vj, pinsang buo siya ni Grace kaya ako ay hawa lang. Nag-iisang anak siya ng tiyahin ni Grace na itinuring na niyang pangalawang ina. Ito kasi ang kumupkop sa kaniya noong maliit pa siya. Hindi kasi sila agad nabiyayaan ng ana kung kaya naman, naging anak-anakan nila ang asawa ko. Kwento niya sa akin, halos limang taon silang humiling ng biyayang anak. Ginawa rin nila ang ilang paraan para matupad ang hiling. Ang pagbisita sa lahat ng simbahan, mataimtin na dalangin, pagsayaw sa obando ay ilan lang sa mga ito.Hindi nagtagal ay sumagot din ang langit. Isang batang lalaki ang kanyang isinilang noong 1988, si Vj.
Hindi tulad ng karaniwang bata, mabagal ang development ni Vj. Sa edad na dalawampu ay parang pito o siyam na taong gulang lamang siya magsalita at mag-isip.Isang special child si Vj. Ganun pa man, pinilit ng kanyang mga magulang na palakihin siya ng normal. Makihalubilo sa mga normal na bata, at maranasan ang karaniwang buhay.
Noong simula ay pinag-aral siya sa isang school for special child sa Quezon City. Araw-araw ay matiyagang iniluluwas ng kanyang ina si Vj mula sa Bulacan. Ilang taon din na nag-aral si Vj sa eskwelahang ito, at ng siya at tumuntong ng Grade 3 ay nagpasya ang kanyang mga magulang na ipasok siya sa normal na eskwelahan. Dito mas naging mabigat ang atensyon na kailangang ibigay ng isang ina kay Vj. Seaman ang asawa niya, kaya naman halos mag-isa niyang inalagaan ang anak habang ang asawa niya ang matiyagang sumuporta sa mga pangangailangan nila.
Labing walong taong gulang si Vj ng matapos niya ang High School. Nakita ko ang kakaibang ligaya ng kanyang ina ng araw na iyon. Lahat ng pagod, pagtityaga, at sakripisyong bunga ng walang kapantay na pagmamahal ay naganap na.
Dahil sa napakaraming dahilan ay nagpasya silang mag-asawa na hindi na patuntungin ng kolehiyo si Vj.Pinundar nila ang kabuhayan na kakailanganin ng anak at tinuruan itong patakbuhin ng mag-isa. Kinaya ni Vj ang lahat ng obligasyon at matiyaga niya itong ginagawa at sinusunod ang bawat bilin ng magulang.
Una kong nakilala si Vj ng naging girlfriend ko si Grace. Nang una niya akong makita ay ayaw niya sa akin para sa ate Grace niya. Madalas niyang sabihin na galit siya sa akin sa tuwing magkikita kami. Naiintindihan ko ang kanyang kalagayan, kaya nag tiyaga akong kunin ang loob niya. Hindi nagtagal ay naging malapit kaming magkaibigan. Lahat ng mga kaligayahan at frustrations niya ay matiyaga niyang kinukwento sa akin ng paulit-ulit. Ilan sa mga ito ang mga natitipuhan niyang babae, ang mga nakakatawang taong nakikita niya, at ang pinaka madalas ay ang pangarap niyang maging isang sundalo. sundalo ang tingin niya sa sarili niya at isa siyang heneral ng sandatahang lakas..Sa tuwing naaalala ko ang mga kwento ni Vj ay hindi maiwasang napapangiti ako. Halo kasi sa kanyang mga kwento ang katotohanan at ang mga bagay na likha lamang ng kanyang isip at imahinasyon.
Nanng huli kaming mag-usap ay kinukwento niya sa akin ang isang babae na nagpatibok ng puso niya. Nakita daw niya ito na may kasamang lalaki at nalaman niya na magkasintahan na sila. Labis daw siyang nasasaktan. Kaya naman sarado na ang kanyang puso para umibig pang muli. Alam din daw niya kung ano ang dahilan ng pag-iwan sa kanya ng dalaga. Ito ay dahil isa daw siyang sundalo at ayaw ng babae ang asawang sundalo dahil madali silang mabubyuda.
Hindi kailang makulit si Vj at ilang beses narin akong nakulitan sa kanya. Pero sa tuwing dadalaw naman ako sa kanila at wala siya ay hinahanap-hanap ko naman ang pangungulit niya. Lagi siyang nakikita na nakamotor suot ang kumpletong damit ng isang sundalo (comuoflage) mula ulo hanggang paa. o Kung hindi nga siya magsasalita ay mapagkakamalan mo siyang isang tunay na sundalo. Ako si General Vincent James Defensor, yan ang madalas niyang pakilala sa mga nakakausap niya..
Noong martes ay nagkasakit si Vj. Nataranta ang kanyang ina at mabilis siyang sinugod sa ospital. Makalipas ang ilang araw ay nadiagnose na may dengue siya. Kinailangan siyang salinan ng maraming dugo. Dagsa ang tulong na dumating mula sa mga kapamilya, kaibigan, kapitbahay at ilang kakilala. Lahat sila ay handang magbigay ng dugo para kay Vj.
Sabado ng umaga ng muli kong makita si Vj sa hindi magandang sitwasyon. Hinahabol niya ang kanyang hininga kahit na meron nakalagay na oxygen sa kanyang ilong. Pero ng mga oras na iyon ay masaya parin siya. Sumasagot parin siya sa lahat ng tanong at marami parin siyang tanong sa bawat isa sa amin. Minsan pa niyang tinanong ang nurse kung mineral water ang tubig na bumubula sa oxygen niya at lahat naman kami ay nagtawanan. Ilang beses din niyang pinaramdam ang paglalambing sa aming lahat. Pinili niyang ako ang magbihis sa kanya. Ito marahil ang paraan niya ng paglalambing..
Bagamat naaawa ako sa kalagayan niya ay hindi ko ito pinahalata. Gusto kong isipin parin niya na matapang siya at walang matapang na sundalong sumusuko sa laban.
Alas-tres ng hapon ang plano namin ni Grace upang umuwi ng bahay. Pero parang may mabigat sa paa ko na pumipigil sa akin na iwan si Vj
at ang kanyang ina. Matapos mabihisan ni Vj ay humiga siya. Hinanap niya ang kanyang ina at nagulat kaming lahat sa kanyang sinabi.
"Ma, gusto ko ng matulog. Gusto ko ng magpahinga ng mahimbing."
Labing limang minuto pagkatapos nito ay ibang Vj na ang nakita ko. Bigla siyang nahirapan huminga, dali-daling tinawag ang mga duktor at lahat sila ay nataranta. Halos wala ng hangin na makuha si Vj. Ang mga mata niya ay magka-iba na and direksyon. Ilang sandali pa ay bumagsak ang kanyang blood. Kinailangan siyang i-revive ng mga duktor at nagawa naman nila ito dahil narin sa tatag ng loob ni Vj. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya makausap.
Inutos ng mga duktor na ilagay siya sa ICU para doon obserbahan ang kalagayan niya. Naging mahirap para sa kanyang ina na makita ang anak sa ganung sitwasyon. Hindi rin niya nakayanan ang sakit na mararamdaman at bumigay ang kanyang katawan. Kinailangan namin siyang dalhin sa emergency room para doon magrecover.
Nang mahimasmasan ay ako ang kasama niya. Ang dami niyang sinasabi tungkol sa mga nararamdaman niya. Bumilib ako sa tapang at pagmamahal niya kay Vj. Sinabi niya sa akin na handa siya, bagamat masakit na harapin ang katotohanan. Handa siyang ialay sa Diyos ang kaisa-isang anak na naging dahilan upang mabuhay silang masaya ng kanyang asawa.
Nang muling puntahan namin si Vj ay hindi na namin siya nakakausap. Nagsasalita kami pero hindi na siya sumasagot. Sandali siyang kinausap ng kanyang ina. Masayang nitong kinausap si Vj, kahit halatang mabigat ang kanyang dibdib at nagbabadyang umagos ang luha. Pinalakas niya ang loob ni Vj. Pinaramdam ang pagmamahal na tanging ang ina lang ang may kayang magbigay. Bagamat hindi makapagsalita ay naramdaman niniya ang higpit ng hawak mula kay Vj. Kontento na siya sa reaksyong ito ng anak. Para sa kanya ay senyales ito na narinig at naintindihan ni Vj ang mga sinabi niya.
Masaya siyang lumabas ng ICU bagamat iniisip parin ang maaring mangyari sa anak. Nakakain na siya at walang nagsimulang magkwento tungkol sa masayang ala-ala sa kanyang anak. Mula sa pangungulit nito sa kanya, ang mga plano niya sa darating na kaarawan nito, at ang bakasyon sa ibang bansa na matagal na nitong hiling.
Alas-tres ng madaling araw ay isang katok mula sa nurse ng ospital ang aming narinig. Kailangan daw ng isang kapamilya na puntahan si Vj sa ICU. Lahat kami ay nagmadaling bumaba. Parang may kakaibang pakiramdam na nagpapabigat sa aming dibdib. Pagbaba sa ICU ay hindi na kinailangan opisyal na sabihin ng duktor ang lagay ni Vj.
Naabunatan namin ang isang pinsan ni Vj na umiiyak at ito na ang nag hudyat sa amin na wala na si Vj.
Parang isang mabilis na pelikula ang nag flash sa utak ko. Hindi ko maintindihan ang bawat nangyayari. Hanggang sa marinig ko ang malakas na pagtangis ng ina ni Vj. Niyakap ko siya, ramdam ko ang paninigas ng buo niyang katawan. Bagamat tumatangis ay pasasalamat ang namutawi sa kanyang bibig. Nagpasalamat siya sa Diyos sa pagpapahiram nito sa Kanya ng isang anak. Isang anak na naging inspirasyon nilang mag-asawa. Isang anak na nagturo sa kanila ng halaga ng buhay at isang anak na bagamat hindi naging normal ay nagparamdam sa kanila ng walang kapantay na pagmamahal.
Nang muli kong makita si Vj ay wala na siyang buhay. Sumaludo ako sa kanya. Saludo ng paghanga.
Paghanga sa tapang na lumaban upang piliting mabuhay. Paghanga sa natatanging pagmamahal na ipinadama niya sa kanyang magulang at sa aming lahat. Paghanga sa lahat ng inspirasyon at kwentong ibinabahagi niya sa amin.
Kahapon ay ika-dalawang taong anibersaryo naming mag-asawa. Mayroon sana kaming plano para sa dalawang taon ng masayang
pagsasama. Pero hindi na namin ito itinuloy. Isang simpleng tanghalian lamang ang aming ginawa at tumuloy na agad sa burol ni Vj. Malaking bahagi si Vj at ang kanyang ina sa pagsasama namin ni Grace. Kaya naman, gusto namin ibahagi sa kanila ang dalawang taon ng aming pagsasama. Higit sa lahat, ngayon ang araw na kailangan nila ang aming pagmamahal.
Paalam Vj.
Mamimiss kita...
Salamat sa masasayang ala-ala..
Salamat at naging bahagi ka ng buhay ko at ng buhay naming mag-asawa...
Umaasa akong ang lagi mong hinihiling para sa amin ni Ate Grace ay magkatotoo na..
Paalam Sir!

12 comments:
Lloyd, kilala ko si VJ. lagi mo rin sya kinukwento sa kin nung nsa hitachi pa tyo. nakakalungkot naman. sa tingin ko he already served his purpose by making people around him happy and becoming a source of inspiration.
idol talga kita sa pagsulat. naramdaman ko ang puso.
ngapla, happy 2nd anniversary sa inyo :9
Ooohhh, sad ending pero happy ang journey! I remember a story na isang couple na hirap din magka-anak, they prayed and prayed, finally a child is born. Pero nakita nila the child is crippled. The couple smiled, sabe nila, "alal tlga nila Lord kung kanino ipapaalaga ang ganito ka-special na bata!" (heartfelt)
Ang galing mo magsulat! Inaasahan ko din na ang comeback entry mo ay tungkol sa anniversary, pero mas maganda ang naishare mo. Pagpray naten siya.
Happy Anniversary Lloyd and Grace, kayo ang ultimate loveteam! hehe
Jeric & Chyng
Nung sabado at linggo ang pinaka mabigat na emotional stress na naramdaman ko sa buhay ko. Iba ang sakit na marinig ang iyak ng isang ina na nawalan ng nag-iisang anak. Nga pala, na kukwento ko siya sayo. Siya yung binili ko ng soldier toy nung nasa japan tayo. At sya rin ang isa sa abay ko ng kinasal kami ni Grace.
Salamat sa inyo. =)
namimiss ko na nga si Vj bi... di naman lingid sa iyo na siya ang pinaka close ko na pinsan. mamimiss ko ang pagsalubong nya sa akin sa gate tuwing uuwi ako sa amin at pagsasabi nya ng "bunso... andito na si bunso na baby face" tapos ihahatid ako hanggang sa amin... mamimiss ko ang kakumpetensya ko sa pagkain ng spaghetti... jeric's right, he already served his purpose and mission... wherever he is right now, alam kong happy sya and he is now saluting the true general...
Thank you Vj sa happy moments and lessons na iniwan mo sa amin... we love you so much!
Nalungkot naman ako ng sobra. Sana makarecover agad lahat ng naulila sa kanya.
Aww.. nalungkot ako sa post.... T__T
Stay strong poh...
Salamat po sa share...
Salamat sa inyo..=)
Nakakalungkot naman ang post mo na ito... condolence sa inyo ni GRace... pati si Nina, medyo namula ang mata at nagulat sa nangyari kay VJ...
Belated Happy Anniversary sa inyo!!!
Regards kay Grace!!!
Sherwin, salamat sa inyo...God Bless!
Hi sir Lloyd,
Alam mong inaabangan namen ang Valentine Special mo..
(ma-pressure ka magblog! haha)
Idol tagal mong magpost ah.. follow up nman malapit na matapos ang summer.
buzz!!! engr, wazzzup? long time no hear =(
Post a Comment