Naniniwala ako na sa lahat ng salitang mababasa sa webster dictionary ang babae ang pinaka mahirap ispelengin. Nagsasalita ako base sa aking obserbasyon at hindi sa impluwensiya ng napakaraming lalaking tulad ko na minsan na ring nagreklamo. Noong mga panahong natututo pa lang akong manligaw ng babae ay napansin ko na agad ang kakaibang karakter na taglay nila. Hindi ko ito lubusang maunawaan. May likas na masungit, likas na madaldal, likas na banidosa, likas na malambing, at likas na malaki ang hinaharap..na umasenso at umangat sa buhay.
Iba ang asawa ko. Marami ang sang ayon sa akin na mga kakilala at kaibigan niya. Likas na mabait siya. Simpleng babae, walang masyadong luho, tahimik at mapagmahal. Kung iisa-isahin ko nga ang magagandang ugali na taglay niya ay malamang na maging 10 part series ang kwento sa blog ko. Pero ang hindi alam ng marami ay may ugali rin ang asawa ko na mahirap unawain at abutin ng karaniwang isipan.
Mahirap hulihin ang gusto ng asawa ko. Kahit sa ang pinaka simpleng bagay tulad ng pagkain na gusto niyang kainin, lugar na gusto niyang puntahan o sa bagay na gusto niyang gawin wala kahit anong clue ang makukuha mo sa kanya. Tuwing tatanungin ko siya ay laging “kahit ano” ang isasagot sa akin. At sa oras naman na ako na ang nagdesisyon ay tatahimik lamang. Hindi ko tuloy malaman kung nagustuhan ba niya ang ginagawa ko para sa kanya o hindi na lang siya makapag reklamo.
Nagtatrabaho ako sa isang kumpanya na piso tumpok ang dami ng babae. 7 is to 1 nga daw ang ratio ng babae sa lalaki dito. Kaya kahit na pito ang syota mo ay okay lang, may nakalaan parin para sa iba. Pitong taon narin ako dito, pero kahit minsan ay wala kahit isang Eva ang nagtagumpay na matukso ako. Pero kahit na maganda ang track record ko, ay hindi pa rin nagsasawa ang asawa ko na magtanong sa akin, kung wala ba talaga akong ibang nagugustuhan sa trabaho. Naiinis na tuloy ako, ano ba ang akala niya sa akin marupok at madaling mapa-amin?
Mayroon siyang estilong kanya lamang
Ang kanyang pagkababae ang dinadahilan
Pagsubok sa pag-ibig walang katapusan
‘Di naman daw nagdududa, naniniguro lang
Nakasanayan na tuwing biyernes pagkatapos ng opisina ang magka-ayaan gumimik kasama ang mga katrabaho. Nakasanayan ko rin naman na magpaalam muna sa kanya bago ako sumama. Ayaw ko kasing pag awayan namin ang mga ganitong bagay. Umaga pa lang ay itetext o tatawagan ko na siya para ipaalam ang plano ko pagkatapos ng opisina. Mabilis naman siyang papayag. Sa oras na nasa gimikan na ako, every 5 minutes ay tumutunog ang celpon ko. Lahat kasi ng pwedeng itext ay itetext niya para kunin ang atensyon ko. “Kumain ka na?”, “Hiwalay na pala si Hayden Koh at Vicky Belo”, Tumaas na naman pala ang presyo ng gasolina”. “Kinasal na pala si Ryan at Juday”, “Uuwi ka na ba?”, “Umiinom ka ba?” at kung ano-ano pa. Bawal na hindi ako mag reply sa bawat text niya. Kapag hindi ako nag reply ay hindi na niya ako kakausapin buong magdamag. “Siguro, nag eenjoy ka sa kandungan ng iba kaya hindi ka maka reply!!!!”
‘Di raw nagseselos ngunit nagbibilang
Nang oras ‘pag ako'y ginagabi
At biglang maamo ‘pag may kailangan
‘Pag nakuha na ikaw ay itatabi
‘Di magpapatalo ‘pag mayroong alitan
‘Di aamin ng mali, magbabagong-isip lang
Ngayong buntis na ang asawa ko, katakot-takot na paalala ang narinig ko mula sa mga kaibigan.
“Dapat 'wag mo papagalitin yan”
“Dapat 'wag siya malulungkot”
“Ibibigay mo lahat ng gusto niya”
“Pagpapasensyahan mo lang.”
Hindi naman mahirap para sa akin na gawin ang lahat ng ito. Ngayon pa nga lang ay napapansin ko na ang mga pagbabago sa asawa ko. Naging masungit siya at madaling mainis sa tuwing nagtatanong ako kung may masakit sa kanya, kada dalawang segundo. Ang kulit ko raw. Ang paghahanap niya sa mga bagay o pagkain na wala sa bahay, at kapag naman binili ko na ay ayaw nang kainin. Ang mas madalas niyang paglalambing sa akin at ang lalong dumalas pa na pagtatampo sa tuwing hindi ako sang-ayon sa gusto niya.
Ito ang katotohanan sa aming buhay bilang mag-asawa. Maraming bagay at ugali pa rin ang hindi namin maintindihan sa bawat isa. Pero ang mga bagay na ito ang mahahalagang sangkap na bumubuo sa aming dalawa. Bawat araw na dumadaan ay simpleng buhay na puno ng saya at pagmamahal.Ang bawat ugali, kilos, tingin at galaw niya ang dahilan ng paghanga at pagmamahal ko sa kanya. Ang pinaka importante sa lahat, ang buhay at pagkatao niya ang siyang bumubuo sa buhay at pagkatao ko.
Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya,
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, sinasamba ko siya,
Minamahal ko pa, walang kaduda-duda,
Wala nang hahanapin pa

Wala Ng Hahanapin Pa by Apo Hiking Society
10 comments:
Aha, yan pala ang techniq ni Grace, magtext ng magtext ang style nya ng phishing. (peace Grace) Nung magboyfren palang kayo, selosa na ba siya or ngayon nalang?
Alam mo sir Lloyd, mahirap man kame intindihin, may clue naman kayo. Pag tumahimik na kame- BRACE YOURSELF! ;D (di ba dude?)
bakit nga ba ang babae mahirap ispelengin? mahirap talagang tantyahin dahil paiba iba ng isip.
kaso me tama nga na kapag tumahimik na sila... mag isip ka na ng ginawa mo sa kanya at maghanda na para sa giyera. hehe
Chyng,mas matindi siya dati. Nag improve na siya. Kasi tao na lang ang pinagseselosan nya ngayon..hehehe.
Jimbo, oo nga. Kaya siguro likas na mahaba ang pasensya ng mga lalaki. Ang kaibahan lang sa kanya, hindi niya ko inaaway. Dahil dinadaan nya ko sa silent war. Yun ang masmatindi.
exag ata bi... every 5 minutes may text ako? hmmm... "siguro nag eenjoy sa kandungan ng iba..." nasabi ko b un? hehe!
chyng, di naman sobra selosa... nagaalala lang. (palusot pa rin) =)
bi, mamimiss mo rin yan pag di na ko ganyan... hehe! i love you so much bi! =) miss ka na namin..
Bi, wag ka magagalit sa akin. Yan ang mga bagay na nagustuhan ko sayo. Miss ko na kayo..=)
Hehehe, ganyan talaga mga babae *ayon sa aking obserbasyon*... "Malalim" talaga mga babae @_@. Pabago-bago ng isip lol...
astig sir...
iba ka talaga!
Sir Edong...salamat sa muling pagdaan..idol..
raulxhikki..yun na yun..
Post a Comment