Kung hindi ay ini-link ko para ma refresh ka.
Mula nang magka-malay ako sa mundong ibabaw, pinaniwala mo na ako na totoo ka. Sa tuwing may bumbay na nagbebenta ng payong sa aming lugar na nakasakay sa motor, ay pinapara ko sa pag-aakala na ikaw yun. Tuwing bisperas ng pasko, nagsasabit ako ng medyas na may mouse trap sa loob, para kung sakaling maipit ka ay agad akong magigising at makikita ka. At tuwing nakakarinig ako ng nag titinda ng taho, ay mablis akong tumatakbo upang silipin. Sa pag-aakalang tawa mo na ta-HO, HO, HO ang naririnig ko.
Malaki na ako Santa. 20 years old na ako(=0). Sa tingin mo ay papaniwalaan pa kita?
Sumulat ako ngayon hindi para humiling, kundi para magpasalamat. Hep hep hep..wag ka excited, hindi ako sayo magpapasalamat kundi kay Bro. Hindi mo naitatanong, kasabay ng wish list ko sayo noong 2007 ay gumawa ako ng isang simpleng poster ng mga inaasam kong mangyari sa buhay ko, at inilagay ko ito sa isang lugar na madali kong makita.
Sa dalawang taon na lumipas ay 50% na nito ang natupad (4 out of 8).
At alam kong si Bro ang dahilan ng lahat ng ito. Kaya naman taos puso ang aking pasasalamat. Ngayong taon ay hindi na muna ako hihiling ng materyal na bagay. Ang dalangin ko ay ang kalusugan ng aking buong pamilya, kapayapaan sa bansa, kasaganahan at hustisya sa mga nawalan ng pamilya, tahanan at kinabukasan dulot ng ibat-ibang mukha ng trahedya na lumamon sa ating bayan.
Ngayon Santa, kung gusto mo parin patunayan ang sarili mo, ay pwede pa naman. Sa bisperas ng pasko ay aantayin ko ang isang bagong laptop sa loob ng stocking na isasabit ko. Eto na ang huling tyansa mo!
P.S. Sa mga mamamasko sa akin , hindi kasama sa 50% ng natupad ang 10 million pesos na nasa larawan. Wag kayo umasa na mamimigay ako ng pera ngayong pasko.
6 comments:
di po kaya mapunit yung stocking sa bigat ng laptop kuya??hehehe
superjaid, Sony Vio na slim ang requirement para kayanin ng stocking na isasabit ko...
Ako sir Lloyd mamamasko sayo ha! *winks*
Uhm, di ko nagustuhan baked salmon ng conti's.. Etong sa MoMo - sakto lang din. May natikman kasi akong Salmon Dish before sobrang sarap, kaya ngayon wala ng masarap ng salmon dish sa iba. haha
=) parang kelan lang napag usapan natin ang mag nasa pix na yan... excited na ako sa kabuuang katuparan ng 4th wish mo bi.. =)
mmm, matupad kaya ang wish mong laptop this xmas? hehe!
Chyng, punta ka ng maaga kasi magtatago ako...=)
Bi, oo nga, 2 years ago na yun..
Kung ibibigay ni Santa, pero kung hindi..mapag tityagaan pa kung ano ang meron ako ngayon..hehehe
God will provide more than we ask. Just be patient. God bless. Happy 2010!
Nice blog.
BTW, you might found these interesting:
Live Radio and TV w/ ESPN : http://entertainmentport.blogspot.com
500Pesos Business : http://instantnegosyo.blogspot.com
and this one http://jr041283.blogspot.com
Thanks. Happy blogging.
Post a Comment