Dec 29, 2009

Salamat 2009




2009. Isang makabuluhang taon para sa akin. Kung ilalarawan ko nga ang taong ito, ito na marahil ang pinaka kumpletong taon sa buhay ko. Bawat aspeto ng buhay ay naramdaman ko at nagdulot sa akin ng aral.

Lungkot.
Unang buwan palang ng taon ay sinalubong na agad ako ng isang trahedya. Bagamat halos isang taon na ang nakakalipas ay sariwa pa rin isip ko ang bawat pagtangis at luha na nasaksihan ko.Isang ina na nawalan ng anak. Ang pag panaw ni VJ ay nagbukas ng isang malinaw na realidad sa akin . Dito ako muling umiyak, nasaktan at naulila. Isang pinsan, kaibigan at simpleng kaharutan ang tuluyan ng pumanaw. Pero isang malalim na pang-unawa sa tunay na halaga ng buhay ang iniwan niya.

Takot.
Kalahati na ng taon ang nakalipas ng isang nakakatakot na pangyayari ang hindi ko inasahan. July 2009 ng isang lalaki ang humandusay ng madaanan ng kotseng minamaneho ko. Halo-halong kaba ang bumalot sa isip ko. Nang makita ko na hindi kumikilos ang lalaki, ay naisip ko na maaring napatay ko siya. Nang dalhin ako ng mga tanod sa baranggay, at ng kausapin ako ng mga pulis, ay halos tumigil ang pagtibok ng puso ko. Nanginginig ang buong katawan ko, habang iniisip ko ang maaaring magyari sa akin. Ngunit ang takot na ito ay natabunan ng pag hanga, ng isang simpleng ale ang nanindigan at dumamay sa akin. Ang star witness na nagpawalang sala sa akin.

Pangamba.
Makalipas ang dalawang taon mula ng ikasal kaming mag asawa, naging malaking pangamba na sa amin ang hindi pagkakaroon ng anak. Bagamat marami ang nagsasabi na ang dalawang taong pag sasama na walang anak ay hindi pa matagal. Hindi parin mawala sa isip namin ang pangarap na mabuo ang aming munting pamilya. February 2009 ng nag desisyon kami na harapin at labanan ang pangambang ito. Walang masamang sumubok. Lahat na halos ng clinical test ay pinag daanan namin. Ilang dosenang gamot na rin ang ininom namin. Ilang himala ang dinayo at ilang simbahan ang dinasalan. Dito ko mas nakilala ang asawa ko. Sa tuwing nakikita ko siyang lumuluha dahil sa pangamba, ay kasabay nito ang pagbuksan ng kanyang puso upang lalo kong madama kung gaano ka-importante sa kanya ang buhay sa piling ko.

Paghanga.
August 2009. nang pumanaw ang isa sa mga personalidad na hinahangaan ko. Ang pag panaw ni dating pangulong Cory Aquino ay nagmulat sa akin ng lalong paghangad ng kaayusan ng ating bayan. Naniniwala ako na ang pagkaka-isa ng bawat pilipino ang mag uugat ng pag-unlad sa ating bayan.

Tuwa.
Pag patak ng kalahati ng taon, isang katuparan ang naganap. Sa unang pagkakataon ay naranasan kong magalak at matuwa ,habang hindi mapigilan ang pagluha. June 14, 2009 nang isang surpresa ang aming matanggap. Isang munting buhay ang bumago sa pananaw ko sa mundo. Sa wakas, ang baby na aming hiling ay malapit na naming makasama. Isang regalo mula sa taas nagsilbing permanenteng tuwa sa aking mukha. Nag bunga na ang lahat ng aming pag hihintay. Ito ang simula ng walang hanggang pasasalamat sa lahat ng naging instrumento ng katuparan ng aming pangarap at sa may likha nang lahat ng ito.

Pasasalamat.

Salamat Nanay Genie at Tatay Mario pag aalaga nyo sa akin lalo na sa aking asawa.
Salamat Nanay Tinang at Tatay Hermie sa pagmamahal at sa pag hubog sa aking asawa.
Salamat Denisse, Ethan at Tricia, ang mga pamangkin na naging laruan at kakulitan namin ni Grace.( Kayo ang dahilan kung bakit atat kami magka baby!)
Salamat Eana, Shai, Yomi at Josh, na bagamat mga dalaga at binata na kayo ay naging mabubuti at mapagmahal kayong pamangkin sa amin.
Salamat Ate Narmi at Kuya Levi, kahit na hindi effective ang hilot ni Lola Santina upang mabuntis si Grace ay saludo parin ako sa effort nyo na samahan kami sa napakalayong byahe. At syempre, kundi dahil sa inyo hindi ko maibibigay kay Grace ang regalo kong laptop nung pasko.
Salamat Ate She at Kuya Pat sa pag kupkop sa akin dito sa Laguna. Kung hindi sa inyo ay sa lansangan ako natutulog gabi-gabi.
Salamat Kuya Daye at Ate Joy sa pag aalala sa tuwing alam nyong nasa panganib ako. Salamat din sa North Face na bag na regalo nyo sa akin nung birthday ko, mas astig na ang lalagyan ko ng laptop.
Salamat Ate Cor at Malu sa dasal at pagmamahal nyo sa amin ni Grace.
Salamat MJ sa walang sawang pag hatid at sundo kay Grace. Dahil sayo ay nawawala ang pangamba ko na mapahamak ang ate mo.
Salamat Dra. Pamela Tecson, ikaw ang sugo ni Bro. Saludo ako sa talino at kakayahan mo bilang duktor na naging daan upang matupad ang dasal naming mag-asawa. Tama ka..Timing lang...
Salamat Dra. Ninang San Diego, kung hindi dahil sa iyo ay hindi namin makikilala si Dra. Tecson.
Salamat Fr. Ninong Ed sa dasal at sa pag-asa na binilin mo sa amin. Wala nang urungan! Sa Immaculate Conception Seminary na ang binyagan!
Salamat Sir Bodjie, Ma’am Kaye, Ma’am Maila, at Cathy. Ang mga kaibigan ko sa opisina na hindi nagsasawang sumuporta sa akin.
Salamat Chyng at Abby, ang mga bagong kaibigan na bagamat aksidente lamang ang ating pag kaka-kilala ay naki bahagi sa aking dasal at tuwa. Para ko na kayong mga ate…hahahaha
Salamat Jeric, Lee at Jamie, na bagamat hindi na tayo araw-araw nag kikita ay nananatiling mga tunay na kaibigan. Wag kayo mawawala sa binyag ng baby ko. (Lalo na ang mga regalo n’yo).
Sa mga kablog ko at paminsan-minsan naliligaw sa aking mundo. Isang guhit ng tuwa ang idinudulot ng bawat pag dalaw n’yo.
At ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Sa aking asawa na halos walong buwan ng dinadala sa sinapupunan ang aming munting prinsesa. Salamat sa pagmamahal, pag tityaga at pasensya. Isang mahigpit na yakap at matunog na kiss mula sa akin at kay baby Gaby. HMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMP! MMMMMMMWAH!

At higit sa lahat kay Bro. Isang papuri at pasasalamat sa napaka makabuluhang taon. Amen


HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!!

9 comments:

Pukaykay said...

Sir lloyd, thanks din sayo at parati mo ako napapatawa pag nagchachat tayo. Though minsan, feeling ko nahuhuli ako ni bossing na nahagikgik, no thanks dun. hehehe. 2010 will be better for you, kasi 3 na kayo =)

Chyng said...

God makes all things better in His time, right?

Cheers to a lovelier year ahead! Ü

EngrMoks said...

Happy New Year! Have a Great & Properous 2010 to you and to Grace!!!

Roninkotwo said...

Jamie, Happy New Year! Godbless sa inyo ni Glenn!

Chyng, alam kong may nag hihintay sa 2010...=)

Sherwin, Happy New Year sa inyo ni Nina...

Superjaid said...

happy new year po..^__^

Chyng said...

anu ba yan, di kita makita sa YM ko.

ps. naglagay ako picture nyo sa latest entry ko. let me know kung kelangan ko tanggalin ha.

ano lastest sa laptop? Ü

grace said...

Salamat sa iyo bi sa walang sawang pagmamahal at sakripisyo mo para mas maalagaan kami ni baby... kahit sobrang pagod ang pagbiyahe ng laguna-bulacan ay bale wala, para makasama kami ni baby.. =) mahal na mahal ka namin! =)

Anonymous said...

Happy new year.. Kami dn po mag-asawa ay nagnanais makilala si dra Pamela tecson. Sana po at matulungan nyo dn km. Saan po ang clinic nya dito sa bulacan? Taga marilao po kami. Salamat in advance..

like_ruth said...

Hello po, pwede po magtanong kung saan ang clinic ni Dra Pamela Tecson? May nagrefer po kasi sa akin kaya lang hindi ko pa nahahanap ang clinic nya sa Malolos Bulacan daw. Salamat po.