Feb 10, 2010

403 Minutong Saya



Gaano man paghandaan ang bawat kaganapan sa buhay, ay dumarating parin ang pagkakataon na para bagang, ang bawat minutong dumaan ay yugto ng buhay mo na hindi inaasahan.

Tatlumpung minuto makalipas ang ika-apat ng hapon.
Isang mahinang tawag ang narinig ko mula as aming silid. Doon ay naabutan ko ang aking asawa na ipinakita sa akin ang bahid ng dugo. Naghalo ang takot at kaba sa akin. Dali-dali ko siyang nilapitan at sinigurong maayos ang lahat.

Sampung minuto makalipas ang ika-lima ng hapon.
Una kong nakita ang aking asawa na halos mamilipit sa sakit. Ang mahigpit na pagkapit niya sa pader at ang matinding kirot na banaag as kanyang mukha ang naging basehan ko ng lalim ng sakit na nararamdaman niya.

Tatlumpu at limang minuto makalipas ang ika-pito ng gabi.
Binabaybay ko na ang daan patungo sa Ospital. Sa tuwing makakaramdam ng sakit ang aking asawa ay ibinibigay ko ang aking kanang kamay at hinahayaan ko siyang pisilin ito ng sobrang higpit, upang kahit papaano ay makabawas sa sakit na nararamdaman niya.

Limampung minuto makalipas ang ika-pito ng hapon.
Agad tiningnan ang aking asawa ng mga doktor. At ilang sandali pa ay agad inutos ng doktor na ipasok na siya as delivery room. Natulala ako at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Nurse 1: Sir, kayo ang ama?
Lloyd: (Nakatingin lang sa nurse).
Nurse 2: Nasaan po ang mga gamit ng bata?
Lloyd: (Inabot ang travelling bag na sing laki ng bahay.)
Nurse 2: Naku Sir, ilang gamit lang ang kailangan ko..pati yata crib dala nyo na?
Nurse 1: Kelan po kayo kinasal?
Lloyd: Ha?
Nurse 1: Kelan po kayo kinasal?!
Lloyd: Nakalimutan ko….
Grace: (Habang namimilipit as sakit) JANUARY 13, 2007!!!! Ahhhrrrg..


Sampung minuto makalipas ang ika-walo ng gabi.
Pinili kong mag- isa sa kwarto at ilang ulit nagdasal ng rosaryo.

Labing limang minuto makalipas ang ika-siyam ng gabi.
Pinatawag ako as delivery room. Nag madali akong pumunta at doon ay naabutan ko ang doktor ng aking asawa. Kinabahan ako.

Lloyd: Kamusta doc? Nanganak na?
Doc: Hindi pa, mga 12am pa siguro. Trial labor tayo ha?
Lloyd: Kahit ano po..kung nahihirapan na po asawa ko kahit biyakin nyo na po.
Doc: Sige, pero pipilitin natin mag normal.
Lloyd: Kung sa bagay, mahal ang cesarean. (natuwa naman ako at makaka-menos)


Limampung minuto makalipas ang ika-labing isa ng hapon.
Muli akong pinatawag sa delivery room. At doon ay sinalubong ako ng isa pang doktor. Hindi ko siya kilala, kaya agad naman siyang nagpakilala. Siya pala ang pediatrician na kasamang nag paanak as asawa ko.

Doc: Naku, walang duda..ikaw ang ama..nanganak na si Grace ng maganda at healthy baby girl. Kamukhang kamukha mo…Congratulations!
Lloyd: Salamat doc. Ang swerte pala nang anak ko…

Limang minuto makalipas ang ika-labing dalawa ng hating gabi.
Sa unang pagkakataon ay nakaharap ko ang isang munting nilalang na nagmula as akin. Nangilid ang luha ko, pero nangibabaw parin ang hiya kung kaya pinigilan kong tumulo sa mga mata ko. Pero ng magsimulang gumalawa ang aking anak ay biglang nagkatapat ang mga mata namin. Hindi ko na napigilan na mapaluha. Dahil kung may mas mataas na kahulugan ang kaligayahan ay iyon ang naramdaman ko.

Halos limampung minuto kong tahimik na binantayan ang aking anak sa nursery room, Sa tuwing lalabas ang nurse at sesenyas na isasara na ang kurtina ay nakiki-usap ako na huwag muna. Gusto kong namnamin ang bawat sandali at ang unang minuto sa mundo ng aking anak…At as mga darating na panahon, gusto kong subaybayan ang bawat oras… bawat araw..bawat linggo..bawat buwan..bawat taon…bawat dekada at bawat yugto ng buhay niya na magiging buhay ko na rin.

7 comments:

Chyng said...

very very beautiful! ♥

mukhang angel so di ikaw ang kamukha, si grace! congrats!

parang nung kapatid ko, natulala din nung nanganganak misis nya. hihi

enrico said...

ang ganda ni baby gab. sigurado ka bang ikaw kamukha. hehe. alam kong nag uumapaw ang ligaya nyo ni Grace. the Lord has fulfilled one of uf greatest ur wishes. sa pagdating ni Gab, sigurado akong mas lalo pang iigting ang pagsasama at pagmamahalan nyo ni Grace. Masayang masaya ako para sa inyo. nga pla pakisabi kay Grace saludo ako sa kanya. Di biro ang magdalang tao at magluwal ng bata kaya nman ang taas ng respeto ko sa mga babae. hay, ang haba na nito. parang gusto ko na gumawa ng sarili kong entry. hehe. ayun, sana mkita ko na ang inyong pamilya soon. hehe. mag-ingat kyo lagi n may God continue to bless you! ;9

Pukaykay said...

Congratulations sir lloyd!
mukha ngang angel =)
Dapat lagi mo kami iupdate tungkol kay baby gab =)

Apol :) said...

Congratz, sa inyo! :) ...sabi ko pa naman sayo last time sa mail gusto ko makakita ng buntis. e nanganak na pala c Grace... pero gusto ko pa rin kayo makita. sana may part two ung kita-kita. sama nyo c baby.

:)

Roninkotwo said...

Chyng,ako ang kamukha...walang kokontra..salamat din daw sabi ni Grace.

Jeric, sobrang saya nga..sana nga makita mo sya soon..salamat sa patuloy na pag dasal para sa amin.

Jamie,salamat..mukahang angel din daw ako nung baby..

Apple, wag ka mag alala, ilang buwan nalang mamakita ka na ng buntis pag humarap ka sa salamin..hehehe..Good luck sa inyo!=)

catherine said...

congrats lloyd! walang duda na ikaw kamukha ( mata pa lang. lol!). oi, kamusta mo ako kay grace and tell her na masaya ako para sa inyo =)

Roninkotwo said...

Dra Kaye..salamat! Kamusta rin daw sabi ni Grace..ingat ka palagi...