Feb 14, 2010

Dati rati




Dati rati, maaga pa ay nakahanda na ang ‘sang katutak na rosas na alay ko sayo.
Pero ngayon wala ako kahit halaman sa paso.
Sabi mo nga, nagbago ka na…
Nagbago ka na..

Dati rati, ni rereserve ko ang pinaka masarap na restaurant para sa ating dalawa.
Pero ngayon, sa bahay lang kita idi-diner date.
Sabi mo nga, nagbago ka na…
Nagbago ka na..

Dati rati, January palang ay nabayaran ko na ang tour para sa lugar na pupuntahan natin.
Pero ngayon, sa labas ng bakuran lang kita ma-ipapasyal.
Sabi mo nga..nagbago ka na…
Nagbago ka na…

Dati rati, pinaka espesyal na regalo ang aking inaalay.
Ngayon, ay wala akong bigay kundi pag mamahal.
Sabi mo nga..nagbago ka na…
Nagbago ka na…

Wala man ang lahat ng ito..alam kong naiintindihan mo.
Nag uumapaw ang saya ko, at alam kong ganun din ang sayo.
Pero hindi matatapos ang araw na ito, na hindi ko maipakita ang pagmamahal ko.
Eto at sa gitna ng puyat ko ay pinagluto kita ng paborito mo…

With LOVE…

Happy Valentayms Baby ko!

8 comments:

Edong said...

astig ka talaga, sir!

Roninkotwo said...

'Sing astig mo sir...God bless!

enrico said...

don romantiko ka talga lloyd! kelan ko kaya mami-meet si gaby? happy valentine's sa inyo ni Grace! :9

Roninkotwo said...

Hehehe..strategy yan pag walang pera...pwede ka naman pumunta dito sa bulacan..=) Belated valentines sayo..

catherine said...

ang sweet mo talaga ( lucky grace, lucky you and lucky gab =))

Roninkotwo said...

Oo nga dra. Im so blessed to have them..=)

Jules said...

So sweet nmn yan wuehehe. =D

Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo

Roninkotwo said...

Hi Jules..interesting ang blog mo..=)