Noong unang panahon, ang mga bata ay naniniwala sa kwento ni Lola Basyang. Ngayong panahon, maiiba ang inyong paniniwala..
Mar 16, 2010
Miss You Like Crazy
Martes pa lang pero pakiramdam ko ay magkakasakit na ako sa sobrang inip. Bawat oras, minuto at segundo ay binibilang ko ng mabilis, at umaasang bukas pag-gising ko ay biyernes na. Bale wala na sa akin ang tatlo, apat o kahit limang oras na pagbaybay sa kahabaan ng SLEX, EDSA at NLEX 'twing biyernes. Ang importante , ay maka-uwi ako at masilayan muli ang aking pinaka mamahal na anak.
Sino ba naman ang hindi makakamiss sa munting nilalang na kahit hindi pa nagsasalita ay nakakaya nang tunawin ang puso ko.
Namimiss ko ang mukha nya...
Namimiss ko ang tingin nya..
Namimiss ko ang ngiti nya..
Namimiss ko ang iyak nya..
Namimiss ko ang hawak nya..
Namimiss ko ang salat ng balat nya..
Namimiss ko ang amoy ng buhok nya..
Naputol lamang ang pagka miss ko nang makatanggap ako ng isang text message mula sa asawa ko.
”Bi, iyak ng iyak si Gaby!, Sabi ni nanay sabihan daw kita..mukhang iniisp mo na naman. Wag mo raw isipin dahil nababalisa, hindi naman daw ikaw ang nahihirapan mag-alaga!”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
dear sigma belter,
ang Moa mas malapit sa bulacan. makakauwi ka araw araw. *winks*
(--,)
Whaaaaaaaaa! Paano ba pumunta dyan? *winks winks winks*
hehehe...
kissable lips....
hope to see you soon Gabby! (tama ba ang pag ka spell ko?)
Naku ate rence..by june e 5 months na sya..sana magkita tayo..=)
hahaha. miss you like crazy nga talaga engr =)
Na touch naman ako. Relate kasi. OFW po kasi ako, at nasa pilipinas na ang anak ko. Buti ka pa pagdating ng weekend makikita mo sya..ako? bibilang ng taon. Whaaaa!
First time po mag comment dito. Salamat po.
Ayie, tama ka..mas mahirap kung taon bago makita ang anak...kaya bilib ako sa determinasyon mo...:)
Ingat ka dyan!
Back to work na rin ako bi, and sobrang nakakamiss nga si gaby... lalo na ngaon, sanay na makipagkwentuhan... haaay...
ngayon ko lng npgtuunan ng pansin bshin ang ilan s mga blog mo... nkktuwa kng ama lloyd... pero 22o n nkkmiss nga tlga cguro ang baby lalo't d mo sya mdlas mksma... sarap ng may baby no! ako man nung mksam ko c gaby ng ilang araw bumlik ang mga sandling baby p c denise kktuwa, nkkaiyak lalo n pg ngwowork n kmi, totoo nga n ang mga asawang llaki pg nandyan n baby mbilis p s alas kwatro umuwi mkita lng anak hehehe. sana msundan p ulit ng boy pwedeng 3 p. God bless your family! we're happy for you and your family!
Post a Comment