Marami na ang nagtalo. May ilan pa na nag sigawan, nag bangayan at nagsabunutan. Pero hanggang sa ngayon ay hati parin ang opinyon ng lahat, sa kung sino ang totoong kamukha ng aming anak.
Kung ako ang tatanungin, walang duda na sakin nagmana ang bata. Mula sa angkan ng mga gwapo at maganda ay hindi maikakakaila na ang bawat detalye ng anyo niya ay hinulma sa aking mga ninuno. Sabi ng tatay ko, maliit pa lang daw ako ay kapansin-pansin na ang taglay kong kagwapuhan. Maka-ilang ulit na nga rin tinangka ng ilang malalaking tv network sa loob at labas ng bansa na bigyan ako ng mga proyekto, pero sadyang hindi pag aartista ang linya ko.
Wala akong lahing intsik pero madalas mapagkamalan na isa, dahil sa singkit na mata. Pero hindi ko kinakahiya ito. Dahil sa panahon ngayon ay alam ko na ito na ang basehan ng kagwapuhan ng mga kababaihan. Hindi makakaila ito sa popularidad ng mga sikat na banda ngayon gaya ng F4, Super Junior at Hagibis. At ang pagiging singkit na mata ay sigurado akong sa akin nakuha ng aking anak.
Kung ang asawa ko ang tatanungin. Hindi siya makakapayag na walang nakuha sa kanya ang aming anak. Malamang na pagsimulan ng away kung ipipilit ko ito. Base sa kanyang obserbasyon, nakuha ng aming anak ang kanyang kulay, labi, kilay at baba. Madalas din niyang ibida ang ganda ng kanyang lahi, na hindi lang sa hitsura kundi pati sa ugali. Para narin niyang sinabi na masama ang ugali ko. Pero sang-ayon naman ako kung sa ugali lang. Mukha nga kasing ngayon pa lang ay nakikita ko na ang aming anak sa katauhan ng asawa ko. Tahimik, hindi iyakin, mukhang mabait pero pag nagalit ay halos tumili sa iyak!
Para matapos na ang pagtatalong ito ay gusto kong hingin ang opinyon ng tatlong mambabasa ng blog na ‘to. Sino ba talaga ang kamukha ng aming anak? Sa unang pagkakataon ay hayaan nyong ipakita ko ang hitsura namin. (Pinaka pangit na larawan ang pinili ko upang maging patas ang labanan.) Kayo na po ang bahalang humusga...

Si Grace pag bagong gising.
Si Lloyd pag hindi naligo.
8 comments:
dahil kaibigan kita sir lloyd, marapat lang na sabihin ko sa iyo ang totoo -
- na mas guwapo ka kapag naliligo. minsan hayaan mo akong kumurot sa yo...
hehehe
..idol.. pano pa kaya kapag naligo ka na.. hahaha
fan query:
bakit SESE apelido mo eh pang chinese yun tapos di ka chinese?
Sir Lloyd, cutie pie ng baby nyo ni Grace.
(un lang. d na magko-comment kung sino kamukha. :))
Sir Edong,parehas pala tayo ng nararamdaman sa isat-isa...=o
Dennis, mahirap ipaliwanag pag naligo pa ako..
Chyng, hindi chinese ang sese..full blood mekeni...
Ma'am Apol...salamat...ayaw mo pa umamin na sa akin talaga..=)
hahaha, napatawa mo na naman ako, engr. lloyd :-)
ang swerte talaga ni gaby! haha! sana bagong gising ako at hindi ka naliligo lagi... =)
Bi, e di nasundan agad si Gaby kung lagi ka bago gising...hahaha..(PG)
Dra..mukhang ayaw mo maniwala..hahaha
Post a Comment