Jun 19, 2010

Regalo ko...(?)




Dear Gaby,
***
Ang bilis ng panahon. Apat na buwan ka na at kaya mo nang umikot sa higaan mo. Parang kelan lang ay inaalalayan ko pa ang ulo mo, sa t'wing bubuhatin kita sa kandungan ko. Sa t'wing kinakausap kita, nakikita kong bumibilog ang singkit mong mga mata kasabay din ng pagbilog ng labi mo. Kapag kalaro kita, humahagikgik ka na sa tawa at pinaparanas mo ang pinaka masarap na tawang narinig ko sa buong buhay ko. Tuwing natutulog ka, hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan at haplusin ang kutis mo. Paborito ko parin amuyin ang buhok mo, at halikan ang mga paa at kamay mo.
***
Sa tuwing darating ako, ikaw agad ang hinahanap ko. Kahit pagod sa maghapong trabaho, napapawi ng ngiti at titig mo. Kahit nga ang ingit at iyak mo ay musika na sa tenga ko. Wala na yata talagang kapantay ang ligay ko mula ng dumating ka sa piling ko.
***
Alam mo bang labis labis ang ligaya ko? Nararamdaman mo bang ikaw na ang buhay ko?
Kung sakali mang mag selos ang Mommy mo, sabihin na lang nating siya naman ang pers love ko....

***
Happy Fathers Day to me sa unang pagkakataon!


***
Nagmamahal,

Daddy Lloyd
(Tumatanggap rin ng regalo, kasi bertdey ko!)

11 comments:

Pukaykay said...

Ang cute ni Gab! Happy bday ang fathers day! Sana maging father narin ako. AHEHEHE

Edong said...

happy birthday at happy father's day sir...

:)

Chyng said...

grabe ang cute mo Gaby, nakakatouch naman ang letter ng daddy mong POGI! (howkey, yan na ang gift ko)

Roninkotwo said...

@Ganda, Thanks! Pinag papray ko yan..=)

@Sir Edong Happy Fathers Day to you! isa ka parin sa idol ko..Godbless!

@Chyng, na touch ako sa comment mo..totoo yan! =) Pero hindi katanggap tanggap na regalo..hehe..=)

rence said...

ay grabe sa ganda ang baby na yan! mana sa Daddy! (?) Kuya, happy birthday ha, at happy first Father's day.

Roninkotwo said...

Ate Rence..nagduda ka pa..?Salamat..=) I miss you!

grace said...

kahit si gaby na nga ang lagi mo hinahanap tuwing dumarating ka, kasi sya na ang namimiss mo hindi na ako, oks lang.. naiintindihan ko hehe! ganun talaga pag daddy na! Happy birthday and happy father's day bi! (hehe, sensya na, late ang comment ko)

Roninkotwo said...

bi, ikaw naman ang pers lab ko! Thank you! at salamat sa masayang date..=) I love you!

grace said...

i love you more bi! nag enjoy din ako sa date natin... =) miss you...

catherine said...

Late man, happy father's day, Engr. Sobrang cute ni Gab :-) Ty to Grace dahil naging ama ka kundi dahil sa kanya :-)

Roninkotwo said...

Salamat Dra..=)Sobrang happy ako sa kanilang dalawa..