Aug 4, 2010

Dito na Tayo Forever!

Noong mga nakaraang buwan ay isang masusi at makabuluhang desisyon ang ginawa naming mag-asawa.


Nagsimula ito sa kagustuhan namin na lumaki ang aming anak na sapat ang patnubay naming dalawa.. Hindi na kasi nagiging madali lalo na sa akin na lingguhan ko lamang sila nakakasama. Madalas ay sa celpon, text o tawag ko lang sila nakakamusta. Natatakot tuloy ako na lumaki ang anak ko na akalain niya na celpon ang tatay nya. Isa rin marahil ito sa dahilan kung bakit kahit minsan ay hindi ko piniling mag trabaho sa abroad . Mahirap talaga para sa akin ang mawalay sa kanila. Kaya naman saludo ako sa mga kaibigan na kayang magsakripisyo sa ibang bansa upang mapa-unlad ang pamilya.



Kung ako ang tatanungin, kuntento pa ako sa buhay namin. Sapat na na kumakain kami araw-araw, mayroong maayos na tirahan, may kaunting ipon sa panahon ng panganga-ilangan, may pagkakataon na makapaglibang paminsan-minsan at sa pag laki ng aming anak ay mapag-aral namin sa maayos na paaralan. Wala na siguro akong mahihiling pa.



Naniniwala ako na ang bawat biyaya na binibigay sa amin ay inilaan sa panahon na nararapat sa amin at hindi sa panahon na ginusto namin. Noong ikinasal kami ng aking asawa, araw-araw namin dinadasal na pagkalooban kami ng anak. Pero umabot ang halos tatlong taon bago ito nangyari. Iniisip namin ngayon na baka kung nabigyan kami agad ng anak matapos kaming ikasal ay hindi magiging ganito katatag ang relasyon namin sa bawat isa. Noong mga panahon kasi na humihiling kami ng anak, mas nabigyan kami ng pagkakataon na makilala ang isat-isa. Lahat ng sakripisyo, hirap, lungkot ay pinagsaluhan namin. Sa tuwing nabibigo kami, nagiging sandalan namin ang isat-isa. Dito namin napapadama ang labis na pagmamahal namin. Hindi hadlang ang kahit anong pagsubok upang sumuko. Hindi kami nagpatalo sa lungkot at pagka-inip. Umasa kami na sa tamang panahon darating ang aming hiling..sa panahon NIYA. Sa huli, sa tamang timing, sa perpektong panahon, ibinigay sa amin ang aming hiling. Humiling kami ng anak, at isang malusog, maganda, malambing at masayahing nilalang ang pinagkaloob sa amin. Labis labis ito sa inaasahan namin.



Dalawang taon ang nakaraan ng pangarapin naming mag-asawa na magkaroon ng sariling bahay. Mula ng ikinasal kami ay sa bahay na ng aking mga magulang tumira ang aking asawa. Samantala ako ay nakitira sa bahay ng aking kapatid sa Laguna. Dahil sa hindi pa sapat ang ipon namin ay hindi naging madali sa amin na maisakatuparan ang pangarap na ito. Kaya naman pansamantala kaming tumigil sa aming hangarin. Mula noon ay sinimulan namin ang ibayong paghahanda. Dito nagsimulang mabawasan ang mga luho na dati na naming ginagawa. Sa una ay nakakapanibago, pero sa tuwing naiisp namin kung ano ang kahalagahan nito ay napapalitan naman ito ng pananabik. Ang dating lingguhang date ay naging buwanan na lamang. Mas binigyan namin ng panahon ang bawat isa sa isang mas simpleng paraan. Imbes na kumain sa labas ay sa bahay ko pinagluluto ang aking asawa ng kahit anong maibigan niya. Imbes na magpa spa o massage ay ang asawa ko mismo ang nagmamasahe ng likod at paa ko. Imbes na manood ng sine ay magkasama kaming nanonood ng DVD sa bahay.. At para sa kin, wala ng mas masarap sa mga simpleng bagay na ito.



Noong nakaraang buwan ay tuluyan na kaming nag desisyon. Ilang buwan na lang ay lilipat na kami sa aming bagong tahanan. Isang tahanan na ipinagkaloob sa amin sa tamang timing at perpektong panahon. Bagamat may mga pangamba tulad ng tuluyan naming paghiwalay sa aming mga magulang at kung kakayanin namin na matustusan ang pangangailangan ng bawat isa, ngayon na may mas malaki na kaming obligasyon. Hindi parin nawawala ang tiwala namin na kakayanin namin ang hamong ito sa bagong yugto ng aming buhay.



Dito na tayo forever..



Dito na natin bubuoin ang ating mga pangarap..



Dito na natin bubuoin ang panibagong kabanata sa ating buhay…



Dito na natin bubuoin ang magiging kapatid ni Gaby..



Sabihin mo lang kung kelan ka na ready...




Bagong mukha ang blog ko..kasi 3rd bEARTHday nya ngayon..

10 comments:

Apol :) said...

nice! :)

masaya 'yan! :) masayang may iisang bahay kayong inuuwian at magkasama kayo 7 days a week. Na-excite naman ako para sa inyo. ;)

Happy 3rd bEARTHday pala! :)

Chyng said...

yey, congrashuleyshens sir Lloyd at Grace. kaya pala parang busy ka lately.

walang kwenta yung halaga nyan kung kapalilt naman yung araw araw mong makasama si Gaby. Ü

Roninkotwo said...

Hi Apol, oo masaya nga pag nakikita ko rin masaya si Grace nakaka taba lalo ng puso. Ingat ka at si baby..=)

Chyng, Tama! Nakakalimutan ko ang laki ng utang ko pag nakikita ko ngumingiti at humahalaklak si Gaby..=)

grace said...

=) dito na tayo talaga forever!
nakakalungkot (sa mga nanays,tatays at friends na maiiwan sa bulacan, pro dadalaw pa rin kami) nakakakaba (kasi panibagong adjustment sa atin) pro sobrang nakakaEXCITE dahil magkakasamasama na tayo nila gaby 24/7 at ito na ang katuparan ng ating pangarap! I love you so much bi! =)

Happy bEARTHday BBAM!

rence said...

Ang bait talaga ni Lord di ba? Congrats sa inyong dalawa ni Grace kuya.

Roninkotwo said...

Bi, exciting nga...kaya natin tatlo yan..I love you! =)

Oo ate rence, sobrang pasasalamat...natutuwa rin ako para sa inyo..lapit ka na manganak...excited na ko para sa inyo..=)

CAMEinLATE said...

Saksi ako sa masusing pagninilay mo at kaba na dinulot nito sa iyo. Ano nga ba naman ang kaunting pagsasakripisyo para maisakatuparan ang panagarap niyo? PROUD ako sa'yo friend... Saludo ako sa'yo. You and your family is truly blessed in all aspect of Life. You're truly an inspiration! Congratulations! HOUSE WARMING NA!!! =)

Roninkotwo said...

CAMEinLATE..salamat! oo nga, isa ka sa madalas kong lapitan noong mga panahon na nag iisip ako..Sana nga makapag house warming na....Salamat!=)

Anonymous said...

hello..ask ko po anong project name ng avida kinuha nyo..pra lang po alam ko pg nagsearch ako...salamat!

ronelie@ymail.com

thanks..

Angelika said...

Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)