Mar 16, 2010

Miss You Like Crazy


Martes pa lang pero pakiramdam ko ay magkakasakit na ako sa sobrang inip. Bawat oras, minuto at segundo ay binibilang ko ng mabilis, at umaasang bukas pag-gising ko ay biyernes na. Bale wala na sa akin ang tatlo, apat o kahit limang oras na pagbaybay sa kahabaan ng SLEX, EDSA at NLEX 'twing biyernes. Ang importante , ay maka-uwi ako at masilayan muli ang aking pinaka mamahal na anak.

Sino ba naman ang hindi makakamiss sa munting nilalang na kahit hindi pa nagsasalita ay nakakaya nang tunawin ang puso ko.

Namimiss ko ang mukha nya...
Namimiss ko ang tingin nya..
Namimiss ko ang ngiti nya..
Namimiss ko ang iyak nya..
Namimiss ko ang hawak nya..
Namimiss ko ang salat ng balat nya..
Namimiss ko ang amoy ng buhok nya..

Naputol lamang ang pagka miss ko nang makatanggap ako ng isang text message mula sa asawa ko.

”Bi, iyak ng iyak si Gaby!, Sabi ni nanay sabihan daw kita..mukhang iniisp mo na naman. Wag mo raw isipin dahil nababalisa, hindi naman daw ikaw ang nahihirapan mag-alaga!”