Jun 19, 2008

Si Jose at Ako...


Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.


Si Lloyd Sese y Rivera a.k.a Sam Milby (Hunyo 19, 19XX - Humihinga pa hanggang sa kasalukuyan) ay ang pang apat at bunso sa apat na anak ng mag-asawang Mario Sese y Lagman at ng asawa nitong si Genoveva Rivera y Estrella.


Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid.

Ipinanganak si Lloyd Sese sa Guiguinto, Bulacan. Sina Levi, Rodel at Sheryll ang kanyang mga kapatid.


Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.


Ang ina ni Lloyd ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay limang taon na (slow learner). Noong siya naman ay tumuntong sa anim na taon, pinadala siya sa Balagtas,Bulacan upang mag-aral sa ilalim ng patnubay ni Mrs. Martin (hindi ko na tanda ang buo niyang pangalan). Ilang buwan ang nakalipas, sinabihan niya ang magulang ni Lloyd na sakit ito sa ulo dahil sa sobrang daldal.


Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.


Ang La Consolacion sa Balagtas Bulacan ang unang paaralan na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Hunyo 19XX. Ayon sa isang salin ng kwento ng mga tsismosa sa Bulacan atbp., sa kanyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya lahat ang mga pangunahing medalya sa Loyalty award at best in writing noong kinder.


Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik.


Nang sumonod na mga taon, siya ay kumuha ng Bachelor of Science in Electronics & Communication Engineering sa Adamson University. Sa labas ng paaralan kasabay niyang kinuha ang pag mamadyik at pagtambay sa bilyaran. Pagkaraan ay kumuha din siya ng kurso sa pag-arte pagkatapos mabatid na pangarap ng nanay niya ang magkaroon ng anak na sikat. Noong 2002, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga kakilala na hindi siya artistahin ay nagpasya siyang magtungao sa Laguna upang doon nalang magtrabaho. Doo'y pumasok siya sa Hitachi GST Philippines, kung saan, sa ikalawang araw pa lang ay naiwan na siya ng shuttle papasok sa opisina kaya nag lakad, nag jeep at naligaw. Nang sumunod na taon ay nakuha niya ang perfect attendance award dahil sa hindi pag-absent kahit walang ginagawa.


Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng
wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.


Naglakbay siya sa Singapore at nagpakadalubhasa sa pagpuna ng mali ng ibang kumpanya. Pagkatapos ay tumungo sa Batam, Indonesia, kung saan siya unang nakakita ng aquariun na maraming sumasayaw na hindi isda.


Sa taon din iyon ay nagtungo siya ng Malaysia at doon unang nakakain ng durian. Nasundan pa ito ng pag punta sa Japan, Thailand at Mexico. Kung saan natutunan niya ang ilang mga pagbati sa mga bansang ito.


Hello la! (Singapore)


Bahasa (Indonesia)


Halo! (Malaysia)


Ohayo (Japan)


Sawasdee (Thailand)


Hola (Mexico)


Mula dito ay nasabi niyang isa na siyang dalubwika tulad ni Rizal.


Marami pang pagkakapareho ang buhay namin ni Rizal, kasama na dito ang dami ng naging babae niya. Ay ako pala isa lang...si Grace lang.


Pero ang pinaka malaking pagkakapareho namin ay parehong Birthday namin ngayon.


Happy Birthday satin ka tropang Jose Rizal!


Nawa ay makamtan ko kahit katiting ng kasikatan mo!



IDOL!

21 comments:

Pukaykay said...

qu ni sheng er kuai le - MANDARIN
Selamat Ulang Tahun! - INDONESIAN
Selamat Hari Jadi!- MALAYSIAN
Suk San Wan Keut! - THAI
Feliz Cumplea–os! - SPANISH

BLOW OUT NAMAN DYAN! - TAGALOG

Roninkotwo said...

Aba, dalubwika ka rin pala! Blow-out kita pag nagkita tayo ulit (matagal pa yun) hahahaha...

Anonymous said...

sang ayon ako sa lahat ng sinulat mo na pagkakapareho nyo ni Rizal pero nagpahumble ka pa... ako lang!? madami magagalit sa iyo nyan, hehe! kidding aside, belated happy birthday! lab you bi!

Chyng said...

mula sa taong night shift: pamorningan na inuman na yan! (--,)

Apol :) said...

Dear Sir Lloyd,

Nais kong iparating sa iyong kaalaman na may bagong karagdagan sa bilang ng 'yong fans... ako un! hehehe!

Belated Happy Birthday!

ApPLe

Roninkotwo said...

bi, kaw lang talaga..peksman.

Chyng,habang buhay ka na ba na night shift?

Hello Ma'am Apple
Salamat..nakakatuwang ang prinsesa ng dubai ay mapadaan sa blog ko..hehehe..

Ingat ka palagi dyan...=)

Anonymous said...

Wow, birthday mo pala..Belated! Ilang taon ka na?

catherine said...

engr! happy birthday =) i'm sorry medyo ngayon lang ako nakadalaw sa blogger account mo. hay, hay, hay, BUSY-ness talaga ako lately. pero, since ur good with formatting, ask ko naman bakit diko makita mga comments sa last posted blog ko? ano bang mga possible reasons and oano sya i-troubleshoot? email mo na lang me for resolutions. hehehe. HAPPY BIRTHDAY ENGR!

enrico said...

lloyd, sigurado is bang c grace lang? e cno 'yung kmukha ni shaina at tsaka si Yomi. hehe. c Grace lang talga ang bukambibig ni Lloyd pag mgkasama kme dati sa hitachi. Belated! Anong feeling ng 25 na?

Roninkotwo said...

Hi dra! Salamat at nagagalak ako sa muli mong pagbisita...Sige, i-troubleshoot ko ang blog mo, mukhang may nabago nga sa setting..o may nainggit sa dami ng commets at sinabotahe ka..hehehe

Jeric, hahaha...iyan ang tunay na kaibigan..hindi nanlalaglag..Kahit na ikaw ay ilang beses ko ng inilaglag..Kaya naman magbabagumbuhay na ko..hindi ko na ikukwento, lalo na kay Chyng ang iba pang pangyayari..WAG LANG NYA KO PIPILITIN...

Chyng said...

yes sir lloyd, habambuhay nakong taong pang-gabi! unless umatake na naman ang boredom ko at lumipat na naman ako ng ibang compnya.

uhm, dapat pba kita pilitin? txtmate na nga tayo dba? txt mo nalang ha. (--,)

catherine said...

hello roninkotwo! thank you ha. nakikita ko na ulit. hehehe

Anonymous said...

...graveh.. idol.. paburger ka naman.. hehe.. damihan mo pa po ang blogs natin ha..

Anounymous = ako = Dennis

Anonymous said...

Hindi kasama ibang Anounymous jan.. hehe peace

Anonymous said...

Mga sinungaling kayo??? anong 25???

tagal ko di nakapag-open nito.. im so busy kasi sa paghahanap.... BUHAY!

See you all soon!

Roninkotwo said...

Dra, welcome, pag nag pacheck-up ako sayo awas nalang natin yung blogger's fee ko. Hehehe

Salamat Dennis Anonymous, mabuti naman at sinabi mo na ang pangalan mo, hindi puro surname. Salamat sa laging pagbisita.

Ate Marian, kelan ka uwi? Sana may pasalubong kang lampara na gawa sa ginto. Iintayin ko ang pagbalik mo..

enrico said...

ms. marian! kelan ka balik? hinahanap ko mga comments mo sa blog ni lloyd e. :9

catherine said...

engr, gus2 ko sna sya papuntahin sa site mo pero poor sa wikang tagalog eh :(

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.