Maaga akong umuwi galing opisina dahil sa dinalaw ako ni Grace dito sa Laguna.
Wala silang pasok noon dahil sa araw ng Bulacan o mas kilala sa buong Pilipinas na Linggo ng Wika.
Dahil ipit na araw ang biyernes ay minabuti narin ng kanilang kumpanya na gawin narin itong holiday. Ang ibig sabihin nito ay apat na araw na makakasama ko si Grace. Bagamat may pasok ako noong huwebes at biyernes ay okay lang, pag uwi ko naman ng bahay ay surebol na nandoon siya at naghihintay
Mula lunes hanggang huwebes ay 8:00AM to 6:00PM ang pasok namin. At 99% pa nito ay OT (over time) ako kaya alas otso na ng gabi umuuwi. Pero hindi sa araw na iyon. 5:55 PM palang ay nag shut down na ko ng PC
Ilang sandali pa ay parang musika na sa tenga kong narinig ang oras ng uwian. Tayo agad at tumakbong palabas ng opisina papunta sa time trak. Nang makaupo na ako ng shuttle bus ay agad kong kinuha ang cell phone ko para i-text si Grace.
Lloyd: "hi bi, kmusta k n? pauwi n ko..=)
Grace (Reply): "Ok nman ako bi, ingat k.
Lloyd: ""ano gus2 mo uwi?"
Grace (Reply): "Ikaw..=)"
Sino ba naman ang hindi mae-excite na mabasa ang ganoong klase ng reply mula sa asawa. Lalo akong nataranta at halos gusto ko nang palitan ang driver para paliparin ang bus na sinasakyan.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa babaan at sumakay ng jeep at padyak hanggang makarating sa apartment na tinutuluyan ko.
Si Grace agad ang sumalubong sa akin pag dating ko sa gate. Nakangiti siya at nakangiti din ako. Para kaming mga teenager na nagliligawan. Sinubukan ko siyang i-kiss sa lips pero iniwas niya ng konti, kaya dumaplis lang at sa pisngi tumama. Nagtaka ako sa kanyang pag-iwas. Nang tumingin ako sa paligid ay marami palang tao ang nakatingin sa amin. Para tuloy kaming mag loveteam na inaabangan ang pag kikiss bago mag palakpakan ang mga fans.
Pinaghain agad ako ni Grace para sabay kaming kumain.
Habang kumakain ay walang sawa akong nagkwento na parang isang taon ng hindi nakita ang asawa. Bihira kasi ang mga pagkakataon na ganito, kadalasan ay tuwing weekend lang kami nagkakasama ng matagal.
Lloyd: "Thank you bi, excited ako kasi nandito ka."
Grace: "Mas ma i-excite ka mamaya". Sabay ngiti.
Iba na talaga ito. Mukhang giyera na talaga ito at mapapalaban ang bataan. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa mga naririnig ko. Matapos lang ng ilang komersyal ng pinapanood namin sa TV ay inaya ko na agad siyang umakyat sa kwarto. Eto na ang pinakahihintay kong oras at sabik na talagang malaman ang bagay na ika i-excite ko.
Nang makapasok kami sa pinto ay ni lock ko agad ito.
(Babala: Kung ikaw ay wala pang labing walong taong gulang, maari mo nang itigil ang pagbabasa sa blog na ito at mag log-in na lamang sa http://www.cartoonnetwork.com/)
Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko inasahan.
Grace: Halika dito sa tabi ko.
Lloyd: Huh? O sige..bakit?
Grace: Kunin mo yung bag sa likod tapos buksan mo.
Makapigil hininga kong sinunod ang lahat ng inuutos niya.
Nang buksan ko ang bag ay biglang nalalaglag ang panga ko at tumulo ang laway.
Isang kulay orange na libro ang nakita ko.
Hindi nga ako nananaginip, ito ang libro na pinaka aasam-asam ko.
HARRY POTTER & THE DEATHLY HOLLOWS!!!! ASTIG!!!!!
Matagal kong inintay ang pagtatapos ng Harry Potter at ang Deathly Hallows ang huling bahagi nito.
Bago buksan ang plastik ng aklat ay inamoy-amoy ko muna ito na parang adik na tumitira ng katol.
Simula noong gabing iyon ay hindi na ko mapakali na buksan ang libro. At tuwing tititigan ko si Grace ay napapangiti ako. Sobrang na surprise nga ako, kahit na hindi iyon ang inaasahan kong magaganap. Mas malalim na kaligayahan, mas masarap sa pakiramdam. Isang halik at mahigpit na yakap ang sinukli ko sa aking asawa. Tunay nga na pagmahal mo ang isang tao ay alam mo ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Ganoon ako kamahal ni Grace.
Alam ko na marami na ang mas nauna sa akin na magkaroon at makabasa ng aklat na ito. Pero para sa akin, ang ang pagkakaroon ko ng ika-pitong aklat sa buhay ni Harry Potter ay isang kabanata sa buhay ko na nagpapa-alala ng tunay na pag-ibig mula sa aking asawa.
Winakasan na ni J.K. Rowling ang pakikipagsapalaran sa buhay ni Harry Potter. Pero ang kwento ng pagmamahalan namin ni Grace ay magpapatuloy hanggang sa kabilang buhay...
Totoo nga..I'm Deathly inlove...with Grace..
5 comments:
sweet sweet naman :)
salamat kaye. Oo, sobrang sweet ni grace, kaya minsan ay nagigising nalang ako na puro pantal, dahil sa kagat ng langgam..=) ingat ka dyan! God bless!
congrats lloyd & grace!
Salamat anonymous, sana ay dumami pa ang tulad mo..madami nang tula at kwento ang nabasa ko na ikaw ang author. Ano ba blog account mo? share mo naman para lalo mo ako mainspired..=)
oopps, this one is also cute pala. hahaha sweet! (--,)
Post a Comment