Sep 3, 2007

Sleepless in the Shuttle

Lunes na naman, ito ang panahon na kusang nagdidikit ang mga talukap ng mata ko dahil sa antok.

Normal na sa akin ang ganitong pakiramdam tuwing galing sa bakasyon. Lunes hanggang biyernes ang pasok ko sa opisina. Tuwing biyernes ay diretso na akong umuuwi sa Bulacan upang doon gugulin ang mga araw na wala pasok. Sinasagad ko ang paglagi ko doon, kung kaya naman tuwing lunes ng madaling-araw na ako lumuluwas pabalik ng Laguna. Ito ung mga oras na tulog pa ang diwa ko at ayaw pang humiwalay ng likod ko sa kama. 3:30 ng umaga palang ay kailangan gising na ako para matapos ang lahat ng ritwal bago maligo. Bago mag 4:30 ng umaga ay kailangan umaalis na ko ng bahay bago pa tumilaok ang mga manok.

Mahigit sa isang oras at kalahati ang tagal ng biyahe mula sa bahay hanggang Magallanes, kung saan naghihintay ang shuttle service ng kumpanya namin na umaalis ng eksaktong 6:25 ng umaga. Kung kaya sa tuwing minamalas ako at inabutan ng trapik o nasira ang MRT ay puwet nalang ng shuttle bus ang inaabutan ko. Pero sinusubukan ko parin itong habulin, habang nag dadasal na sana ay matrapik o masiraan (sama!). Sa oras na naramdaman ko na isang istasyon na ng MRT ang layo ng tinakbo ko ay saka palang ako susuko at sasakay ng jeep diretso sa sakayan ng fx papasok sa opisina. Nang minsang maiwan ako ng shuttle bus ay hindi ko tinigilan ang pag habol dito. Malayo pa lang ay napansin ko na paalis na ito. Dali-dali akong tumakbo at umasang maabutan ko ito. Habang karipas ay napansin ko na puno na ang bus at may mga ilang empleyado na na nakatayo, senyales na huling bus na ito at marahil ang mga nakatayo ay ilan din sa mga naghabol dito. Swerte! ng bigla itong matrapik pagdating sa traffic light. Agad kong kinatok ang pinto nito para mapansin ng drayber. Binuksan naman ng drayber ang automatic door, subalit bago pa man ako makasampa ay biglang nag berde na ang traffic light. Hudyat na kailangan ng umusad ng sasakyan. No choice ang driver kundi i-abante ang bus para makaiwas sa huli ng pulis. Tinalon ko ang bus sabay kapit sa pinakamalapit na makakapitan. Nang maka-sampa na ako ay biglang nagsigawan ang mga sakay na empleyado sa may bandang harap, na karamihan ay mga babae. Noong una ay inakala ko na parang isang suspense action move lang ni Jacki Chan ang natunghayan nila kung kaya ganoon nalamang ang lakas sigawan at takot na narinig ko. Bagamat, nakakapit naman ako ng mabuti at hindi naman ako nahulog o tumilapon sa kalsada. Bilib na sana ako sa sarili ko subalit laking gulat ko ng makita ko ang bagay na kinapitan ko. Isang malaking hinaharap ng isang babaeng empleyado na nakatayo malapit sa estribo. Dali-dali akong bumitaw sa pagkakahawak at napayuko na lamang. Nagkulay mansanas ako sa kahihiyan at halos hindi ako makatingin sa kahit kaninong nakapaligid sa akin, lalo na sa babaeng nakapitan ko.Iyon pala ang dahilan ng malakas na sigawan sa loob ng shuttle bus.

Malaking ginhawa sa akin ang shuttle service ng kumpanya namin. Bukod kasi sa libre ito para sa lahat ng empleyado ay nagiging madali pa proseso ng pagpasok ko sa opisina. Maiiwasan na ang palipat-lipat na sakay mula sa iyong pinaggalingan ay ligtas ka pa sa usok at alikabok sa daan dahil sa aircon ito. Sa halos lahat ng bayan sa Laguna at kalapit lalawigan nito ay may isa hanggang walo o marami pang shuttle buses na naghihintay. Depende sa dami ng mga empleyado na pumapasok sa lugar. At humigit kumulang sa limampung shuttle buses ang pumapasok at lumalabas ng aming kumpanya tuwing pasukan o uwian.

Isang bus na modelong gawa sa Japan ang karamihan sa mga shuttle buses na nirerentahan ng kumpanya sa dalawang service company. Magkaiba man ang istilo ng mga buses nila ay karaniwan naman ang mga eksenang makikita sa loob.
Nakatala sa ibaba ang pagkakahati-hati at pag kakaiba-iba ng bawat empleyado na sumasakay ng shuttle bus base sa aking obserbasyon.

Una dito ang mga PALATULOG: (53.33%)
Sila ang nasa majority ng mga pasahero sa loob ng shuttle.
Mahigit sa kalahati ng sakay ng shuttle ay ito ang paboritong libangan.
Ang mga palatulog ay ang karaniwang unang laman ng shuttle upang makapili ng magandang pwesto kahit maiksi o mahaba man ang biyahe.
Sa oras na mailapat na nila ang kanilang mga puwet at likod sa upuan ay kasunod na nito ang pagpikit ng mata at pag buka ng bibig.
Sila ay ang mga sakay ng shuttle na parang laging naka rejoice shampoo. Kering-keri sumusunod sa bawat galaw ng bus ang mga ulo.
Sila din ang madalas nakakaramdam ng bukol o pasa dahil sa madalas na pag ka-untog ng ulo sa window.
Madalas akong nabibilang sa grupo na ito. Minsan ay mas malala pa.
Lunes ng gabi noon, at dahil sa antok ay natulog ako sa shuttle ng pauwi na sa apartment na tinutuluyan ko sa Laguna.
Pag upo ko palang ay parang hinihila na ng dalawampung demonyo ang mata ko at ng magsara ito ay tuloy tuloy nang lumipad ang isip ko at nagsimula ang mahimbing na tulog. Ilang sandali pa ay umusad na ang bus na lalong nag pahimbing ng tulog ko, parang dinuduyan ako sa sarap.

Ang sumod na pangyayari ay halos kinabaliw ko;

Nagising ako sa ilang kagat ng lamok at pag dilat ko ay muntik ng mapasigaw sa takot.
Madilim ang paligid at ako nalang ang sakay ng bus.
Sumilip ako sa bintana at napansin ko na nakahito na ang bus na sinakyan ko.
Anak ng pitongput pitong puting pato! nasa garahe na ako ng bus!
Buti nalang at gising pa ang driver.
Nagawa pa niyang pagbuksan ako ng pinto para makalabas.



Pumapangalawa sa listahan ay ang mga PALATEXT. (20.25%)
Sila ang mga empleyado na nawawala sa sarili sa tuwing mauubusan ng load.
Hahabol sa shuttle bitbit ang hi-tech na nokia celphone.
Pagpasok sa pinto ng shuttle ay sisismulan na mag text hanggang makahanap ng upuan.
Madalas ay kinaiinisan sila ng mga palatulog, dahil sa lakas ng message alert tone na minsan ay special pa.


"tututut tutut tututut! tututut tutut tututut!

O kaya ay nagsasalita pa:


Dadi dadi may nag txt! ano? babasahin ko na ba?



Nagigising tuloy ang mga palatulog at nahihirapan bumawi ulit ng tulog.



"Ang lakas naman ng message alert tone mo! Asar na me!



Pangatlo ang mga PALAKWENTO. (16.42%)
Taob ang Wakasan komiks at drama sa radyo kung susubaybayan mo ang mga kwento nila.
Buong byahe ay puro kahindik-hindik na karanasan ang maririnig mo na may aksyon at sound epek pa.


"Nang dinampot na nya yung plato, bigla akong sumigaw ng huwaaaaaag!!!!. Pero matigas siya. Babasagin ko to! Tumakbo ako para pigilan siya, nung malapit na ko ay biglang...Kaplak..krrrrrrrrrrrg..krum..krum...basag na ung plato. Ang kulit ng anak ko talaga."


Minsan ay may nakatabi akong palakwento sa shuttle at walang sawa niyang kinuwento sa katabi niya ang karanasan niya sa dating boyfriend. Lunes ng ikwento nya kung paano sila nagkakilala ng dating syota nya. Martes ay nalaman ko na muli silang nagkita at nagdate sila sa chowking. Miyerkules ay nag tapat na ito ng pag-ibig sa kanya. Huwabes ay sinagot agad niya. Biyernes ay puno ng pagmamahalan. Hindi ako pumasok ng Sabado at Linggo, pero nung Lunes ay nabalitaan ko na break na sila. Halos mapaiyak ako sa lungkot. Totoo palang nangyayari sa totoong buhay ang isang Lingong pag-ibig.


Pang-apat ang mga PALAANAK. (8.33%)
Sila ang mga special passenger ng shuttle.
Bago ka pa sumakay ay tanaw mo na sa labas ng bintana sa ikatlong hanay ang limang upuan mula sa drayber ang mahigpit na babalang:


"For Pregnant Woman Only!"


Oo, bawal ang Pregnant man, Pregnant Dog, Pregnant Cat o kahit Pregnant ant. Malinaw ang babala, for Pregnant Woman Only. Kaya naman walang naglalakas ng loob na umupo dito, dahil kung sino man ang mag-tangka ay mapapatalsik. At hindi lang laki ng tiyan ang batayan para mag karoon ng power na makaupo sa special na upuan na ito, dapat ay meron kang kulay blue na sticker sa ID ng isang babaeng buntis. Minsan ay naglakas loob akong umupo sa upuan ng Pregnant Woman, pero nabigo ako dahil nabuking ng Bus Marshal na hindi ako woman. sayang, lusot na sana sa pregnant.



Pang lima at pang huli ay ang PALAGAWANGKWENTO (1.67%)

Siya ang sakay ng shuttle, na hindi makatulog, walang load at wala din kakilala sa shuttle kaya walang makausap.
Para malibang ay iikot ang mata para magmasid sa ginagawa ng mga tao sa paligid niya.
Pagdating sa opis ay agad bubuksan ang PC at mag lolog in sa http://www.blogger.com/ at magsisismulang magkwento.



"What if someone you never met, someone you never saw, someone you never knew was the only someone for you? "

No comments: