Paalam ang pinaka malungkot na salitang alam ko. Sa tatlumpung taon ko dito sa mundo, maraming karanasan ng paalam na ang dumaan. Pero sa kabila ng lungkot dahil sa paglisan sa isang bagay o taong mahal ko, eto at patuloy parin ang pag-agos ng buhay. Sa bawat pamamaalam ay laging may panibagong sibol na magdudulot ng panibagong lakas at inspirasyon. Naniniwala ako na ang paalam ay hindi wakas, ito ay simula ng panibagong kabanta at hamon sa buhay.
August 8, 2007 (8/8/7) ng sinilang ang mundo ng blog na ito. Nabuo ang konsepto nito mula sa inspirasyon ng aking WALONG (8) pangarap. Isang simpleng larawan sa mga bagay na nais kong makamit sa buhay ko. Ang bawat larawan ang naging inspirasyon ko, upang hamunin ang sarili na walang imposible sa buhay. At ang blog na ito ang nagsilbing talaan ko ng bawat kaganapan sa mga pangarap na ito.
ONE(1). Like No Other – My 2nd Digital Camera
Mababaw na pangarap, pero noon ay isang malaking hamon sa akin ito. Tuwing magdedesisyon kasi ako na bumili ng isang bagay, lagi kong iniisip ang halaga nito na naayon sa pangangailangan ko. Kuripot ako pagdating sa sarili ko, ang lagi kong iniisip ay kung ano ang magiging kabuluhan ng bawat binibili ko sa mga taong mahal ko. Naging masaya ako ng mabili ko ang aking camera..pero hindi nagtagal ang ligayang dulot nito. Sa huli ay ang mga nasa larawan na kuha ng camerang ito ang mas pinapahalagahan ko.
TWO(2). Hongkong 3D2N.
Bago kami ikasal nang aking asawa ay pinangarap kong sa Hongkong/Macao kami mag honeymoon. Subalit hindi ko ito natupad. Isang taon ang nakalipas matapos ang aming kasal, ay gumawa ako ng paraan na matuloy ito. Ang nasa-isip ko pa noon ay baka ito lang ang hinihintay para magka-baby kami. Bagamat hindi man kami nagka-baby matapos ituloy ang 2nd honeymoon sa Hongkong, ay isa naman ito sa pinaka masayang araw sa aming buhay bilang mag-asawa. Sa susunod na pagbalik namin sa Disneyland, tatlo na kami at mas excited ako na hihintayin yun.
THREE(3). Gulong ng Palad
Kasunod ng pangarap ko na matutong mag drive ay makabili ng sariling kotse. Naging malaking desisyon para sa akin ang bagay na ito. Inisip ko noon kung ito ba ay kailangan ko o luho lamang. Nasanay na ang katawan ko sa pagsakay ng jeep. Hanggang marealize ko na hindi sa habang panahon ay konbinyente ang pagsakay sa jeep lalo na kung kasama mo ang pamilya mo.

Ito ang una sa pangarap ko.. Kung titimbangin ang kagustuhan ko sa bawat isa..ito ang laging mas matimbang. Hindi ko man matupad ang karamihan sa mga pangarap ko. Huwag lang ang pangarap kong magkaroon ng boung pamilya. Yung may daddy, mommy at mga baby..sabi ko nga kay Lord, kahit apat lang na magaganda, matalino at malusog pwede na ..(demanding pa!). Sa awa ng Diyos, naka-isa na kami, 3 more to go Lord!
FIVE(5). I Left My Mind, Heart & Stomach in SF
Bagamat hindi naman masyadong mahirap ang pangarap ko na ito, pero kinukonsidera ko ito na imposible. At ang totoo, ay gusto ko lang i-challenge ang sarili ko sa isang pangarap na maaring wala akong magagawa upang matupad. Wala kasi akong maisip na dahilan upang makapunta ako sa Amerika. Una, wala akong VISA, pangalawa, wala akong kamag-anak doon, pangatlo, wala sa linya ng trabaho ko ang lugar na iyon at pang-apat, wala akong pera. Pero sa hindi inaasahag pagkakataon, sa kung ano ang pumasok na swerte ay bigla akong pinadala sa Amerika. Nabigyan ng 10 years multiple entry na VISA, nakilala ang isang kamag-anak na matagal ng nakatira doon, biglang nalinya ang aking trabaho na may kinalaman sa nasabing bansa, at sinagot ng kumpanya ang lahat ng gastusin. Lahat ay parang plinano at ginuhit ng eksakto ayon sa kagustuhan ko. Iba talaga ang kapangyarihan ng determinasyon, swerte at dasal.
SIX(6). 403 minutong Saya
Health is wealth. Ito ang lagi kong dasal, isang malusog na pamilya. Noong nagsisislang ang asawa ko, hindi ako mapakali. Naka ilang rosaryo ako para ipagdasal ang kaligtasan niya at ng aking magiging anak. Kaya naman noong nalaman ko na maayos na ang lagay ni Grace at malusog ang aming anak, daig pa nito ang ang pakiramadan na nanalo ako sa lotto!
SEVEN(7). Dito Na Tayo Forever!
Taltong taon na ang nakaraan ng unang sumagi sa isip ko ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Pero dahil sa mga prioridad, ay pansamantala kong kinalimutan ang pangarap na ito. Hanggang sa dumating ang kagustuhan ko na makasama na ang pamilya ko araw-araw. Isa na siguro ito sa pinaka mabigat na desisyon na kailangan kong gawin..pero sa huli alam ko naman na para ito sa pamilya ko at handa akong tiisin ang lahat kahit pa ibenta ko naman ngayon ang kanang kidney ko.
EIGHT(8). Sampung Milyon.
Teka..teka..unahan ko na kayo. Sa walong pangarap ko, eto lang ang hindi pa natutupad! Sa totoo lang umaasa ako na matutupad to. Pero marahil ay maling representasyon ang nailagay ko sa larawan. Inedit ko kasi ang sampung pisong buo para maging 10M. Akalain ko ba na hanggang ngayon ay sampung piso parin ang laman ng wallet ko. Pero hindi pa ako sumusuko, alam kong darating ang panahon na magkakaroon ako ng 10M sa banko. Kung kailan? Sana ay buhay pa ako… Bagamat hindi naman literal na nabigay sa akin ang 10M. Kinukunsidera ko parin na natupad ang pangarap ko na ito. Dahil, kapalit nito ay ang sampung milyong ngiti sa aking buhay…
Ang pahina sa mga blog na ito ang naging instrumento ng bawat pangarap ko. Naging mundo ng saya, lungkot, tuwa, at pangarap. Naging parte ng aking araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Lilipas ang panahon at masaya kong babalikan ang bawat kabanata sa buhay na minsan ay ibinahagi ko sa inyong lahat. Subalit ang bawat kwento at may ending…may wakas.
Paalam sa lahat ng sumubaybay sa bawat kwento ko. Sa mga naging kaibigan at bagong kakilala sa pamamagitan ng blog na ito…Magdilim man ang pahina ni BBAM ay may liwanag parin itong taglay sa kabilang panig at yugto ng buhay..Magpapatuloy sa pag-ikot at hindi na magwawakas kailanman…..
WAKAS.

19 comments:
paalam sa unang blog na binasa ko at naging inspirasyon ko din para gumawa ng sariling blog.
someday imbitahan mo ko sa bahay nyo! =)
gusto kong maniwala na nananaginip lang ako...
naging mabait sa iyo ang tadhana dahil isa kang mabuting tao, marami kang napasaya, napangiti at napahanga sa mga kwento ng buhay mo. isa ako sa magpapatunay kung ano ang mga idinulot mong inspirasyon sa akin. naway magsilbing patunay ka pa rin ng pag-asa dito sa mundo natin.
bakit bilog ang mundo? dahil darating at darating ang panahon na magkikita rin tayo, pag nangyari yon, hayaan mo akong kamayan ka (yakapin kung di ko mapigilan)... tanda ng aking walang bahid na paghanga sa iyo...
aabangan ko kung saang parte man iyon ng mundo...
patuloy pa rin akong umaasa na ang maliit na ilaw na iiwan mo ay muling magniningas para sa mga tagahanga mo...
hanggang sa muli, kaibigan...
Thank you napasaya mo ako sa blog mo! :)
isa ako sa masugid na tagasubaybay ng iyong blog, hindi dahil ikaw ay aking kabiyak kundi sa pagbasa ko nito ay may aral akong napupulot na nagiging inspiration ko rin. nasaksihan ko kung paanong ang mga pangarap na iyong naibahagi ay unti-unting natutupad.. masayang masaya ako pa sa iyo bi.. mahal na mahal kita. salamat din kay BBAM. =)
Chyng, hindi naman ako tuluyang maglalaho..magiging masugid na taga basa parin ako ng blog mo..=)
maxtermind, salamat din dahil sumasaya din akong malaman na may mga taong napasaya ng blog na 'to.
Sir Edong..wala na sigurong mas masarap sa pakiramdam kundi ang makatanggap ng papuri sa isang taong hinahangaan at naging inspirasyon ko sa pagbuo ng blog na ito..Mula inversetuldok, hanggang inversetutuldok ay patuloy akong susubaybay...Sana nga ay magkita tayo minsan.. Hinhintayin ko at paghahandaan ang sadaling iyon..Salamat idol!
Bi, may mga bagay na nabubuo bunga ng saya..ang blog na ito ay binuo ng ligaya ko mula ng pumayag kang maging kabiyak ko...Mahal na mahal ko kayo ni Gaby! =)
Debasyo,
nakakalungkot isipin na isa sa mga paborito kong blog ay winakasan na... gayunpaman maraming leksyon at inspirasyon ang naihatid nito sa akin...good luck sir lloyd... kelan reunion ng CQA... miss ko na ang lahat... regards kay Ms. Grace at sa cute mong baby Gab...
huh??? kuya pano nako makakabalita sa life mo niyan? parang magkatabi parin tayo sa HICAP at nagkukuwentuhan lang pag binabasa ko ang blog mo eh.
well niwey, hindi naman ito ang the end :-)
this was the first time I ever visited your blog. it's weird and sad that this is going to be your last. too late. inspiring ang story mo. =)
Ate rence..oo nga, namiss ko tuloy bigla mga kwentuhan natin...
Kura...Salamat, bibisitahin ko rin blog mo..=)
sir lloyd..
un 10 million..malapit na..antayin mo lan..wag ka lan bibitiw sa corporasyon ng mananaya..
Ibenta ang iyong bato dito ngayon sa halagang 300,000 euro. Para sa karagdagang detalye makipag-ugnay kay Dr Sunaj sa Columbia Asia Hospital na may mga detalye sa ibaba.
Whataspp: +917204719376
Whataspp: +917204719376
sunajkidneyfundation@gmail.com
Dr Sunaj

Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.
Post a Comment