Noong unang panahon, ang mga bata ay naniniwala sa kwento ni Lola Basyang. Ngayong panahon, maiiba ang inyong paniniwala..
Oct 29, 2007
Kwento ng Tahimik kong Mundo
Hindi na bago sa akin ang mawalan ng boses, madalas na ito ang sakit na dumadapo sa akin taon-taon. Mas madalas pa nga akong mawalan ng boses kesa ubuhin. Buti nalang at hindi ako singer dahil kung hindi ay sira agad ang carrer ko. Dati ay isang malalang sakit ang tingin ko tuwing mawawaln ako ng boses at may halong kaba pa nga. Noong isang taon ay nagising ako na walang kahit anong tunog na lumalabas sa vocal chords ko. Agad akong kinabahan at dali-daling kinuha ang celpon para tawagan ang nanay ko.
Nanay: Hello.
Lloyd: ----- ---.
Nanay: Hello, Lloyd? Bakit?
Lloyd: ---! ----- -- --- -----------, --------.
Nanay: Lloyd! nandyan ka pa ba?
Lloyd: ---.
Pinutol ko na ang pakikipag-usap sa nanay ko at nag text nalang ng maalala ko na wala nga pala akong boses.
Minsan ko na ring pina-check-up ang pagkawala ko ng boses, pero binale wala lang ito nang doktor. Parang sipon lang daw ito na kusang ring mawawala, kailangan lang daw ng pahinga at pansamantalang pagtigil sa pag sasalita. Malaking challenge ito para sa akin. Mas gusto ko pa na magbara ang ilong at mawalan nang pang-amoy, o kaya ay mutain ang mata at hindi makadilat kesa sa hindi makapagsalita.
Hindi man ako talk show host o anouncer sa radyo ay walang tigil din namn ang bibig ko sa buong araw.
Pag gising pa lang sa umaga ay diretso na ako sa banyo para maligo. Habang naliligo ay sinasabayan ko ito ng walang tigil na pag kanta. Ang ganda kasi ng boses ko sa banyo, buo at may konting echo pa, pang balladeer ang kalibre.
Habang nagbibihis ay sinasabayan ko ito ng panonood ng Umagang Kay Ganda, kasabay nang mga komentaryo ni Tunying sa mga headlines sa mga pangunahing diaryo, ay nakiki-sabay din ako at nagbibigay ng aking opinyon at pananaw.
Pagdating sa opisina ay magsisimula na ang mga kwento ko sa lahat ng mga kalapit table ko. Mapa tungkol sa trabaho, sa pamilya, sa pag-ibig o maging sa mga walang kwentang pangyayari sa buhay ko ay updated sila. Noong ako ay nasa QA pa, mas matindi ang marathon ko sa pagdaldal, lahat ng bagay kasi sa aking trabaho dati ay kailangan sabayan ng daldal, mapa meeting, training, audit at tawag sa telepono.
Pag-uwi sa bahay ay kadalasan akong nagbabasa ng libro. Pero hindi lang mata ang ginagamit ko sa pagbasa, kundi bibig. Mas dama ko ang kwento sa binabasa kung naririnig ko ito. Ito ang dahilan kung bakit maraming beses na akong napalabas ng library at napaaway sa katabi ko na natutulog sa FX. Mula noon, ay pinili ko na sa loob ng kwarto na lang ako magbabasa.
Sa aking pagtulog ay patuloy parin ako sa pagsasalita. Ilang beses narin akong ginising ni Grace dahil nagsasalita raw ako habang natutulog. Kaya naman, bago kami matulog ay may nakahanda nang papel at lapis sa tabi niya. Bilin ko ito, para kung sakaling managinip ako ng numero ay ma-isulat niya agad. Baka dito kami swertihin at manalo sa lotto.
Masama parin ang boses ko hanggang ngayon. Kanina lang ay humingi ako ng second opinion sa duktor ng aming kumpanya. At parehas ang sinabi niya, kusa daw itong mawawala pero kailangan kong ipahinga. Huwag daw muna akong magsasalita kung kaya iling at tango lang ang ginanti ko sa kanya.
Limang araw na bakasyon mula ngayon ang kailangan ko para manumbalik ang aking boses. Siguro ay isang paalala rin ito na kailangan ko munang tumahimik at mag pahinga.
Oct 15, 2007
Kwentong Kusinero
American Adobo: Eto ang unang adobo na pinag ekspermentuhan ko. Tipikal na adobo pero naging espesyal dahil sa mga crunchy garlic bits. Kakailanganin mo lang ng isang litrong astring-o sol para maalis ang amoy bawang na hininga pagkatapos kumain. Pero da best ito, at abot langit ang sarap! Ilang nakakain narin ang mga nagpatotoo. Hango ang lutong ito sa pelikulang "American Adobo" na napanood ko.
Talong Tagletelli: Piritong talong na hinaluan ng kamatis, sibuyas, giniling na baka, at pritong itlog. Napagkamalan itong italian food ng minsang natikman ng mga karpentero, mason at foreman na gumawa ng bahay namin. Malulupet ang kritiko ko. (Bon apetite!)
Chiken Surprise: Parang chopsuey pero hindi chopsuey. Lasang asado, pero hindi asado. Amoy adobo pero hindi adobo. Kaya nakakasurprise talaga kung ano ito! Nadiskubre ko ito nang minsang galugarin ko ang isang supermarket at matagpuan ang isang kakaibang sauce. Wala akong idea noon kung ano ang lasa nito, pero hindi ako nagpahalata kay Grace dahil baka hindi niya kainin pagnalaman. Nang maluto na ay sobrang patok sa kanya. Isa nga ito sa peyborit na ulam niya!
Fujio Pitsakoto: Inspayrd ito nang isang Japanese fud na natikman ko sa Japan. Pinag sama-sama ang tuna, giniling na baboy, hipon, patatas, kamatis, sibuyas at kahit anong maisip mo pang isama na kasya sa isang bowl. Dito ay ihahalo ang mixture ng itlog at konting arina. Matapos masiguro na nahalo na itong mabuti, gagamit ng non-sticky na pan at ipipirito hanggang mag mukhang pizza. Tapos ay isasalin sa plato at pwedeng drawingan ng mukha, elepante, surot, langaw o kahit ano pang ikakasasaya mo gamit ang mayonnaise at cheese bilang toppings.
Noong Linggo ay isang press release ang ipinahayag ni Grace. Magdidiet daw sya at hindi na siya kakain ng kanin sa gabi. Dahil dito ay isinama nya sa budget namin sa grocery ang isang balot ng skyflakes at iba-ibang flavor ng oatmeal (na ako ang pumili). Napaisip tuloy ako, kailangan ko na rin bang mag diet? Haay, mahirap at parusa sa akin iyon. Aaminin ko sa inyo na hindi ako naniniwalang kakayanin ni Grace ang hindi pagkain ng kanin sa gabi, lalo na tuwing weekend na ako ang mag luluto.
Lloyd R. Sese
Process Engineer
Tumatanggap din ng Catering pag Linggo
Oct 1, 2007
Kwen2 celpon
Bagong gupit at bagong celpon. Sino ba naman ang hindi gaganahan na magtrabaho ngayon. Noong linggo kasi ay nakapag desisyon na akong magpatabas ng buhok dahil na rin sa masyado na itong humaba at natatakpan na ang kagwapuhan ko. Kasabay nito, ang desiyon ko na palitan narin ang aking lumang celpon. Hindi ako gaanong mahilig sa mga bagong modelong celpon. Para sa akin ay patok ang celpon na simple at magaan sa bulsa (pisikali at pinansyali). At sa aking pagka-alala ay hindi pa ako nakabili ng mamahaling celpon. Kadalasan sa celpon na nagamit ko ay bigay, pahiram, pinaglumaan, sale, o libre. Kung may celpon nga na free sa chizkurl ay malamang meron na 'ko nun.
Sep 18, 2007
Sulat Kamay, Kwentong Puso
Sa totoo lang, hindi ako mahilig gumawa ng love letter. Sa aking pagkaalala ay dalawang babae pa lang ang nabigyan ko ng sulat pag-ibig at isa lang sa kanila ang naging girlfriend at asawa ko na ngayon. Kung ikaw ang isa sa nabigyan ko ng love letter ay maswerte ka, magiging magaan ang pasok ng pera at sisigla ang buhay pag-ibig mo. Lucky color red, lucky number 14.
Ang magsulat ay hindi mahirap. Pero kung ito ay pagpapahayag ng damdamin na may gusto ako sa isang tao ay siguradong sabit ako. Mas epektib ang panliligaw ko kung biglaan, at on the spot na makakarinig din ako ng sagot. Hindi kasi ako nakakapagka-tulog sa gabi pag may inaantay akong sagot sa sulat ko. Resulta, mugtong mata at tigyawat sa ilong (minus pogi points!).
Isa-isa kong binuksan ang mga sulat na tinago ni Grace ng matagal na panahon. Hindi maikakaila na sa akin ang lahat ng iyon dahil sa sulat kamay na parang kinalahig ng dalawang adik na manok na tumitira ng katol. Una kong hinanap ang sulat na ibinigay ko kay Grace noong 2nd year high skul kami. Sa aking pagka-alala, ang sulat na iyon ang kauna-unahang sulat na ibinigay ko sa kanya na nagpapahayag ng aking pinakatago-tagong pagtingin sa kanya. Ilang sulat palang ang nabuksan ko ay nakita ko kaagad ang hinahanap. Dalawang pahina ang sulat mula sa dalawang pilas ng papemelroti. Sinimulan kong basahin ang sulat at unti-unting bumalik ang aking ala-ala sa panahong nagsisismula palang akong tubuan ng bigote at usbungan ng adams apol. (Lalabo ang paligid at isang instrumental music ang maririnig)
Sep 12, 2007
Coyote Gwapo
Lolo 2: Papasarapin pa ni Pacquiao yan...aabot yan ng sampung round at paglalaruan ni Pacquiao ang laban para mas sumarap.
Lolo 1: Aba! Kung gagawin niya yun ay matutulad ang laban niya kay Morales noong natalo siya. Dapat ay paspasan niya agad si Barera. Maniwala ka, hanggang limang round lang yang Mexicano na yan! Ipupusta ko pa ang asawa ko.
Nakita kong sumama ang mukha ni Lolo 2 sa sinabing iyon ni Lolo 1. Hindi siguro gustong ni Lolo 2 na ang asawa ni Lolo 1 ang mapanalunan niya sa pustahan.
Nakilala ko ang mga Mexicano dahil sa mga laban ni Pacquiao sa boxing kung saan ay madalas niyang pinapatulog ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang kamao, habang hinehele ng kantang "Para sayo ang laban na 'to". Pero hindi lang sa basagan ng mukha unang nagmarka sa isip ko ang mga Mexicano. Noong una ay nakilala ko sila dahil sa mga Mexican telenovela na paborito ng nanay ko. Mula sa Marimar, Rosalinda, Chabilita at Maria Mercedez ay nakitutok din ako sa panonood.
Noong nakarang hunyo ay nakarating ako ng Mexico sa unang pagkakataon. Isang "business strategy" daw ayon sa aming kumpanya ang hakbang na ilipat ang produkto at ang buong planta ng Hitachi Mexico sa Pilipinas. Dahil sa hakbang na ito ay mawawalan ng trabaho ang libo-libong Mexicano kung saan sa kumpanyang iyon kami pupunta. Isa na naman ba itong Pacquiao versus Morales re-match? Pag dating namin doon ay mas marami sila, baka hindi na kayanin ng tapang ng Pinoy ang laban pag 1 versus 100 na ang usapan.
Bago lumipad ang grupo namin papuntang Mexico ay maraming mga pagpapaliwanag at orientation pa ang aming narinig. Lahat ng pag-iingat ay binilin sa amin at pinabaunan pa kami ng ilang mga guidelines sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa Mexico. Wala naman bago sa mga rules and regulations nila, kung ano ang tama sa Pinas ay tama rin sa kanila. At kung ano ang mali tulad ng pag gamit ng illegal drugs, pag kuha ng illegal prostitute at pag sakay sa illegal o kolorum na taxi ay ganito rin naman sa Pinas. Nabawasan ang kaba ko dahil wala naman pinagkaiba ang Mexico sa ibang bansa na napuntahan ko maging sa Pinas. Hindi mawawala ang peligro sa kahit saang lugar. At sa aking palagay ay sanay na ako sa mga peligrong ito.
Tinawag ang grupo namin na Coyote Team. Noong una ay na-excite ako dahil baka may kasamang contract sa Warner Brothers ang pagpunta namin doon, matutupad narin ang pangarap kong maging artista...pang cartoons nga lang. Dahil sa aking curiosity ay tinanong ko sa isang Manager namin kung ano ang ibig sabihin ng Coyote at bakit ito ang pinangalan sa grupo? Subalit hindi rin nila alam. Sa akin kasing pagkaka-alam, si Coyote ay ang aso na laging humahabol kay road runner at madalas malagay sa peligro ang buhay dahil sa paghahangad na makakain ng fried chicken. Nangangahulugan ba ito na nasa peligro din ang buhay namin pagdating sa Mexico?
Sinubukan kong hanapin sa internet ang kahulugan nito at dalawa pang kahulugan ang nakita ko.
Ayon sa Wikipedia: The coyote (Canis latrans) also known as the prairie wolf is a mammal of the order carnivora. They are found throughout North and Central America, ranging from Panama in the south, north through Mexico, the United States, and Canada. The name "coyote" was borrowed from Mexican Spanish, which is itself borrowed from the Nahuatl word coyōt. Its Latin name Canis Latrans means "barking dog".
Ayon naman sa www.urbandictionary.com: coyote brings Illegal immigrants from Mexico to the United States across the border illegally. The cayote helped the migrant family cross the dessert from Mexico into Arizona.
Lalo tuloy akong napa-isip. human trafficker ba ang tingin nila sa amin? O illegal ba ang pag lipat namin ng teknolohiya ng Mexico sa Pilipinas across the boarder?
Nang marating namin ang Mexico ng ligtas ay bahagya na akong natuwa. Pero ang araw na unang pakikipag harap namin sa mga Mexicano sa kumpanya nila ang muling nagpalambot ng tuhod ko. Tanging si Pacquiao lang at ang kanyang mga awitin ang nagiging inspirasyon ko para ipakita sa kanila na matapang ang lahing Pilipino. Alam ko na hindi maganda sa kanila ang kahihinatnan ng pag punta namin doon. Sino ba naman ang gustong mawalan ng trabaho? At ngayon ay makakaharap nila ang mga papalit sa trabaho nila. Nang makaharap ko na ang isa sa mga Mexican Engineer na counterpart ko ay napalunok ako ng laway.
Lloyd: Hi, I'm Lloyd the ion mill process engineer.
Mexican Operator: Hola! Apesadumbrado sino yo no puede entender inglés. A propósito te oí el decir de que eres ingeniero del molino del ion, soy ése tan? Soy Maria, i que trabaja aquí como operador por nueve años ya. Sabes, pienso que eres lindo. Jejejejeje...
Naging masayang kasama ang mga Mexicano. Nabago ang pananaw ko sa kanila na mga mukhang boksingero. Isang buwan din ako tumagal sa bayan nila at natutong kumain ng tacos, buritos at tortas. Ngayon ay nasa Pilipinas na ako at sila naman ang nandito. Tinuturuan ko sila ngayon magtagalog, kumain ng balot, addidas, IUD, helmet at betamax. Gusto ko sanang tawagin ang grupo nila na kapre group o bugaw group, pero hindi nalang dahil mga kaibigan ko sila. Okay na sa akin ang tawag sa grupo namin na Coyote, gwapo naman!
Sep 8, 2007
Mama Mary Loves you!
Hindi ko man gustuhin na pumasok ngayon ay wala akong magawa. Sa aking mga kamay nakasalalay ang ikagaganda ng aming bagong produkto (ito ang dapat ko isipin para hindi ako masyado malungkot na pumasok ako ngayon). Masama ang gising ko at parang wala akong ganang mag trabaho. At tulad ng lagi ko ginagawa, bago bumasa ng 80 unread e-mails (lahat ay job related..fyi) ay hinarap ko muna ang makulay na mundo ng Internet Explorer. Unang pumasok sa isip ko ang mag-basa ng news, para naman alam ko parin ang nangyayari sa paligid ko. Kagabi kasi ay deal or no deal na ang naabutan ko at wala na ako sa ulirat para hintayin pa ang mga pang-gabing balita. Sa http://www.inquirer.net/ ako unang bumisita. Pag katapos mabasa ang ang headlines ay nagtungo agad ako sa paborito kong colum dito, ang Moments ni Fr. Jerry Orbos.
Isa si Fr. Jerry Orbos sa mga personalidad at manunulat na hinahangaan ko. Sa mga hindi nakakakilala (meron ba?), si Fr. Jerry Orbos ay isa sa mga pinuno ng mga misyonaryong pari dito sa Pilipinas (SVD Missionary Director ). Sa pamamagitan ng kanyang mga kwento at karanasan ay binabahagi niya sa tao ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos. Siya ang awtor ng mga librong moments, shared moments, simple moments, light moment at candid moments. Nabasa ko na ang lahat ng mga librong ito at bawat kwento at karanasan ay nag-iwan sa akin ng inspirasyon sa ibat-ibang paraan.
"Speak with your head and people will listen with their head. Speak with your heart and people will listen with their heart, for a heart speaks to another heart."
The story is told about a wonder dog that knew how to count. When asked “1 x 1?” it would bark once. When asked “1 x 2?” it would bark twice. Because of its special talent, the dog had a comfortable and pampered life. Everything was fine and predictable until one night, an unexpected thing happened. A drunken guy wanting to test the dog asked, “1,000,000 x 1,000,000?” The last heard about the dog is that, up to the present, it is still barking and it is now at the point of dying.
By Fr. Jerry Orbos
Ganito ang atake sa mga kwento ni Fr. Jerry, may nakakatawa, nakakaiyak, nakakainspired at nakakahigh (with the Lord po, baka magalit si father), pero lahat ay tagos sa buto pati puso't kaluluwa.
Gusto kong i-share ang dalawa sa mga paborito kong kwento ni Fr. Jerry tungkol sa pinaka mapagmahal na ina.
(Gusto ko sana itong isalin sa wika ko, pero baka hindi ko mabigyan ng hustisya ang nais ipa-abot ng kwento.)
A MOTHERS HOLD:
When Jesus was arrested, all the disciples fled and abandoned their Master. All except one __ John.
Why did John not abandon Jesus?
Actually, John too wanted to run away, But the Blessed Mother held on to him, so he could not run away!
Always remember: " Stay close to the Blessed Mother and you will never abandon Jesus!"
AN ANGEL NAMED MARI KEI:
In 1996, I prayed over and asked Mama Mary for the gift of child for Farah and Yoshi (a Japanese).
Their wish was granted. They were given a child whom they beautifully named Marie Kei (which in Japanese means "Blessing from Mary"). She was born on December 12, feast of Our Lady of Guadalupe. It was a joyful day for the whole family, made more joyful with Yoshi's announcement that he too, wanted to be baptized on January 5, together with his child.
But suddenly, joy turned to sorrow. The baby became very sick and I was called to give her emergency baptism at the hospital on December 15. Yoshi, really wanting to be one with his child, wanted to be baptized as soon as possible. I administered adult baptism to him on december 23.
The next day, Christmas eve, Marie Kei died at St. Luke's Hospital. She lived for only 12 days but she had done her mission. In Farah's own words, marie Kei has brought her father, Yoshi, to the Lord.
Marie Kei's mission was accomplished in 12 days. How about you? How long have you been here in this world? Have you done your mission? Are you doing your mission....?
Hanga ako sa pagmamahal na pinapakita ni Fr. Jerry kay Mama Mary. At ang pagmamahal na ito ay binabahagi din niya sa bawat taong nakikinig at naghahanap ng pagmamahal.
Sa tuwing bumabati si Fr. Jerry ng "Mama Mary Loves You", lubos na galak ang nararamdaman ng puso ko.
Mula sa kanya ay ramdam ko ang diretsong haplos ng pagmamahal ni Mama Mary.
Napalitan ng isang matamis na ngiti ang kaninang nakasimangot kong mundo.
Bigla kong naalala na importante at espesyal ang araw na ito ...
Ngayon ang birthday ni Mama Mary. Sinabihan ko si Grace na hintayin ako, pipilitin kong makauwi ng maaga para sabay kaming magsimba at magpasalamat sa pagmamahal na bigay ni Mama Mary.
Mama Mary Loves You!!!
Sep 4, 2007
May Deathly Hallows...Na Deathly Inlove
Maaga akong umuwi galing opisina dahil sa dinalaw ako ni Grace dito sa Laguna.
Wala silang pasok noon dahil sa araw ng Bulacan o mas kilala sa buong Pilipinas na Linggo ng Wika.
Dahil ipit na araw ang biyernes ay minabuti narin ng kanilang kumpanya na gawin narin itong holiday. Ang ibig sabihin nito ay apat na araw na makakasama ko si Grace. Bagamat may pasok ako noong huwebes at biyernes ay okay lang, pag uwi ko naman ng bahay ay surebol na nandoon siya at naghihintay
Mula lunes hanggang huwebes ay 8:00AM to 6:00PM ang pasok namin. At 99% pa nito ay OT (over time) ako kaya alas otso na ng gabi umuuwi. Pero hindi sa araw na iyon. 5:55 PM palang ay nag shut down na ko ng PC
Ilang sandali pa ay parang musika na sa tenga kong narinig ang oras ng uwian. Tayo agad at tumakbong palabas ng opisina papunta sa time trak. Nang makaupo na ako ng shuttle bus ay agad kong kinuha ang cell phone ko para i-text si Grace.
Lloyd: "hi bi, kmusta k n? pauwi n ko..=)
Grace (Reply): "Ok nman ako bi, ingat k.
Lloyd: ""ano gus2 mo uwi?"
Grace (Reply): "Ikaw..=)"
Sino ba naman ang hindi mae-excite na mabasa ang ganoong klase ng reply mula sa asawa. Lalo akong nataranta at halos gusto ko nang palitan ang driver para paliparin ang bus na sinasakyan.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa babaan at sumakay ng jeep at padyak hanggang makarating sa apartment na tinutuluyan ko.
Si Grace agad ang sumalubong sa akin pag dating ko sa gate. Nakangiti siya at nakangiti din ako. Para kaming mga teenager na nagliligawan. Sinubukan ko siyang i-kiss sa lips pero iniwas niya ng konti, kaya dumaplis lang at sa pisngi tumama. Nagtaka ako sa kanyang pag-iwas. Nang tumingin ako sa paligid ay marami palang tao ang nakatingin sa amin. Para tuloy kaming mag loveteam na inaabangan ang pag kikiss bago mag palakpakan ang mga fans.
Pinaghain agad ako ni Grace para sabay kaming kumain.
Habang kumakain ay walang sawa akong nagkwento na parang isang taon ng hindi nakita ang asawa. Bihira kasi ang mga pagkakataon na ganito, kadalasan ay tuwing weekend lang kami nagkakasama ng matagal.
Lloyd: "Thank you bi, excited ako kasi nandito ka."
Grace: "Mas ma i-excite ka mamaya". Sabay ngiti.
Iba na talaga ito. Mukhang giyera na talaga ito at mapapalaban ang bataan. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa mga naririnig ko. Matapos lang ng ilang komersyal ng pinapanood namin sa TV ay inaya ko na agad siyang umakyat sa kwarto. Eto na ang pinakahihintay kong oras at sabik na talagang malaman ang bagay na ika i-excite ko.
Nang makapasok kami sa pinto ay ni lock ko agad ito.
(Babala: Kung ikaw ay wala pang labing walong taong gulang, maari mo nang itigil ang pagbabasa sa blog na ito at mag log-in na lamang sa http://www.cartoonnetwork.com/)
Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko inasahan.
Grace: Halika dito sa tabi ko.
Lloyd: Huh? O sige..bakit?
Grace: Kunin mo yung bag sa likod tapos buksan mo.
Makapigil hininga kong sinunod ang lahat ng inuutos niya.
Nang buksan ko ang bag ay biglang nalalaglag ang panga ko at tumulo ang laway.
Isang kulay orange na libro ang nakita ko.
Hindi nga ako nananaginip, ito ang libro na pinaka aasam-asam ko.
HARRY POTTER & THE DEATHLY HOLLOWS!!!! ASTIG!!!!!

Matagal kong inintay ang pagtatapos ng Harry Potter at ang Deathly Hallows ang huling bahagi nito.
Bago buksan ang plastik ng aklat ay inamoy-amoy ko muna ito na parang adik na tumitira ng katol.
Simula noong gabing iyon ay hindi na ko mapakali na buksan ang libro. At tuwing tititigan ko si Grace ay napapangiti ako. Sobrang na surprise nga ako, kahit na hindi iyon ang inaasahan kong magaganap. Mas malalim na kaligayahan, mas masarap sa pakiramdam. Isang halik at mahigpit na yakap ang sinukli ko sa aking asawa. Tunay nga na pagmahal mo ang isang tao ay alam mo ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Ganoon ako kamahal ni Grace.
Alam ko na marami na ang mas nauna sa akin na magkaroon at makabasa ng aklat na ito. Pero para sa akin, ang ang pagkakaroon ko ng ika-pitong aklat sa buhay ni Harry Potter ay isang kabanata sa buhay ko na nagpapa-alala ng tunay na pag-ibig mula sa aking asawa.
Winakasan na ni J.K. Rowling ang pakikipagsapalaran sa buhay ni Harry Potter. Pero ang kwento ng pagmamahalan namin ni Grace ay magpapatuloy hanggang sa kabilang buhay...
Totoo nga..I'm Deathly inlove...with Grace..